"SAAN KA NANAMAN GALING?!" bungad ni lola sa akin
Halos araw araw ko ng naririnig ang pangungusap na yan kaya hindi ko na pinapansin at pinakikinggan
"Ano?, hindi mo nanaman sasabihin kung saan?!" Sigaw ni lola sa akin
Pumasok ako sa loob ng gegewang gewang at umakyat sa hagdan ng gegewang gewang din.
"LASINGGERA KA TALAGA!, manang mana ka sa nanay mo!" Rinig kong sigaw ni lola
Paulit ulit na lang sa pandinig ko ang sinasabi ni lola kaya minsan naiinis na ako
"Ok!" Sigaw ko pabalik saka natulog
Kinabukasan....
Nagising ako dahil sa palo ng unan ni lola sa akin. Oo pinapalo nya ako ng unan upang magising buti nga unan lang hindi kaldero, kawali o walis tambo.
"Abay gumising ka na jan!, magtatanghali na!" Sigaw ni lola sa akin
Bumangon na ako dahil panay na ang sigaw ni lola sa akin. Ganyan talaga ako kausapin ni lola pasigaw kung minsan naman ay pataray nya akong kinakausap
"Linggo naman po ngayon" pagiinarte ko
"Oh ano ngayon kung linggo?"
"Wala pong pasok" sabi ko
"Abay sumasagot ka pa talagang bata ka!, sige maglinis ka na ng bahay!" Palo muli ni lola sa akin ng unan.
Natapos ang buong araw ko ng sinisigawan ako ni lola at panay ang uto nya. Utos dito utos jan, hindi pa tapos ang ung unang inutos meron na agad pangalawang iuutos. Galing diba
"Hayyy nakakapagod" sabi ko sa sarili ko habang nakahilata sa higaan ko
"Neng!!!!!!" Rinig kong sigaw ni lola aa akin
Neneng ang tawag ng pamilya ko sakin dahil ako ang nagiisang babae sa angkan namin. Puro lalaki kasi ang guato ni lola kaso minalas ang pamilya ko kasi babae ako kaya ganyan ang turi ni lola sa akin.
"Po?!" Sigaw ko pabalik
"Kumain na tayo!" Sigaw ni lola sa akin
Bumababa na ako at naghain ng plato saka nagsandok ng ulam at kanin. Dalawa lang kami ni lola tuwing weekends at kapag weekdays naman ay nandito si papa,tito,pinsan ko at asawa ni tito
Habang kumakain kami ay panay ang tingin ni lola sa akin. Bawat subo nya ay tumitingin sa akin
"May dumi po ba sa muka ko?" Tanong ko kay lola
"Wala" pagtataray ni lola
Ganito kami magusap ni lola kahit wala na akong ginawang kasalanan except kagabi.
"Naalala mo ba si lola marian mo?" Tanong ni lola aa akin
"Marian po?, hindi ko pa po naririnig ang pangalang yan"
"Lola mareng mo?" Ulit ni lola sa mayaray na pamamaraan
"Ahh si lola mareng po opo" masaya kong sabi
"Mabuti kung ganon" mataray na sabi nya
"Bakit po?"
" dahil dun na kita patitirahin" mataray na sabi ni lola
Nasamid naman ako sa sinabi ni lola kaya agad akong uminom ng tubig. Kila lola mareng?, sa probinsya?, oo mabait si lola mareng at sya ag paborito ko sa mga kapatid ng lola ko ngayon pero ayokong tumira dun
"Diba po probinsya yun?" Sabi ko habang lumulunok pa
"Oo sa binubo, nueva ecija" taray ni lola
"Bukid po ba dun?" Nangangamba ko ng sabi
"Tama ka at nababagay lang iyon sayo dahil panay ang gala mo, pagccp, paguwi ng gabi at paginom." Nakangising sabi ni lola
"Hindi pa naman po pumapayag si papa dito" nagaalinlangan ko ng sab
"Hahahaha napagusapan na namin ng papa mo ito at pumayag sya sa gusto ko" demonyong sabi ni lola
"Pero hindi pa po ako pumapayag" galit ko ng sabi
"Hindi ko kailangan ng anunsyo sayo dahil ang nakakatanda ang masusunod dito!" Galit na ring sabi lola
Fuck
Tumayo ako ng padabog at nilapag ang kutasara't tinidor sa lamesa ng padabog din
"Ano?, magrerebelde ka?, o sige magrebelde ka dahil pagkatapo na pagkatapos ng moving up mo ay ililipat ka na sa Binubo at doon ka na magaaral" sabi ni lola ng mataray
"Ayoko don!" Sigaw ko
"Pwes ako gusto ko!, hanggat hindi ka pa natututo sa mga ginagawa mo hindi kita pauuwiin sa pamamahay ko!" Sigaw din lola saka ako nilayasan
Bwiset
Ayoko sa probinsya, walang cignal, wala yung friends ko higit sa lahat nakakadiri ang mga tao!, pano kung pagsakahin ako ni lola mareng?, no way!.
Huminga ako ng malalim saka nagligpit ng hapagkainan. Naalala ko na sa wednesday na ang moving up namin at nasisiguro ako na pagkatapos nin ay paaalisin na ako ni lola dito sa maynila. I dont want to!!!!!!
Padabog akong nagurong at padabog akong umakyat sa taas. Natulog akong nagaalala, nagising din akong nagaalala at naligo akong nagaalala pati ang pagpasok ko ay nagaalala pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...