"Pakiulit ng sinabi mo?" matapang kong saad kahit pa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nagtatapang-tapangan lang ako pero ang totoo ay bigla akong nakaramdam ng takot lalo pa't mukhang seryoso talaga siya.
"Maghiwalay na tayo." Sinabi niya iyon ng hindi man lang ako siniringan ng tingin.
Haduf! Bakit parang damang-dama ang sakit noong tinagalog niya na?
Hindi agad ako nakapagsalita at namalayan ko na lang na nabitiwan ko na pala ang kutsarang hawak ko.
"A..." Nag-alangan ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko o hindi. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Napasinghot pa ako dahilan para mapaangat na siya ng tingin sa akin.
"Oh? Bakit ka umiiyak?" May halong pagkataranta sa boses niya pero ang kilos niya ay kalmado pa rin.
"Ewan ko sa 'yo! I hate you, Ashmer Guieco!" sigaw ko sa kaniya at nagmadaling lumabas ng flat niya.
Hinabol niya ako at nagtangkang hawakan ako sa braso pero mabilis na nakapihit ako paharap sa kaniya at saka dalawang malakas na sipa ang pinakawalan ko. Bumagsak siya nang tamaan ko ang kaniyang magkabilaang tuhod.
"W-What the hell, Ell? Ang sakit!"
"Masakit? Talaga ba? Eh, 'yong nakikipaghiwalay ka sa akin, hindi ba masakit 'yon, ha? Nyawa ka! Gagi! Haduf!"
"Mouth," saway niya pa at tumayo na.
"Mouth, mouth your face! Napakagago mo lang talaga!" bulyaw ko sa kaniya na hindi na inisip kung sino ang makakita o makarinig sa amin.
"Language, baby," malambing niyang saad at akmang lalapit sa akin pero agad na napaatras ako.
"Don't call me baby unless you mean it, Ashmer! At saka subukan mong lumapit sa akin at sa kabaong ang kalalagyan mong nyawa ka!"
Simula't-sapul ay ngayon lang talaga ako sumabog nang ganito. Iyong feeling na ang tagal mong hinintay ang tamang pagkakataon na maging kayo, na matagal mo siyang pinanatili sa puso mo pero parang ang dali lang din naman para sa kaniya na bitiwan ka. Samantalang si Percy noon, nahirapan naman siyang iwan 'yong isa.
Oo, may part na nagiging insensitive ako dahil kahit alam kong nagseselos siya kay Mer ay hinahayaan ko lang 'yong isa na lumapit sa'kin dahil first of all, alam ko namang magkaibigan lang talaga kami ng kaniyang haduf na pinsan.
Ah, basta! May kasalanan man ako o wala ay nyawa pa rin siya dahil siya talaga ang makikipag-break.
"I mean it, Ell, at bakit ba bigla-bigla ka na lang nagagalit, ha?"
Ang totoo ay gusto ko na talaga siyang ilampaso dahil sa magkahalong inis at sakit na nararamdaman ko.
"Haduf ka, bakit mo pa tinatanong 'yan, ha? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko nang sabihin mong maghiwalay na tayo? Anong gusto mong gawin ko? Magpa-party? Magpa-spaghetti? Punyeta ka lang talaga, Ashmer!"
"Ell, nakakarami ka na ng mura, ha? Tama na..."
"Peste ka! Deserve mo 'yan," segunda ko pa dahil halata namang napipikon siya sa malulutong na murang pinapakawalan ko.
"Bakit? Gusto mo ba talagang maghiwalay tayo?" usisa niya na mas ikinainit ng ulo ko.
"Ang kapal ng mukha mo para ikaw pa ang makipaghiwalay, ha? Eh ikaw nga itong seloso! Ikaw nga itong mas malandi sa atin, eh. Ikaw itong nyawa!"
"Oo o hindi lang naman ang sagot."
"Hindi dahil hindi kita bibigyan ng kapayapaan sa kahit na sinong babaeng magugustuhan mo, tandaan mo 'yan! Walang liligaya Ashmer, robot ka!"
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomansaMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...