CHAPTER 38- FORGIVEN

477 36 8
                                    

"Noong nagpaalam akong dadalo sa event ng FIS, nagmadali akong umalis kasi nakita ko kayo. Nakita ko kung gaano kayo kasaya kapag kayo lang dalawa.  Nakita ko ang lahat ng eksena niyo, Marciella. Sobrang sakit na para bang hindi ako makahinga pa pero 'di ko magawang direktahin kayo dahil sobra akong natakot. Sobra akong natakot na baka... na baka pareho kayong mawala sa akin."

Napasandal ako habang rumaragasa na naman ang mga luha ko. Hindi ko matapos-tapos ang liham ni Percy dahil sa sobra akong nasasaktan. Kahapon ko pa ito natanggap pero hanggang ngayong magdidilim na ulit ay hindi ko pa rin tapos na basahin. Pahinto-hintong pagbasa ang ginagawa ko. 

Nakasaad sa sulat ang lahat ng nalalaman niya patugkol sa amin ni Ash. Muling inalala ko ang araw na tinutukoy niya, ang araw na nalaman niya ang kabaliwan namin ng hindi man lang namin namalayang nakamasid pala siya.

"I wanna sleep here, pwede ba?"

Nanlaki naman ang mata ko."Baliw ka ba? Nandito si Percylla."

Napanguso siya at napakalas sa akin. Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin. 

Tumayo ako at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Paglabas ko ay sakto ding nagmamadali sa Percy sa pagpasok.

Naku! Buti na lang talaga!

"Mer, alis na pala ako now, ah? Kailangan na ako sa FIS eh. Babye. Marci, alis na ako."

Ang tanga ko! Sa araw palang pala na iyon ay alam na ni Percy. Alam niya na ang totoong nangyayari sa amin ni Ashmer. Pero hindi ko man lang nahalata iyon.

Bukod sa matamis na ngiti na laging nakaplastada sa mukha niya ay wala na akong ibang nakikita pa. Kaya siguro mas napadalas ang pag-alis siya camp, ginagamot ang sugat na tinamo niya dahil sa amin ni Ash.

I'm sorry, Percylla. Hindi mo deserve na masaktan. Sa ating tatlo pala ay ikaw ang lubos na nahirapan at nasaktan. I wonder kung paano mo kinakayang magpanggap na okay ang lahat. Kung sino ang sinandalan mo sa oras na iyon knowing the fact na ako lang naman ang pinagkakatiwalaan mo nang husto.

"Marahil iniisip mo na kasama sa rules natin ay ang bawal magmahal ng iisang lalaki lang. Kaya ba kahit sobra kang nasasaktan ay pinili mong manahimik at ipaubaya sa akin si Ashmer? Marciella, hindi naman iyon ang gusto kong pakatandaan mo kundi ang rule nating walang sekre-sekreto. Maliit lang na bagay ang magkagusto tayo sa iisang lalaki, hindi dapat iyon ang maging dahilan para talikuran at saktan natin ang isa't-isa at mas lalong hindi ko matanggap na naglihim ka sa akin sa loob ng halos sampung taon."

Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Tama siya, maliit lang na bagay ang pinagmulan kung bakit kami nasaktan pareho. Kung hindi ako naglihim sa kanIya baka sakaling napag-usapan namin ng maayos iyon para hindi na mas naging komplikado ang lahat. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.

"Sa oras na mabasa mo ito, malaya ka ng mahalin si Ashmer. Malaya na kayong magmahalan. Pinapakawalan ko na siya at ipinapaubaya na siya sa 'yo. Salamat sa lahat. Mahal ko kayo pareho. Hindi man manggagaling ito sa bibig ko pero sigurado akong ito ang kagustuhan ng aking puso. Kilala mo ako, Marciella. Ayokong mamuhay na puno ng galit at hinanakit. Pinapatawad ko na kayo."

Tanging hikbi ko ang aking naririnig sa loob ng aking kwarto. Tila ba nasampal ako ng ilang ulit dahil sa sulat niyang ito. Pero sa halip na kamuhian kami ay pinili niya pa ring magpatawad.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon