CHAPTER 25- RIGHT TIME

766 46 6
                                    


Our eyes locked as a result of his words. I was determined not to yield, so even though my eyes stung, I gritted my teeth. Suddenly, he cunningly swiped a kiss, causing me to blink in surprise. He was using one of his tricks again.

I cast a quick glance at Mom and Dad, feeling relieved to see them still deep in conversation with Lyssa in the kitchen.

"Gags ka talaga!" asik ko sa kanya pero umangat lang ang sulok ng kanyang labi.

"You lose, Marciella."

Pinanliitan ko naman siya ng tingin. "Kasi madaya ka! Para kang si Beatrice."

Napakunot-noo naman siya dahilan para matawa ako. Halatang nauubos na kaagad ang pasensiya niya sa ganito kaaga.

"Bilisan mo na, Marciella. Magpalit ka na ng damit," balik niya pa sa usapan namin kanina. Napairap naman ako.

Transformer. Robot. Stubborn. And now, commander! Zsss.

"Kakapalit ko pa lang, 'di ba? What's wrong with my outfit ba, Ashmer?" conyo at mataray ko na talagang saad.

Nagtagis naman ang kanyang bagang. "Kung nasa loob ka ng flat mo at ako lang ang kasama mo ay pwede mong suotin 'yan. But in public? It's a no, Marciella. Kaya naman, 'wag ka ng mapilit pa."

Napasimangot naman ako. Bakit ba ayaw niya sa suot ko?  Minsan na nga lang ako magsuot ng ganito eh. Naka-knitted crop top at high waist box pleats skirt lang kasi ako at pinaresan ko pa ng shoulder bag na kakulay ng skirt.

Uso naman ngayon ang ganitong suotan, ha? Nakita ko naman kanina ang reflection ko sa salamin. Bagay na bagay nga sa'kin, eh. Lumabas ang ka-sexy-han ko na matagal ko ng itinatago sa mga oversized shirt ko.

Duh? Ang sexy ko kaya.

"Dahil ba hindi bagay sa akin?" alangang tanong ko sa kanya. Pinakatitigan niya naman ako diretso sa aking mga mata.

"You're seriously stunning, but there's something I gotta say... I'm just not cool with other folks gawking at you." Saglit pa siyang napa-iwas ng tingin sa akin.

Ahh, so dahil magseselos siya kapag gano'n? Selosong bossungit.

Muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan namin pero nanatiling nasa isa't-isa ang tingin. Naroon pa rin sa kanyang mga mata ang kislap na siyang lagi kung nakikita sa kanya noon pa man.

Bahagya ako tumingkayad at ninakawan din siya ng halik. Nakita kong napakurap pa siya. Ngumiti ako sa kanya nang matamis.

"Pero ikaw lang naman ang tinititigan ko, Bossungit, kaya wala pa ring kwenta ang pagtitig nila sa akin. Kaya dapat ikaw, sa'kin ka lang din nakatitig kapag ako ang kasama mo, hindi sa kung sino-sino. Saka, gusto ko kapag kasama mo ako ay kaaya-aya naman sa lahat ang kasuotan ko dahil ayokong magmukha akong yaya mo, 'no?  Baka ikahiya mo lang ako," may halong biro ang huling linyang sinabi ko pero mas lalo tuloy sumeryoso ang mukha niya.

"Kahit pa mag-daster, hinding-hindi kita ikakahiya."

Napanganga naman ako. Daster? Unbelievable talaga ang lalaking ito. Pero aaminin kong may kiliti sa sistema ko ang sinabi niya.

"Eh, kung ganitong suot ko ba ay ikakahiya mo ako? Mukha ba akong malandi sa suot kong ito? Malaswa bang tingnan?" nakanguso kong tanong.

Dinutdot niya na naman ang noo ko sabay singhap. "Of course, not, Marciella. Hinding-hindi ka talaga magpapatalo, ano? Fin, fine."

Ngumisi naman ako. Ibig sabihin ay pumapayag na siya na ganito ang suot ko. Buti naman at napapagod na akong magpalit ulit.

Akmang magsasalita na ako nang tawagin ako ni Mommy. "Yes, mom?"

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon