CHAPTER 34- FIGHT FOR LOVE

574 44 11
                                    

Isang mahinang tapik sa aking braso ang aking naramdaman.

"Nak, gising," rinig ko pa. Agad akong napabalikwas ng bangon at niyakap ang babaeng aking nagisnan.

"M-mommy," wala sa sarili kong usal. Naramdaman ko ang mahinang haplos sa aking likuran.

"Marci, ayos ka lang ba talaga?"

Napakalas ako ng yakap ng mapagtantong hindi pala ang mommy ko ang babaeng nasa tabi ko ngayon.

"T-Tita Lex, I'm sorry. Akala ko kasi si M-.ommy ka." Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Iniangat niya ang mukha ko dahilan para magkasalubong ang paningin namin.

"I can be your mom just for today, hija. If you need someone to talk to, I'll listen." Malumanay ang pagkakasabi niya niyon. Bigla na lang nagsipatak ang mga luha ko. Hiniling ko na sana ang aking ina ang nasa tabi ko ngayon at siyang karamay at kasangga ko sa laban na ito.

Pero meron ding parte ng utak ko na sinasabing gusto lang naman niya na itama ko ang mga pagkakamali ko. Ayokong mapalitan ng galit ang pagmamahal ko para sa aking mga magulang. Ayokong isiping pinaparusahan nila ako sa ganitong paraan.

"Stay away from my son."

Muli ay narinig ko ang huling sinabi ni Tita Adelle. Ang sakit na dulot ng sinabi niya ay namumutawi pa rin sa aking sistema.

Tama na, please?

"Marci? Ano ba ang problema? Kinakabahan ako sa'yo."

Kinalma ko ulit ang aking sarili at pilit na ngumiti kay Tita Lex at tsaka umiling. "Wala po Tita, I'm fine. Sorry kung pinag-aalala kita," paumanhin ko pa sa kanya.

"Madalas nating sabihin na ayos lang tayo pero ang totoo pinapatay na tayo ng sakit dito." Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking dibdib, sentro sa aking puso. "At habang kinikimkim natin ang sakit na iyon, 'nak, mas lalong lalalim 'yong sugat, mas hahapdi."

Kinuha niya ang kamay ko at marahang pinisil. "Puwede mong sabihin sa akin kung ano ang problema mo para kahit papano ay mailabas mo ang kung ano man ang iyong nararamdaman. Makikinig ako."

Napasinghap ako at pinakatitigan siya. Sana, ikaw na lang si Mommy.

"Noon pa man po, mahal ko na si Ashmer," panimula ko. Ngumiti naman siya at tsaka tumango.

"Pansin ko nga iyon tuwing nakikita ko kayong magkasama. Iba ang titigan niyo eh, though, hindi ako naniniwala sa spark-spark na 'yan noon pero nakakatuwang nakita iyon sa inyong dalawa ni Ashmer. And I'm sure, pansin rin iyon ng iyong ina."

Mapait ang ngiting pinakawalan ko. Binaliwala ang sakit na dulot ng huling linyang sinabi niya.

"Pero mahal din siya ni Percy kaya binalewala ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Tita, nagparaya ako para sa kaibigan ko. Kahit pa... Araw-araw ay pinapatay ako ng sakit. Nasasaktan ako tuwing magkasama sila at tuwing nakikita silang masaya. Pero lahat ng iyon, Tita Lex, ininda ko kasi ayokong masaktan ang kaibigan ko kapag umeksena pa ako. Ayokong agawin ang kasiyahan niya."

"Kaya pinili mong saktan ang sarili mo? Napakabuti mong tao."

May haplos iyon sa puso ko pero umiling ako. "Hindi rin siguro, Tita. Habang tumatagal kasi, 'di ko na napipigilan ang sarili ko. Bawat pagkakataon na pwede kong makasama si Ash ay sinasamantala ko, pinagbibigyan ko ang aking puso. Lihim kaming nagmahalan ni Ash sa kabila ng pagiging mag-on nila ni Percy." Napayuko ako at muling pinalandas ang mga luha ko.

Nakakahiya, bakit ba ako nagkukuwento? Magkamukha lang kami pero hindi kami gano'n kalapit sa isa't-isa. Mas close pa sila ni Silang.

"Go on, 'nak. Nakikinig ang Tita."

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon