Rheanne inquired, "What does it take to become a composed Agent?"
She was presently at the camp with Dean Jelo. They had visited the married couple, Kenya and Dailann, and we were at the DH as well.
Jeannie raised an eyebrow and asked, "Are you considering joining?"
Rheanne responded with a hint of playfulness, "Oh, I'm just curious. But you're already assuming I'm ready to sign up? What if my opponents faint from my beauty if I do?"
Narinig ko ang palatak ni Jelo habang ang ibang kasamahan namin ay napangiwi. Napasipol naman si Lovimer.
"Hala ka! Yabang Dai!" angil ni Jeannie.
"Well, maganda naman talaga si Taylor, medyo kinulang lang konti sa utak pero okay lang 'yon," kontra ni Crystal sa isa.
Nagtawanan naman ang lahat. Napailing na lang ako. Mga haduf talaga ang mga ito.
"Wait! Hindi niyo pa nasasagot ang tanong ko, ah? Paano ba maging kalmadong agent?"
"Halimbawa may misyon kami ni Marci tapos nasa likod niya na ang kalaban, me as a calm agent... Uy, Marci, my beautiful pwend 'yong kalaban nasa likuran mo, tara takbo na tayo."
Nagsihagalapakan kami ng tawa dahil sa sobrang kalmado ng pagkakasabi niyon ni Shines. Na para bang hindi big deal na may kaaway kuno sa likuran ko.
Haduf!
"Gano'n nga, Taylor. Eh, kapag natatamaan kami ng bala ang sinasabi lang namin ay... Aray, natamaan ako, shit, 'di naman masakit." Mas lumakas ang tawanan sa loob.
"Ewan ko sa inyo. Hindi naman kayo makausap nang matino, eh."
"Luh? Matino pa nga kami sa lagay na ito, eh. Hindi pa kami mga sabog."
Napatingin ako sa pintuan ng DH at saktong iniluwal doon ang walang expression sa mukha na si Ash.
Napangiwi naman ako. Mukhang alam ko na naman ang ikinakabusangot niya. Ano pa bang bago? Laging ganyan awra niyan kapag may mission ako.
Dahil binawi niya sa akin ang misyon noong nakaraan ay kumuha ulit ako ng bago kahapon at mamayang gabi na ang ganap niyon.
Tumayo ako at lumipat sa table na inukupa niya. Nagkakatuwaan pa rin naman ang mga kasamahan namin lalo na at nandidito ang nuknukan ng confidence sa katawan na si Taylor. Halata namang libang na libang 'yong agents sa kalokohan niya.
"Hey, what's up?" nakangiti kong saad pero hindi niya ako pinansin.
Napakalumbaba ako sa mesa habang pinakatitigan siya. Trip ko lang na asarin siya, hindi 'yong siya palagi ang nang-aasar.
"Hoy! May problema ka ba?" usisa ko na naman sa kaniya pero sa halip na sumagot sa akin ay pumunta siya counter.
Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na puno ng pagkain.
"Kumain ka rin, sasabak ka sa misyon mamaya."
Napangiti ako nang palihim. So, confirm. May isyu na naman siya sa misyon ko.
"Ash," seryosong sambit ko sa pangalan niya. Inosente niya naman akong pinakatitigan.
"Hmmm?"
"May tiwala ka ba sa akin at sa kakayahan ko bilang leader ng Prime Agent? Wala ba akong kwentang PA para sa 'yo?"
Saglit pa kaming nagkatuosan ng tingin. Bandang huli ay siya rin naman ang bumawi. Napasinghap pa siya bago nagsalita.
"I'm sorry if you often feel this way when I stop you from taking on missions or stuff like that, Marciella. I worry a lot, and I've mentioned how much I love you and get all jittery when you're on a mission. Can't help it, Ell. But please know I totally trust you."
BINABASA MO ANG
A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)
RomanceMarciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to Ashmer Guieco, her best friend's boyfriend, and the boss of the Guieco Clan where she works. Though she was there first, she chose to step b...