CHAPTER 37- HER LETTER

765 39 4
                                    


"Who are you?" asik ni Claire kay Beatrice na ikinabalik ng aking katinuan.

Wala nga pala kanina si Beatrice sa camp dahil may misyon din silang inaasikaso ni Froizel. Umismid pa ang haduf bago sumagot. Halata namang tatarayan niya si Claire dahil tumaas pa ang kilay nito.

"Duh? Bakit ako ang tinatanong mo, ha? Hindi ba ako dapat ang nagtatanong sa'yo nang ganiyan? Bitch!"

"How dare you for calling me a bitch!"

Well, same poles repel, indeed.

Siniringan ako ng tingin ni Beatrice, kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.

"How dare you too! Kapal ng face mo! Ang lakas din ng loob mo para kalabanin ang Prime ng kampong ito! Marami kaming tutugis sa'yo kapag may masamang mangyari sa kanya!"

Medyo nagulat pa ako sa sinabi nito. Hindi ko iyon inaasahan. Ang buong akala ko ay ipagkakanulo niya ako.

Parang totoo nga ang hinala ko, may iba pang katauhan si Beatrice na hindi namin batid.

Sinipa niya ako nang mahina.  "Tayo, ang lampa mo naman! Akala ko ba ay ikaw ang pinakamagaling na agent dito? Ha! Itong hayop lang na ito ay tumba ka na?"

Siguro kung nasa ibang pagkakataon kami ay iisipin ko iyong pang-iinsulto sa akin. Pero sa ngayon ay kababakasan ng pag-aalala ang boses niya.

"Hindi ako lampa. Sadyang epal ka lang kaya ako nakasalampak dito," asik ko kaya napaismid naman siya. 

Mukhang hindi na rin mababago ang paraan ng pananalita namin sa isa't-isa. Sabagay, mahirap baguhin ang nakasanayan.

Mabilis kong inihampas ang hawak kong arnis sa sandatang hawak ni Claire ng akmang aatake na naman ito. Tumilapon iyon sa sahig. Kung hindi ako nakapagbilang ng dalawang minuto sa kukuti ko ay paniguradong nasaksak na siya ni Claire. Dahil sa gulat ay bahagya pa siyang natigilan.

Ginamit kong advantage ang aking pagkasalampak sa sahig para patirin si Claire. Dahil din sa lakas niyon ay napaluhod siya at napaigik sa sakit.

Itinutok ni Beatrice ang dulo ng espadang kaniyang hawak sa leeg nito, habang nakapatong naman ang dulo ng arnis na hawak ko sa likod ng babae.

"I thought ako na ang pinaka-obsessed kay Ashmer sa mundong ibabaw. Meron pa palang iba," asik ni Beatrice. Nangungutya ang tinig niya at halatang galit na galit na sa kanya ang isa.

Akmang magsasalita ako nang biglang may pumasok sa PR. Pakanta-kanta pa ito. Si Shane iyon habang tila tuwang-tuwa sa bangs niya dahil sinisipat niya pa iyon sa screen ng kanyang selpon.

Haduf talaga ang Shane na ito.

"Kasalanan bang umibig ng walang hanggang? Kasalanan bang..." Natigilan siya nang makita ang posisyon naming tatlo. "Ay butete! Anong... My God Marciella, may sugat ka!" nagpa-panic niyang saad. Dali-dali siyang pumunta sa gawi namin at binigyan ng tig-iisang suntok at sipa sina Beatrice at Claire.

Sa pagkakataong ito ay parehong 'di nakapalag ang dalawa. May pinindot siya sa kaniyang selpon dahilan para muling magsi-ilaw ang CCTV Cameras na nandidito sa loob.

"Marci, are you okay? Fine? Alright?"

"Yeah. Ayos lang ako." Inampat ko na dugo ng sugat ko gamit ang aking palad. Napaigik pa ako sa hapdi.

"Lagot kayo! Lagot talaga kayo!" pananakot niya pa sa dalawang walang imik dahil hindi pa naka-recover sa ginawa niya.

"Sinong may gawa niyan?" usisa niya sa akin. Isinenyas ko si Claire. Agad na timalim ang titig niya sa dalawa at parang gusto na namang manapak.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon