CHAPTER 10- COMFORT ZONE

716 55 2
                                    


"Pre! Nasaan ang kambal mo?"

Nakakunot-noo ko namang siniringan ng tingin si Jinro. Sakit din sa panga ng isang ito, eh.

"Ay, sorry, sorry. Beautiful Marci. Nasaan si Silang?" tanong niya pa ulit sa 'kin.

Kunwari ay 'di ko na narinig, itinutok ko na lang ang paningin ko sa libro na binabasa ko.

Nasa benches lang ako ngayon at nagpapalamig ng ulo.

"Marci, Marci, Marci! Pansinin mo naman ako!" aniya na naman sabay kalabit sa 'kin na parang bata.

Buwisit! Bagay talaga sila ng buwisit ko ring kapatid.

Pabagsak ko na ibinaba ang aking libro.

Pansinin kasi papansin naman talaga!

"Hindi ako ang hanapan ng mga nawawalang haduf," asik ko.

Napanguso naman ito. Hindi pa rin kami nagpapansinan ng Gabriella na iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ibinuking niya ang dark secret ko kay Ashmer.

Mula noong birthday ni Mom ay wala na akong kinakausap pa sa kanila. Palagi lang akong nasa flat after ng klase. Hindi na rin ako kumakain sa DH namin. Nagluluto na lang ako.

Gano'n ako magalit. Wala ni isa man sa kanila ang kinakausap ko. Buti na nga lang at humupa na ang inis ko sa dalawa. Nagkampihan, eh.

Hindi ko rin maintindihan itong kambal ko, minsan ay pinapalayo niya ako kay Ash pero minsan din wagas naman kung ipagtulakan ako. Nakakabanas.

"Eh? Hindi naman haduf 'yong kambal mo, eh."

Napakamot na talaga ako sa pisngi ko at tumayo na. "Hindi ko alam kung nasaan. Baka bumalik na sa sinapupunan ng mommy," malamya kong saad.

Humagalpak pa ng tawa ang baliw. Lumipat ako sa ibang upuan. Malayo kay Jinro. Nakakasakit ng panga eh.

"Hi, Marci Baby."

Parang gusto kong punitin ang ilang pahina ng libro ko dahil sa inis.

Bakit ba ayaw nila akong lubayan, lord?

"Stop calling me 'baby' Lovimer! Sasapakin na talaga kita."

Tumawa naman siya. "High blood mo ngayon, ah? Dahil ba hindi mo nakikita si you know who."

Nanliit ang mga mata ko at sinipa siya. Sapol iyon sa tuhod kaya na out of balance siya.

Mabuti nga! Kakainis. Paisyu na naman!

Tinalikuran ko ang buwisit na lalaki para lang ding makasalubong ang ngiting-ngiting Kenya.

Kung minamalas ka nga naman! Bakit puro Guieco ang nakikita ko?

Baka kasi Marci nasa Guieco Clan Camp ka?

Yeah, right whatever! Mga haduf nga pala talaga sila!

"Marci, my pwend, punta ka raw sa office ng kuya kong sungit."

Ito na yata ang pinaka-bad news ko na narinig sa araw na ito. Tuluyang nawala ang emosyon na natitira pa sana sa mukha ko.

"Bakit daw?"

"I don't know, my pwend. Malay ko ba kung may usapan kayo," nang-aasar ang tono niya.

"Usapan? Kami?" inosente kong tanong.

Wala akong balak na gatungan ang pang-aalaska niya sa akin kasi honestly, kaunti na lang at sasabog na ako.

Mga haduf!

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon