chapter 59

275 4 0
                                    

Hindi ko pinaalam kila lola ang nangyari sa manila lalong lalo na yung sa amin ni lola. Ayaw kong magalala sila. Lunes ngayon at hindi ako pumasok. Hindi ako nakatilog kagabi dahil sa pagiisip. Kinakabahan ako sa bawat araw na mangyayari.

Toooot*

Beep ng phone ko. Tinignan ko iyon at nakita ko ang text ni irish.

"Excempted ang mga player sa academics kaya dumeretso ka na lang dito sa bukid kung free ka"

Sasagutin ko ba sya?, pupunta ba ako?, shet iniisip ko pa rin yung sinabi ni lola, im afraid na baka mali yung iniisip ko at natatakot din ako sa pagpili ko.

Fuck!

Kinuha ko na ang towel ko saka ako naligo. Sasabihin ko na lang kay irish na hindi na ako sasali. Nagmadali na ako saka pumuntang bukid.

"Oh andito na pala si jella eh" sabi nung isa naming kasama

"Jella!" Sigaw ni irish

Lumapit ako sa kanya. Kailangan kong sabihin sa kanya toh. Ayokong pati sya madamay sa kadramahan ng pamilya ko.

"Amm irish may gusto akong sabihin sayo" sabi ko ng nakalapit na ako

"Wow ako din eh pero ako muna kasi naeexcite ako eh" ngiti nya

"Ok" sagot ko

"So yun nga, nagbackout na rin ang rizal!!!" Tuwang tuwa nyang sabi

"Sto.nino na lang ang makakalaban natin. Alam mo tinanong ko sila kung bakit sila nagbaback out alam mo kung ano sagot nila?" Patuloy ni irish

"Ano?" Tanong ko

"Kasi nakikita daw nila ang pagkahardwork natin and lagi daw silang talo sa soccer kaya pinaubaya na nila satin" tuwang tuwa nyang sabi

"Nakuu tuwang tuwa talaga tong si irish, alam mo ba kahit nung bata pa yan pangarap na talagang manalo sa soccer" sabat nung isa naming kasama

"Alam mo ang chismosa mo bumalik ka na nga dun, kami lang naguusap dito eh" sabi ni irish

Pangarap?.

"Pagpasensyahan mo na yun ah pati ako. Desperado na talaga akong manalo sa soccer na toh" irish said

"Bakit?" I ask

"Si tatay kasi soccer player din nung panahon nila kaso nadislocate yung kaliwang paa ni tatay kaya ayun, imbis na sikat na sila sa binubo naging bato pa kaya nangako ako kay tatay na ako ang magpapanalo sa soccer para sa kanya" taas noong kwento ni irish

Ngumiti ako.

"Mahirap lang kasi kami dati at sa paglalaro ng soccer kumikita si tatay" pagpapatuloy nya

"Sa soccer?" Tanong ko

"Oo noon kasi sila ang pinakamalakas dito sa binubo kaso nung naaksidente si tatay bumaliktad ang mundo"

"Pano si empong?" Tanong ko

"Tss yon eh isang beses lang naman sumali yun tas nagbackout na" ngisi nya

Loko talaga yun.

"Pero totoong pangarap kong makuha ang medalya tapos ibibigay ko sa tatay ko" sabi nya

Napakabait mo talagang tao.

"Oh ano na nga pala yung sasabihin mo?" Tanong nya

Oo nga pala!.

"Ahhh yon ah eh ano kasi, gusto kong sabihin na-nakalimutan ko na" palusot ko

"Ano?!" Pagtataka nya

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon