chapter 28

308 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa ring ng cp ko

"Hello?"  Inaantok kong tanong

"Gumising ka nA!!!!!!" Sigaw nung nasa cp

Nailayo ko ang cp ko sa tenga ko dahil sa sigaw nya

"Sino ba toh?" Tanong ko

"Tss"

Tinignan ko ang phone at calling number pero unknown ito at 11:15 na ng tanghali. Napabangon ako ng di oras. Mukang napuyat ako kakaiyak kagabi ahh

"Elle?" Paniniguro ko

"Buti naman at nakilala mo pa ako. Susunduin  kita ng 3pm jan sa bahay nyo naipaalam na kita kila lola at pumayag naman sila kaya ok ng lahat ikaw na lng talaga!" Sigaw ulit nya

Hayyyy nasa cellphone na nga lang maingay pa!

Toot toot toot!

"Hello?" Tanong ko sa cp

Bumangon na ako saka lumabas ng kwarto. Grabe ang mata ko mugtong mugto. Sobra sobra kasi ang iyak ko kagabi ang hirap hirap ni lang pakisamahan

"Ate jellA!" Gulat ni moreng

"Ohhh gising ka na pala. Hintayin mo na ang tanghalian at wag ka ng kumain ng umagahan inubos na kasi nitong si moreng eh" ngiting sabi ni lola sa akin

"Ate jella sorry tala----" naputol ang sasabihin ni moreng

"Moreng!" Bawal ni empong

Bumaling ako kay empong ngunit galit pa rin sya sakin dahil sa inasta ko kagabi sa kanya at kay papa.

Huminga ako ng malalim

"Pero kuya----" angil ni moreng

"Magurong ka na lang pwede!" Galit ni empong

"Empong ijo!" Bawal ni lola

"Ihahatid ko na po itomg ulam kina uncle" seryosong sabi ni empong kay lola

"O sigeh magiingat ka" sabi ni lola

"Pasensya ka na anak ayaw talaga ni empong ang mga bastos kapag seryoso ang usapan ako kasi ang nagpalaki dyan" sabi ni lola

"Ok lang po lola naiintindihan ko po, ako nga po ang dapat na magsorry" sabi ko

"Siya nga pala umalis na ang papa mo kaninang maga. Nagiwan sya ng sulat, nilagay ko na sa drawer mo" sabi ni lolA

Tumango ako. Bumaling ako kay moreng pero hindi sya makatingin ng deretso sakin. Pumasok ako sa kwarto upang makita ang sulat

Dear jella

          Patawarin mo ako sa kung anong nagawa ko anak pero kailangan mo akong sundin at wala ka ng magagawa pa doon kaya habang maaga pa anak itigil mo na yan. Gusto ko pagumuwi ako sa susunod ayos na lahat

                  Nagmamahal:ang iyong papa

Bumuntong hininga ako saka nilukot ang papel at tinapon. Palagi na lang sila ang nasusunod. Pagbili ng mga damit ko oras ng uwi ko at kung ano dapat ang ginagawa ko. Palagi na  lang sila.

Naalala ko ang hindi nila pagtanggap sa mga kaibigan ko dahil lang sa B.I sila pero hindi ako nakinig sa kanila dahil ang mga kaibigan ko na lang ang natitirang karamay ko sa mundong ito. Hindi ko kilala ang mama ko pero may mga kaibigan naman ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila sa V.C

"What's up bitch!" Bungad ni erick

"Why so sad?" Habol ni shane

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon