chapter 23

320 4 0
                                    

Matapos ang mahaba haba naming paguusap ay natulog kami. Tutal linggo naman bukas hindi siguro ako gigisingin ni empong.

Kinabukasan...

"Ate neng!!!!"tiling panggising ni moreng sa akin

Hinampas ko ng unan

"Nakakabingaw ka alam mo yun" sabi ko

Ngumuso si moreng

"Kasi naman po yung manliligaw mo nasa sala at hinihintay ka" sabi nya

Napabangon ako ng di oras at tumingin sa salamin kung may laway laway ng makita kong wala ay hinawakan ko ang doorknob at bumaling kay moreng

"Nanjan talaga sya?" paniniguro ko

"Oo kanina pa!, staka hindi mo ba papalitan yang suot mo!?" Sabi ni moreng

Tinignan ko ang suot ko at nakapantulog lang akong short saka sando

"Oo nga" sabi ko

Nanguha ako ng short sa cabinet ko at madali itong sinuot. Lumabas na agad ako ng matapos kong magbihis

"Ayownnn nagising din ang prinsesa" bungad ni empong ng makalabas ako

Nakita ko si elle na nakaupo sa sofa namin

"Kanina pa yan" bulong ni lola

"Kanina ka pa?" Tanong ko kay elle

Nakita ko naman na napanguso si lola sa tanong ko. Nginitian ko lang sya ng pilit.

"Yeah!, tagal mong natulog" sabi nya saka ako hinila palabas

Kahilig talaga neto manghila eh

"San tayo pupuntA?" Tanong ko

"San ba dinadala ng manliligaw yung nililigawan nya?" Tanong nya

"Sa-saan?" Tanong ko

"Edi mag da-date" sabay sabay na sabi nila empong

Binalongan ko lang sila

"Tama! kaya tara na" sabi nya

"Ehh hindi pa ko naliligo!" Sabi ko

"Dun ka na maligo sa bahay" sabi nya

Bumaling ako kila lola kung narinig nila ang sinabi ni manuelle pero parang hindi dahil patuloy lang sila sa gawain nila

"Hayaan mo sila!" Hila ni manuelle sakin

Hinila nya ako hanggang makasakay kami sa kotse nya.

"Sabi ng hindi pako naliligo eh!" Pilit ko

"Sabi kong dun ka maliligo sa bahay eh!" Pilit din nya

Inirapan ko na lang sya dahil sa kasutilan nya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay nya

"Goodmorning po tita" bati ko

"Oh may training ulit kayo?" Tanong nya pagkatapos nya ako hinead to foot look

"May pupuntahan kami tita!" Sigaw ni manuelle

Kailangan pa talagang isigaw?!

"Yieeee o sige sigeh bahala na kayo sa buhay nyo basta pagmay kailangan kayo nasa bukid lang ako ha. By the way elle birthday ngayon ng cousin mo ha. Hindi ako makakapunta marami pa akong aasikasuhin" pangaasar na sabi ni tita

Inilingan ko si tita. Parehong pareho ang ugali nila. Bumaling ako kay manuelle na may kausap sa cp

"Subukan mo ulit magpabili ng damit bu-bustedin kita" hamon ko

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon