🚧R18+ SCENE AHEAD🚧
⚠️Read responsibly⚠️I woke up early, despite it being a Saturday. I guess I'm just used to it; that's why they call me an early bird. Everyone can afford to be late for school, but not me.
Inabot ko na ang phone ko at binuksan ang mga message. Dalawa mula kay Gab na group message naman at quotes pa na mukhang pinapatamaan na naman si Jinro. Anong taon na ngayon pero parang aso't-pusa pa rin ang dalawang ito.
Dalawa rin kay Percy saying goodnight na paniguradong kagabi pa ito at good morning kaninang mga 4:00 a.m. Maaga na naman 'yon umalis papuntang photo studio niya.
May mensahe rin mula sa mga kasamahan ko sa trabaho at sa mga co-agent ko. Iyong iba ay wala namang kinalaman sa akin. General messages naman.
I'm not sure why they're so fond of sending group messages and greetings. Trying to keep up with them really saps my energy. As an introverted person, it comes naturally for me to just read their texts and chats without sending any responses.
Napabuntonghininga ako nang makita ang huling sender ng sandamakman na unopened messages. Inuubos talaga ang pasensiya ko ng Ashmer Guieco na ito. Laging nafu-full storage ang inbox ko dahil sa kaniya.
Napasinghap at napailing na lang ako. Inisa-isa ko na lang na buksan ang kaniyang mensahe dahil wala pa naman akong ginagawa rin.
Good night lang naman lahat at mga emoji. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon.
Gano'n siya kapag walang reply na natatanggap mula sa akin. Busy akong tao, eh. Saka tinapos ko 'yong isa sa libro niya na ipinahiram niya sa akin noong isang araw. Hindi niya pa ako nabibilhan ng bago dahil busy rin siya. Marami kasing misyon na dumating sa system namin. Nasilip ko lang naman iyon kahapon.
Speaking of mission ay kukuha kami mamaya ni Gab. Silang dalawa lang naman ni Percy ang madalas na ka-tandem ko. Minsan si Jinro ang pinapasama ko sa kakambal ko. Mas malaki ang tiwala ko na 'di niya pababayaan si Gab.
Ni-lock ko na ang phone ko saka pumasok sa shower room at naligo. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa closet at namili ng susuotin. Nakita ko ang malaking t-shirt na iniregalo ni Ash sa 'kin noong nakaraang pasko kaya iyon na ang isinuot ko. Pinaresan ko na rin ng hindi naman masyadong maikli at hindi rin mahabang pambaba.
At dahil basa pa naman ang buhok ko ay hindi ko na muna itinali, hinayaan ko lang na nakalugay. Nag-spray ako ng kaunting pabango saka lumabas na ng flat.
Dire-diretso na sana ang lakad ko nang hinarangan ako ni Lovimer. Isang Guieco din ito. Sa pagkakaalam ko noon ay may crush din ito sa akin bago naging sila noon ni Jeannie.
Umamin naman kasi ito sa akin pero hanggang doon lang talaga. Okay lang naman sa akin, at least may nagka-crush, 'di ba? Wala namang masama sa paghanga.
"Ganda! Good morning. Ganda ng t-shirt natin, ah? Halatang expensive," nakangiti niya pang bati kaya ngumiti naman ako. Mukhang natigilan pa ang loko.
"Good morning and thanks." Masyado lang akong nasa mood sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit.
"Ang ganda yata ng umaga mo, ang ganda rin kasi ng ngiti mo. Mukhang magkaka-crush na naman ulit ako sa 'yo niyan," biro niya pa.
Lingid sa kaalaman ng lahat, isa ako sa ka-close ng lalaking ito bukod sa kay Crystal. Kaibahan lang close kami noon pero 'di madalas mag-usap at magkasama unlike Crys na halos mapagkamalan na silang magjowa noon. Tho, napansin kong hindi na sila gano'n kalapit sa isa't-isa ngayon. Baka dahil matagal ding nawala rito sa Pilipinas si Lovimer.
"Aba naman, Mer..."
"Love na lang, para namang ang robot kong pinsan na si Ashmer ang tinatawag mo, eh," patutsada niya na naman.
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...