CHAPTER 24- START BUTTON

742 45 7
                                    


"Bossungit, pupunta ako mamaya sa BV, sama ka ba?" usisa ko sa lalaking tutok na tutok sa laptop niya.

Nasa opisina niya ako ngayon. Prenteng nakaupo lang. Nagising kasi ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kamuntikan pa akong mahulog sa kama dahil baka ka'ko ang mommy ang tumatawag pero siya lang pala. Pinapunta niya ako rito para lang siguro maging audience niya dito.

Bahagya siyang nag-angat ng tingin. "Gusto ko sana kaso marami pa akong dapat matapos na reports. Next time?"

Pinigilan kong mapasimangot. "Okay," kaswal kong tugon at saka tumayo na.

Wala naman akong magagawa. Isa pa ay kami lang naman pala ni Shane ang dapat na kumilos.

"Isama mo si Shane," habilin niya pa.

Nilingon ko naman siya. "Hindi pwede. May pinapaasikaso ako sa kanya, 'di ba?"

Tumango lang siya at saka tumayo rin. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito? Simple lang naman ang suot niya pero feeling ko ay isang international model ang kaharap ko ngayon. Humikab siya kaya bahagya akong napangiti.

Shit. He's hot. Uy, Marciella, aba! Ang landi mo na naman.

"Kumain ka na ba?"

"Kakagising ko lang, 'di ba?" bara ko naman sa kanya dahilan para mapakamot siya sa kanyang noo. Kahit sa mga simpleng kilos niya ay mas lalong napapabilib niya pa ako.

My God, Marciella. Pinagsasabi mo ba? Manahimik ka nga.

"Sasamahan na kita sa DH."

"Huwag na, marami ka pang dapat na matapos na reports, right?" paalala ko naman sa kanya.

"Hindi pa rin naman ako kumakain, eh."

Siniringan ko naman siya ng tingin at napasinghap. "Okay, dalian mo na or susunod ka na lang?"

"Sabay na tayo papunta doon."

Tumango na lang ako at nagpatiuna na. Hindi rin ako masydong nakatulog dahil inalisa ko nang mabuti ang mga impormasyon na nakalap namin kahapon.

Gabriel's wife, Celine, fell victim to terrorism in Maguindanao last year. She worked as a news writer and reporter for a prominent TV station. Her mission was to gather information on terrorism, but unfortunately, she, along with her cameraman and another colleague, became hostages.

This is why Lyssa mentioned that Gabriel was the only one left to support their best friend, who is the child of a couple, as Celine had already passed away. Her remains were the only thing returned home. Our current focus is on investigating any potential link between this incident and the Snellenn Family. They were among those who contributed to the area's recovery after the terrorists' devastation.

Pareho naman kami ng iniisip ni Shane. Maaaring may kinalaman talaga ang pangyayaring iyon sa sinapit ng pamilya ni Lyssa. Pero ang tanong,  paano at bakit? Bukod kasi kay Gabriel na kaibigan ni Allen ay wala na kaming ibang tao pa na pwedeng maging suspect. Siya lang ang may direct connection sa pamilya.

Mas nakadagdag pa sa hinala namin sa kanya dahil sinabi niya sa amin kahapon na nakabakasyon daw ang buong pamilya na nakatira sa katabing bahay niya which is kina Allen nga. Bali napapagitnaan kasi ang bahay niya ng bahay na kinuha namin at ng bahay ng Snellen.

Kung isa siya sa pinagkakatiwalaan ng pamilya, malamang sa malamang ay alam niya ang lakad ng mga ito palagi. So, how come na ang alam niya ay nagbakasyon?

Or maybe iyon lamang ang pwede niyang ipalabas sa mga kakilala ng pamilya sa BV.

"Hoy, nandito ang pinto, saan ang punta mo?" untag pa sa akin ni Ash. Napakamot na lang ako sa aking batok at tuluyang pumasok sa DH.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon