chapter 24

310 5 0
                                    

"Insan!!" Rinig kong tawag ng lalaki sa likod namin ni elle

Pumunta kami sa mansyon ng lola ni elle sa rizal dahil ipapakilala nya ako at dahil birthday ng pinsan nyang si katty.

"Hey!" Bungad ni elle sa kanya

Nagshake hands pa ang dalawa saka nagtawanan bago bumaling si elle sakin

"She's jella" sabi ni elle

"Hi" bati ko saka naglahad ng kamay

Binawi ni elle ang kamay kong dapat ay aabutin ng pinsan nya

"My girlfriend" dugtong nya

Siniko ko

"Oh hahaha akalain mo yun nagkakagirlfriend ka hahaha kala ko natuluyan ka na" tawa ng pinsan nya

Nakita ko namang nanggigil si elle kaya natawa na rin ako. Guilty

"Hoy wag mo nga kong niloloko sa harap ng girlfriend ko" banta nya

"Suusss eh natatawa na rin yang girlfriend mo eh" sabi ng pinsan nya

Sinugod ni elle yung pinsan staka nagasaran ang dalawa

"What's happening here?" Sulpot ng isang parang ka edad kong babae sa tingin ko sya si katty

Bumaling yung babae sa akin at hinead to toe.

"And who's this very beautiful lady front of me?" Ngising tanong nya

Nagbabawian pa rin ng suntukan at asaran ang  dalawa. Nakita ko naman na panay ang  titig nung babae sa akin.

"Is this your gf kylo?" Naiiritang tanong nya

Nakita ko namang nagigting ang panga ni elle dahil sa tanong nya

"That's my girl katty" dismayadong sabi ni elle saka umakbay sakin

Nakita ko namang laglag ang panga ni katty. Sinamaan ko ng tingin si elle

"Kala ko ba nililigawan mo ko?" Tanong ko

"Shhh, kahit na dapat malaman nila kung ano dapat ang akin" nguso nyang sabi

"Hindi mo pa pala girlfriend eh, edi may pagasa pa----" hindi na natuloy ang sasabihin ni kylo dahil sa batok ni elle

"By the way happy birthday katty, you know hindi ako mahilig mangregalo" ngisi  ni elle saka kami pumasok sa loob

Bumaling ako kay katty pero ngayon ay tawa lang sya ng tawa dahil sa pangaasar nya kay kylo.

Maraming tao pang pinakilala sa akin ni elle pero pinakilala nya lang bilang kaibigan nya. Halos lahat ng pinapakilala nya sa akin ay nabibigla dahil sa girl friend nya ako hanggang napagdesisyonan na naming ipakilala nya ako sa lola nya dahil gusto ko ng maupo

"La" bati ni elle saka humalik sa pisngi

"Ijo your back!, oh I miss you so much" anang lola

Bumaling sa akin ang matanda at gulat na gulat na tumingin kay elle

"Janella trinidad po, or jella if you want to call me" mano ko sa lola ni elle

"Your girlfriend?" Namamanghang tanong ng lola ni elle

"Ye--" siniko ko

Sinimangutan nya ako

"Nililigawan pa lang la" nakangusong sagit ni elle

"Nakuuu akalain mo yun nakasungkit pa ng napaka gandang dalaga itong apo ko." Sagot ni lola

Kitang kita ko ang saya ni lola sa mga ngiti nya dahil abot ito sa kanyang mata

"Tagal nga akong sagutin eh" sabat ni elle

Sinamaan ko ng tingin

"You look very beautiful at your floral maxi dress, I want you for my grandson" bulong ni lola ng may kinausap si elle na pinsan nyA

Nakaupo ako katabi ni elle na nakikipagtawanan sa mga pinsan nya. Binigyan nya ako ng drinks and food para hindi ako mabored. Ng maubos ko ang pagkain ay naramdaman ko na ang pagod hinanap ko si elle pero nagkakasiyahan sila ng mga pinsan nya. Sumandal ako sa kanya saka pinatong ang ulo sa kanyang balikat.

Dumeretso lang sya ng upo saka bumaling sa gawi ko at binaba ang basong iniinom.

"Uwi na tayo?" Malambing nyang tanong

Napangito ako sa lambing ng boses nya

"Mag-usap na lang muna kayo" ngiting sabi ko sa kanya

"You look tired, umuwi na tayo" hinawakan nya ang kamay ko saka sya tumayo

"Iuuwi ko na sya" sabi ni elle

"Sa bahay nyo?" Tanong ni kylo

"Tss" iling ni elle

Nginitian ko lang sila saka ako sumunod kay elle. Hawak pa rin ni elle ang kamay ko hanggang sa makapasok ako sa kotse

"Nagugutom ka ba?" Nagaalalang tanong nya

Binitiwan ko ang kamay nya saka ako umiling. May kinuha syang kung ano sa likod ko at pinangtakip iyon sa buo kong katawan

"Thanks" sabi ko saka sumandal at pumikit

Naramdaman kong hinalikan ako ni elle sa noo. Hindi ko na sya nagawang tignan pa dahil pagod ang pakiramdam ko ngayon. Hanggang sa hindi ko na namalayang nasa kwarto na pala ako.

"Kamusta date nyo ate neng?' Tanong ni moreng ng makita nyang nagising ako

"Hindi naman kami nagdate" sabi ko

Saka bumangon at umupo. Naalala ko ang mga ginawa ni elle kaninang nasa kotse kami. Ang clingy pala nya.

"Huh?, eh bat naka dress ka pa kung hindi kayo nagdate?"naguguluhang tanong nya

"Pinakilala nya lang ako sa relatives nya" sagot ko

Nakita ko naman ang paghanga sa muka ni moreng

"Talaga?, so legal na ang panliligaw nya sayo?, kasi ako kahit kami na luis hindi pa rin nya ako pinapakilala sa parents nya most mga pinsan lang nya" malungkot na sabi nya

Hindi alam ni papa at lola ko sa maynila na may manliligaw na sa akin. Marami naman talaga akong manliligaw kahit nasa manila pa ako kaso pinagbabawalan talaga ako ni papa tapos binabakuran pa ko ni lola kaya wala akong naging jowa, lagi pa akong sinusumbong ng pinsan ko dun kaya wala talaga akong takas kahit pa gusto ko ang taong iyon.

Si carl nga ay kinaibigan ko lang kahit na gustong gusto ko sya at sinabi nya rin sa akin na gusto nya ako pero fri-nendzone ko lang sya dahil alam kong pagbabantaan lang sya ni papa at madadamay pa sa problema naming pamilya. Iba ang sitwasyon ngayon, malayo sila at komportable ako kay elle pero hindi ko pa rin alam ang gagawin ko..

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon