I silently set the dishes I had prepared on the dining table, yet I remained stuck with that infuriating man.He was in the living room with the child, and he didn't make an effort to assist me. I found myself reduced to an instant cook and servant for this jerk. If it weren't for Lyssa's sake, I might have considered poisoning him.
Are you certain that only Lyssa will be saddened, Marci?
Of course, not! His parents, siblings, cousins, and everyone associated with her would also be affected.
Are you among those "associated with," as you put it? Haduf! Well, after my mission, that's no longer the case.
"Ashmer! Dalhin mo na rito ang bata at nang makakain na tayo. Bilis at may lakad pa kami ni Shane," asik ko pa. Nilingon niya ako at saka pinatay na ang TV at binuhat niya si Lyssa at pumasok na rin sa kitchen.
"Baka may lason ang mga ito," pabulong niyang saad.
Inirapan ko lang siya. As if naman big deal sa akin ang kamatayan niya. Mamatay siya o hindi wala akong pakialam.
"Huwag kang kumain kung 'yan ang iniisip mo," walang gana kong saad at naupo na. Sinandukan ko si Lyssa at sinubuan.
"Saan ang punta niyo ni Shane?" usisa niya pa.
Saan pa nga ba? Duh?
"BV," tipid kong sagot at nginitian ang bata na mukhang ganadong kumain.
Namimiss niya na ang kanyang pamilya, sigurado ako. Para siyang si... Percy. Maagang naulila at biktima rin ng mga taong halang ang mga kaluluwa. Pero sana naman hindi sila magkaparehong kapalaran.
Alam kong kahit marami pa kaming magmahal sa kanya dito sa panibagong mundo na kinaroroonan niya, hahanap-hanapin niya pa rin talaga ang pagmamahal ng kanyang totoong mga magulang at kapatid. Walang makakapantay at makakapalit sa kanila sa puso niya.
Paminsan-minsan ay nakikita ko siyang nakatulala at tila ba malalim ang iniisip. Matalino ang batang ito, alam kong may alam siya o alam niya ang totoong kinahinatnan ng pamilya niya pero mas pinipili niyang maging masaya at balewalain ang katotohanan.
Alam kong kahit kailan ay hindi niya matatanggap ang sinapit ng kanyang pamilya.
"Water, please?" Napapitlag naman ako dahil sa pagsalita niyang iyon.
"Here, baby Lyss."
"Thank you po, Tito Ash."
"You're welcome,baby."
Nagkangitian lang sila sa isa't-isa. Sa tuwing tinititigan ko ang batang ito nang mataman ay hindi ko alam kung bakit bumibigat ang kalooban ko. Nasasaktan ako para sa kanyang sitwasyon at the same time ay naaawa.
Ang aga pa para nawalan ka ng pamilya, Allyssa.
"Ako na ang magpapakain sa kanya, kumain ka na," untag sa akin ng haduf.
"Ako na, matatapos naman na rin siya," saad ko.
Hindi naman na siya umalma pa. Mabuti naman at baka matusok ko siya ng tinidor na hawak ko.
After kumain ni Lyssa ay dinala ko na muna siya sa sala at binuksan ang TV.
"Nuod ka na muna diyan, ha? Magliligpit lang si Tita sa kitchen."
"Kumain ka rin po, 'di ka naman kumain, eh. Magkakasakit ka niyan."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang swerte ng mga magulang ng batang ito, pero pakiramdam ko ay mas maswerte kami dahil nasa pangangalaga namin siya ngayon.
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...