Kain,linis,libot at tulog ang nangyari sa buong 1month ko. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang ginawa ng mokong na yun sa akin. Minsan kapag nakikita ko sya sa palengke ay kumukulo na agad ang dugo ko. Bwiset sya ihhh kay gwapo gwapo pangit naman ang ugali grrrr.
"Neng bukas na ang pasok nyo" sabi ni lola
"Opo lola lagi po yang pinapaalala ni molly" nakangiti kong sabi
Bukas na kasi ang pasok namin(lunes) 1 month lang ang bakasyon dito isa pa ay grade 11 na ako. ABM ang strand ko pero hindi ko alam kung saan yung classroom namin. Sa senior and high school ako magaaral simula bukas.
Pagkatapos naming kumain ay nagligpit muli kami saka nagsitulog. paglahiga na paglahiga ko ay naalala ko ang papa ko. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa nya sobrang sakit lalong lalo na si lola na walang ginawa kung hindi bungangaan ako.
Naluha ako dahil sa naalala ko at maya maya lang ay nakatulog na.
Kinabukasan..
"Gising!!!!!!" Sigaw ni kuya empong. Halos araw araw nya na lang ako sinisigawan
"Hayyy!!!!, oo na gihising na!!" Hampas ko sa kanya ng unan
Bumangon na ako pagkaalis ni empong saka naligo at nagbihis. Pinagluto kami ni lola mareng ng umagahan na pancake kaya naganahan akong pumasok.
"Oh text nyo lang si empong kapag uuwi na kayo ha" habilin ni lola sa amin
"Oo nga wag pumunta sa jowa" parinig ni empong kay molly
"Opo!" Naiiritang sabi ni molly
Umalis na kami at nagtungong school. Nakahigh waist na pantalon ako at white printed shirt tapos sneakers na sapatos, nakalugay lang ako dahil hindi pa tuyo ang buhok ko. Di kalaunan ay nakarating din kami sa school gamit ang jeep ni empong
"Aral mabute!" Bilin ni empong bago umalis
"Ate andun na mga kaibigan ko mauuna na ako sayo" sabi ni moreng
"Ha?, ah-eh hindi ko kasi alam yung section ko" nahihiya kong sabi
"Hihihi diretsuhin mo lang yang hallway tapos may hagdan pababa sa gilid ng hagdan na yun ay may classroom, yun yung mga classroom ng grade 11" sabi ni moreng
"Ahh salamat" masaya kong sabi
"Ingat" sabi ni moreng saka umalis
Bumaling ako sa mga tao sa paligid at panay ang tingin nila sa akin. Sinuot ko yung cup ko saka sinunod ang sinabi ni moreng. Naglalakad ako sa hallway ng may tumawag sa akin
"Jella!"
"Oh ivan!" Nakangiti kong sabi
Nagtaka ako sa naging reaction nya dahil napatitig sya sa akin.
"Hoy!" Sigaw ko sa muka nya
"Ah hahaha sorry" sambit nya
"Amm ivan san dito yung grade 11?" Tanong ko tutal tagadito naman sya
"Grade 11 ka din?, hahaha same pala tayo eh. Sabay na tayo" masayang sabi ni ivan saka ako sinabayan sa paglakad
"Anong strand mo?" Tanong nya
"ABM" sagot ko
"Ahhh sayang naman STEM kasi ako" malungkot nyang sabi
"may STEM dito?" Tanong ko dahil ang mga stem ay pang malalaking school at kilalang school ang Meron nito
"Oo dati wala talagang stem pero nung nalaman ni tita na maraming gustong magdoctor o nurse ay nagvolunteer syang magpalagay ng STEM" kwento nya
"Ahhh mayaman siguro yang tita mo" sabi ko
"Oo marami kasi silang pagaari dito sa binubo" sabi nya
Di kalaunan ay narating din namin ang classroom. Ako ang nasa pinaka una at sya naman sa pinaka dulong classroom.
"Iwan na kita dito" nakangkting sabi ni ivan
"Thanks" sabi ko
"Ahhh jella pw-pwede bang aabayan kitang magre-recess mamaya?" Nahihiya nyang tanong
Natawa naman ako sa mukha nya dahil ang cute kapag nagmamakaawa
"Oo naman wala pa kasi akong kilala dito" sabi ko
"Sige susunduin na lang kita" masayang sabi ni ivan
Mayamaya lang ay dumating na ang guro namin 1st sub ang sci sunod ang fil, ap,mapeh tapos recess (morning sub).
"Ok magaannounce ako ng attendance" sabi nung guro
"Abalos!"
"Present!" Sagot ng student
"Bian!"
"Present!" Sagot niya
"De vera!"
"De vera!" Ulot ng guro
Bumaling ang lahat ng clasamate ko sa natutulog na lalaki. Wait looks familiar.
"Hoy manuelle!" Gising ng lalaki sa likuran nya
Sabi na nga ba't familiar sya ihhh. Sya ung kinabwibwisitan kong tao. Bigla nanamang kumulo ang dugo ko kainis!.
"De vera lagi ka na lang natutulog sa class, nagpupuyat ka ba?" Tanong ng guro
"Present!" Sagot lang nya saka umayos ng upo. Napaayos din ako ng upo ng bumaling sya sa akin.
Natapos ang pagaattendance ni mam sa lalaki at ngayon naman ay sa babae. 12 ang boys nakin at 13 naman ang girls. Natapos ang a-s na pagtawag ni mam kaya alam kong ako na ang tatawagin nya.
"Trinidad?!" Patanong na tawag ng guro
"Present!" Nahihiya kong sabi
"Hmmm bago?" Tanong nya
"Yes po"
"Go to the front and introduce yourself" sabi ni mam
What ako?, wait bat ako lang?, dahil ba bago ako at sila ay magkakakilala na?,hmmm unfair. Tumayo na ako at pumunta sa harapan
"My name's janella Trinidad, jella for short" sabi ko at bumaling kay mam
"Your full profile please!" Sabi ni mam
Huminga ako ng malalim saka nagsalita
"Im 17 and I live in manila. My old school was U.P. I love sports, singing and dancing. I can play any instruments and I can cook" sabi ko
"Your in U.P huh?!, bat lumipat ka pa eh napakaganda ng unibersidad na iyon" nagtatakang tanong ni mam
"My parents choice not mine" sagot ko
"Sino kasama mo ngayon?" Tanong ng isa kong classmate
"Nakatira ako sa bahay ng kapatid ng lola ko, si lola moreng" sagot ko
"Sooo kilala mo si empong?" Kinikilig na tanong nung isa kong class8
"Mmm oo pinsan ko sya" sagot ko
Nagingay naman ang mga classmate ko dahil sa nalaman ni lang pinsan ko sya
"Shhhh, any questions?" Tanong ni mam
"May lahi ka ba?"tanong ng lalaki sa dulong katabi ni manuelle.
Napatingin ako kay manuelle at binigyan ko sya ng masamang tingin. Tumingin din sya sa akin pero wala syang imik na parang bored na bored sa nangyayare. Epal!.
"Pure pilipino ang papa ko at hindi ko kilala ang mama ko" sabi ko
"Sit down" sabi ni mam
Umupo na ako at nagsimula nanaman ang usapan nila tungkol sa akin pero hindi ko sila pinakeelaman at bumaling na lang sa guro.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...