CHAPTER 11- GIVING IT UP

838 59 5
                                    

⚠️ R-18+ SCENE AHEAD⚠️
🚧READ AT YOUR OWN RISK🚧

Kahit medyo masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumunta sa opisina ni Ashmer para humingi ng update about sa Polar Clan. Kakapanuod ko lang kasi ng news patungkol sa bagong biktima na naman ng grupo. Maliban pa roon ay may mission din kasi ako bukas ng gabi. Hindi puwedeng lumala ang sakit ng ulo ko.

Naging busy din kasi kami sa school since closing na. Pero simula sa araw na 'to ay makakapagpokus na ulit ako dito sa camp.

At dahil nasa main office siya ay wala akong bell na puwedeng pagdiskitahan dahil scanner lang ang meron dito. I-scan ka lang niyon at makakapasok ka na dahil may monitor naman siya sa loob kung saan nakikita niya kung sino ang nasa labas. May button lang din siyang pinipindot at bumubukas na ang pinto.

Nang sa wakas ay na pagbuksan na ako ay tahimik lang akong pumasok at naupo sa sofa habang siya at tutok na tutok sa monitor na nasa harapan niya naman.

"Good afternoon, boss," bati ko pa.

Hindi man lang siya nag-abalang siringan akong tingin. So serious, tsk.

"Good afternoon, boss," balik bati niya rin at saka palang ako tiningnan.

Napakunot-noo naman ako. Lakas ng sapak, ah? Parang feeling ko ay nag-echo lang 'yong sinabi ko, eh. Trip niya na naman ba?

Imbes na patulan ang pang iinis niya ay napasandal na lang ako at siniringan siya ng tingin. Kung nakatayo siya ay paniguradong mula ulo hanggang paa ang tingin na ibinigay ko sa kanya.

I don't know why it seems gustong-gusto ko siyang tingnan sa mga oras na ito. Napangiwi na lang ako at napailing.

Napaka-weird ko talaga kapag may dinaramdam, zsss! Sana pala 'di na ako pumunta rito eh.

"Nagaguwapuhan ka na ba sa akin, Marciella? Puwede mo naman akong ligawan. Ayos lang sa akin."

Napaismid naman ako at binato siya ng ballpen na na dampot ko sa mismong kinauupuan ko. Kahit hindi na siya sa akin nakatingin ay nagawa niyang iwasan iyon.

Napakataas ng confident! Hindi ko ma-reach zsss!

"Hindi ba uso rito ang magtanong kung anong kailangan at bakit nagawi rito?"
sarkastikong tanong ko.

Napaangat naman siya ng tingin, tumayo at naglakad papunta sa gawi ko. Nagkibit-balikat pa muna bago umupo sa tabi ko.

"Bakit pa ako magtatanong? Alam ko naman ako ang kailangan mo, eh."

"Napaka-haduf mo talaga, Ashmer! Sumasakit ang panga ko sa 'yo! Makiki-update lang ako tungkol sa PC."

"Well, untraceable pa rin sila 'till now but we're all trying our best para makahagilap tayo ng lead kung nasaan ang kuta nila at para malaman natin ang dahilan nila para mamatay ng mga inosente," seryoso niyang saad.

Napabuntonghininga na lang. Mga killer ang hanap namin at expected ko naman na hindi sila basta-basta magpapakita. Saka parang mali nga ang akala ko na kababangon pa lang nila.

All these years ay baka nagpalakas lang sila kaya nanahimik muna. Ang isa ko pang theory ay baka mga anak na lang din ng dating PC members ang dahilan ng muli nilang pagkabuo.

"So, anong kailangan kong gawin..."

"Just kiss me, that's it," natatawa niya pang pamumutol sa sasabihin ko.

God, this man! Ang landi! Huwag niya kong hinahamon sa ganitong bangag ako at naka-inom ng Biogesic na Ritemed.

Pinakatitigan ko lang siya. Nakakainis ang kutis niya. Parang babae, ang ganda ng mata niya, matangos na ilong and damn that lips of him. So tempting.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon