"Baby."
Awtomatiko akong napalingon dahil sa narinig kong iyon. Nakita kong naglalambingan na naman ang parents ko.
Napangiwi na lang ako at ipinilig ang ulo dahil sa taong pumasok sa kukuti ko.
"Say it again ,baby. Please say it again."
"Answer it, baby."
"Hey, baby, ang lalim na naman ng iniisip mo."
"No talking, baby."
Oh! Damn it! Shit! Zsss! Bakit kasi kailangan niyang makiuso sa endearment na baby na 'yan? Sarap niyang isako.
Iba ang epekto nang fucking 'baby' na 'yan kapag sa kanya galing. Kapag hindi naman mula sa kanya ay siya pa rin ang naaalala ko.
So unfair! Nyawa!
Nandito kami ngayon ni Gab sa bahay namin. Umuwi kami dahil birthday ngayon ng mom kaya heto nga at nilalambing siya ng dad.
"Ivan, nakikiliti ako, ah? Tsaka tumigil ka, nandito mga anak natin. Landi-landi mo na naman."
Natawa ako nang bahagya at napailing. Si Mom 'yong tipo na ayaw lambingin in public, naaasar siya kay Dad kapag gano'n. Napakaswerte namin at sila ang naging mga magulang namin. Napaka-loving and caring.
Pero 'til now ay nagtataka pa rin ako kung bakit ang pinsan ni Mommy ang kamukha ko, si Tita Alexandra Angela. Saka nagkataon lang ba na mahilig siyang magsulat samantalang ako ay mahilig din sa libro?
Kapag nagkakaharap nga kami niyon ay parang nanalamin lang ako. Creepy, nong bata ako nakikita ko agad ang matured version ko and now 'yong old version ko na naman through Tita Lex.
Wow! Old version talaga, Marci? Lagot ka sa Tita AA mo kapag nalaman niyang tinawag mo siyang gurang.
"Malalaki na 'yang mga anak natin, maiintindihan na nila ang lambingan natin, Christy."
"I know but still, nakakahiya."
Parang gusto kong humagalpak ng tawa pero pinigilan ko lang talaga. Para silang teenager na naglalandian. Kapag nagkapamilya na rin ako, magiging ganito kasaya rin kaya kami kasama ng mga anak at magiging asawa ko?
Na! Forget it, Marci. Hindi ka na magkakaroon ng asawa.
Lumabas si Gab mula sa kuwarto niya at pasayaw-sayaw pa na tumabi sa akin. Nasa kabilang sofa lang naman kasi ako, nasa likurang part ko sila Mom. Kapag wala kami dito ay nakasara ang glass wall na nagsisilbing harang sa pagitan nitong kinaroroonan namin at nila.
"Pupunta ba sila rito?"
"Yeah pero baka sina Percy lang, hindi pwedeng walang PA na matitira doon."
"Kaya nga, si Ashmer kasama rin ba?"
"I don't know," tipid kong saad.
"Bal," pabulong niya pang saad.
"Ano?"
"Move-on ka na ba?" pabulong pa rin iyon. Binatukan ko siya. Humagalpak siya ng tawa dahilan para maagaw namin ang atensiyon nina Mom and Dad.
"Gabriella, inaasar mo na naman ba si Marci, baby?" usisa ni Mom. Napaharap naman kami sa kanila.
"Mom! Hindi na ako baby."
Honestly, ito talaga ang rason kung bakit ang hilig nila akong tawaging baby, dahil sa endearment noon ni Mom sa akin.
"Baby pa rin kita Marciella."
"Whatever," pabulong ko pa. Ngumisi sa akin si Gab.
"Mom!" Nagsusumbong ang tono niya.
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomantikMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...