CHAPTER 17- LOST LIVES

806 45 11
                                    

Tahimik akong naupo sa sofa, napapagitnaan ako nina Percy and Lovimer samantalang si Ashmer ay nasa kanyang mesa.

Nakakabinging katahimikan ang namamayani sa loob. Tila ba pare-pareho kaming nakikiramdam.

Maya-maya ay may kinuha si Ashmer sa kanyang drawer at tumayo. Bahagya pa siyang lumuhod sa harapan ko at tinanggal ang hood na suot ko. Bahagya akong napangiwi ng naramdaman ko ang hapdi sa aking braso.

"Oh shit! May sugat ka pala, Marci," nag-aalalang asik ni Mer.

"I'm fine. Daplis lang 'yan."

"Lilinisan natin yang sugat mo," sabat ni Ashmer, first aid kit pala ang dala niya.

Nilagyan niya ng alcohol ang cotton, hindi ko alam kung anong tawag doon sa parang stick na inipitan niya niyon. Akmang idadampi niya iyon sa sugat ko ng pigilan ko siya.

"Si Lovimer na." Kinuha ko iyon at ibinigay kay Mer. "Dahan-dahan lang please, masakit 'yan," reklamo ko pa.

Bahagya pang natawa ang haduf. "Duwag ka pa rin pala sa alcohol hanggang ngayon."

"Masakit eh," tipid kong saad. "Awww!" angil ko na naman.

"Konti na lang... Ayan tapos na, lagyan na lang natin ng bandage."

Nang matapos na ay ibinigay ko na sa boss ang gamot niya at nagpasalamat. Napabuntonghininga pa siya bago bumalik sa pwesto niya.

"Iwan mo muna kaming tatlo, Lovimer, please," pakiusap niya pa sa kanyang pinsan.

"I thought, kasama ako sa usapan..."

"Please?"

"Okay."

Tinanguan ko lang ang isa bago ito lumabas. Napalunok ako ng kaming tatlo na lang ang naiwan. Si Percy ay kanina pang walang imik mula nang pumasok kami dito. Pasimple ko siyang siniringan ng tingin at blangko pa rin ang mukha niya bagay na ipinag-aalala at ipinapangamba ko.

Ang isang Percylla Holland ay ang tipo ng taong imposibleng mawalan ng emosyon sa mukha.

"Speak," walang ganang saad niya sa akin. Napakunot-noo naman ako.

"Me? Si Ashmer ang may sasabihin at hindi ako."

"Siya o ikaw, walang kaso sa akin iyon. Kailangan pa tayo sa labas kaya 'wag kayong magsayang ng oras."

"Percy, don't be so rude." Pagak ang tawang pinakawalan ko.

"Rude? Ha! Baka kasi masyado ko kayong sinanay sa mabait kong personality. Kahit ang ilog ay natutuyuan ng tubig, Marciella. Kaya 'wag kang magtaka."

Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila niya. Tahimik lang si Ash na nakayuko pero alam kong nakikinig siya sa amin.

"What's your problem, Percy?"

"Exactly, what's your problem, Marci?"

"Huwag mong ibalik sa akin ang tanong."

"Dahil hindi naman para akin ang tanong na 'yon kundi para sa 'yo. May problema ka ba? Tell me, magkaibigan tayo, 'di ba?"

Hindi naman agad ako nakasagot.

"Hindi ka makasagot? Sige, let me ask you this. What's going on between you and my boyfriend?"

Tuluyang nayanig ang mundo ko dahil sa tanong niya, maging si Ashmer ay napaangat na rin ng tingin sa amin at bakas ang pagkabagabag sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

Napalunok ako at inipon ang lakas para salubungin ang tingin niya. "With us? Walang namamagitan sa amin," seryoso kong saad.

Meron ba? Wala naman, 'di ba? Nagparaya na ako, nagparaya nang paulit-ulit kahit masakit.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon