CHAPTER 39- NEW FAMILY

475 38 5
                                    


Kinuha ko ang stun gun ko at isinukbit iyon sa bewang ko. Halos sabay-sabay yata kaming lahat na napalabas sa kaniya-kaniya naming flat.

"What's that?" halos sabay na usisa namin ni Shane.

Ang iba ay mukhang naalimpungatan pa. Katulad ni Gab na hawak-hawak pa ang kanyang kumot na angry bird ang design. Si Jin na bitbit ang unan niyang Angry Bird din. Si Faller na kukusot-kusot sa mata. Si Kenya na naka-roba lang. Si Beatrice na naka-short shorts at inner lang.

Hinila ko si Ashmer at tinakpan ang mata niya bago niya pa makita si Beatrice.

"Bakit?" Halata sa boses niya na naguguluhan sa ginawa ko.

"May makikita kang bawal makita... My God, bakit damit ko ang suot mo?" halos pabulong kong saad nang mapagtantong damit at jogging pants ko ang kanyang suot.

"Eh... Wala na akong ibang masuot, basa, remember?"

Gusto ko siyang batukan. Nagpalinga-linga ako at sinuri kong may nakamasid ba sa amin ngayon pero mukhang wala naman dahil lahat sila ay distracted pa rin sa pagtunog ng alarm.

"Magpalit ka muna ng damit mo, bilis," utos ko sa kanya. Napapakamot sa batok na umalis naman siya at pumunta sa kanyang flat.

"Anong nangyayari... Sus ginoo! Mahabaging bathala!" asik ni Mer nang makita si Beatrice. Mukhang lutang pa rin ang diwa ng babae dahil nakatulala pa ito sa kalawakan.

Parang gusto kong humagalpak ng tawa nang basta niya na lang ibinalot sa babae ang dala niyang tuwalya.

"What the heck, bitch?" reklamo naman ng isa na mukhang nagulat pa. Napatingin ito sa mismong suot niya at nagpalinga-linga din, mukhang ngayon palang nag sink-in sa kanyang kukuti ang kanyang suot. Napansin ko pang napakuyom ito na tila ba nakaramdam ng hiya.

"Para kang susugod sa night club, ganyan talaga ang suot mo?" sermon pa ni Mer sa babae. Umirap lang ang isa at nanahimik na. Hinawakan na lang nito ang towel ni Mer para 'di malaglag sa lupa.

Lumabas si Kendra at Shines mula sa control room. Mataman silang sumiring ng tingin sa amin. Iniisa-isa kaming lahat.

"Where's Boss Ashmer?" usisa ni Shines.

"I'm here. Anong nangyayari?"

Napalingon naman ako. Nakahinga ako nang maluwag ng makitang nakapagpalit na siya ng damit. Tumabi siya sa akin.

"Well, wala naman. Sinubukan lang namin kung anytime ba ay naka-alerto kayong lahat," saad nito na mukhang pinipigilang matawa.

"Tama, tama! At  mukha namang ready to fight nga kayo."

"Ready to fight nga ba, asan ang mga baril ninyo? Bakit kumot o kaya unan ang dala niyo? Ready to fly yata kayo sa hell, eh."

Natauhan naman ang ibang walang bitbit na kahit anong sandata at tumawa na lang.

"Oh, bitch! Halos makita na ng lahat ang aking kaluluwa dahil sa pagmamadali pero trip niyo lang pala? Sarap niyong kunyatan!" reklamo ni Beatrice.

"Anong kaluluwa? Eh may tuwalya ka naman nga," sabat din ni Kendra na hindi alam na galing sa kapatid niyang si Lovimer iyon.

"Whatever! Makatulog na nga lang ulit. Sana hindi ako bangungutin, zsss!"

Nauna na itong umalis. Matunog ang buntonghininga na pinakawalan ni Crystal na alam kong nakita niya ang eksena ng dalawa.

"Matutulog na rin ako, may gagawin pa ako bukas," malamya nitong saad.

"Samahan kita sa flat mo, gusto mo?" alaska sa kanya ni Mer. Umirap lang ito.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon