"Owww nandito na pala ang magpapanalo sa ating school" nagmamalaking sabi ng magtuturo sa atin
"Magaling ka ba sumayaw?" Maarteng tanong nya sa kin
"Konti lang po" sagot ko
"Hmmm ok tawagin nyo kong tita marge" sabi nung magtuturo na bakla
"Sang school ka galing?" Tanong nya
"U.p po" sagot ko
Parang namangha naman sya sa sinagot ko
"Very good matutulungan mo pala ako sa cheering ehhhh" masayang sabi ni tita marge
Habang inaayos ni tita marge ang mgaformation namin ay nahagip ng paningin ko si Manuelle na titig na titig sakin.
Dinilaan ko ulit sya saka inirapan. Nakita kong lumapit sya kay tita marge at may sinabi saka sabay silang bumaling sa akin
"Jella, may training ka pala ngayon!, next week ka na lang umatend cheering" sabi ni tita
Nakita kong lumapit si manuelle sa akin saka kinuha ang gamit ko at hinila ako sa braso. Mahigpit ang hawak nya kaya hindi ako makawala
Nakita ko ang mga kasama ko na gulat na gulat sa nangyayari nakita ko din na pinaguusapan nila
"San mo ba ako dadalin!" Galit kong sabi
"May training tayo!" Seryoso nyang sabi
Nagdirediretso kami papunta sa kotse nya staka ako sapilitang sinakay sa tabi ng driver seat at sya naman sa driver's seat.
"Saan tayo magtratraining?" Tanong ko ng walang umimik sa amin
"Sa bahay" sagot nya
Lumingon lang ako sa kanya at binigyan ko sya ng masamang tingin. Narinig ko naman yung buntong hininga nya.
Nakatanaw lang ako sa window habang sya ay palingalinga sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa isang napakalaking gate na may nakasulat na DE VERA sa harap non.
"B-bahay nyo?" Namamangha kong tanong
Pagkapasok kasi namin sa malaking gate na iyon ay nakita ko ang isang mansyon na napakaganda at napakalaki.
"Mm-mmm" sagot nya
Huminto sya sa tapat ng garahe nya at bumukas ito saka bumungad sa akin ang white lamborghini aventador at white ferra 458. Mga pangarap kong kotse
"Sayo din yan?" Turo ko sa dalawang mamahaling kotse
"Yeah pero itong puting kotse ang ginagamit ko" sagot nya
Tinitigan ko naman yung tatlong puting kotse, white ferrari,white lambo and white honda city. Ok jella use your common sense yung honda siguro siguro ang ibig nyang sabihin dahil yon ang gibamit nya ngayon.
"Ahhhh oo nga halata naman" sabi ko saka sinabayan syang maglakad
Mataas ang pinto ay malaki. Masasabi kong pangmayaman talaga ito.
"Ihanda mo kami ng makakain pati damit" sabi nya
"Para sayo sir?" Tanong ng maid
Bumaling sa akin si manuelle
"Hindi, para sa girlfriend ko" sagot nya sabay ngisi
Anak ka ng!
"Naku hindi nya ho ako girlfriend" sabi ko
"Nililigawan pa lang" sabat nya
Bumaling naman sa akin yung maid
"Hindi----" naputol ang saaabihin ko
"Elle your home!" Bati ng babaeng pababa sa hagdan mga kaedad ni papa.
"Tita!" Bati din ni manuelle saka sya hinalikan sa pisngi
"Tita this is jella" sabi ni manuelle saka dumikit sa akin saka hinawakan ang kamay ko
Nagulat ako sa ginawa nya kaya binigyan ko sya ng galit na tingin
"Your girlfriend?" Masayang tanong ng tita nya
Pinilit ko talagang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak nya. Bwiset
"Hindi po, classmate ko lang po sya at nandito ako para magtraining kasama sya" pagtatanggol ko
"Ay ganun ba, may paholding hands pa kasi kayong dalawa. O sigeh yumaas na kayo't mag training" sabi ng tita nya saka iniwanan kami
"Parang ayaw pa ata ahh" bulong nya
Hinampas ko
"Tumigil ka ha!" Dinuro duro ko sya
"Sir eto na po ang pinabili nyong damit sa akin. Nilabhan ko na rin ho" singit ng maid
"Thanks" sabi ni manuelle saka iyon binigay sa akin
"Sa-sakin?" Naguguluhan kong tanong
"May kasama ka pa ba?" Tanong nya
Luminga linga ako pero ako lang
"Tanggapin mo na sayang pa effort nya" sabi ni manuelle saka hinagis sa akin
Sinapo ko naman ito at hinabol sya sa hagdan
"Pero wala naman akong sinabi sayong bilan mo ko o kaya palabhan ako ng damit na masusuot" paglalaban ko
Huminto sya kaya huminto na rin ako
"Magbihis ka na. Iyan ang kwarto ko. Jan ka na magbihis" nguso nya sa kwartong nasalikuran ko
"O-ok" sabi ko saka pumasok sa loob
"Hihintayin kita sa baba" sabi nya at tumalikod na
"Pero kasi---"
"Kung ayaw mo naman suotin ay pipilitin pa rin kita kaya sa ayaw at sa gusto mo ay wala akong pake basta isuot mo yan." Seryoso nyang sagot
"Ano pa lang size ng paa mo?" Pahabol nyang tanong
"Amm---" pinagiisipan kong sabi
"7?, hmm ok" sabi nya saka bumaba
Baliw talaga yun bakit nya tinatanong hayyy.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto nya at pinagmasda ito. Nakita ko ang ibat ibang frame nya nung bata sya ang cute nya, wala naman akong naaalalang sinabihan nya ako ng DONT TOUCH ANYTHING kaya kinuha ko ang pinakacute na frame. Muka talaga syang amerikano kahit nung bata pa sya.
Nakita ko din yung napakadami nyang trophies at medal na nakadisplay. Lahat puro table tennis at basketball yung iba naman ay about sa academics
Pumunta naman ako sa kama nyang napaka ayos at napaka lambot yung kama ko dun dalawang kutson lang ok na pero ito napaka lambot. Naalala ko na magbibihis pala ako
Sinuot ko ang white shirt na may tatak na check sa gitna saka cycling na nike din ang tatak.Manyaman. Nahagip ng paningin ko ang sandamakmak na librong nakaayos sa book shelf nya. Kukunin ko na sana iyon ng may pumasok sa kwarto
"Ay pogi!" gulat kong sabi
Kinunotan nya lang ako ng noo
"Di ba uso sayong kumatok?" Galit kong sabi
Nginisian nya lang ako saka hinagisan ng isang box
"Ano to?" Tanong ko nang napagmasdan na ang box
"Buksan mo" sabi nya
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang kulay itim na sapatos at tatak na nike. Napagtanto ko na kasize ko ang sapatos na ito
"Para kanino to?" Tanong ko sa kanya
"Para sayo" sagot nya agad
"Pa-para sakin?, bakit?" Naguguluhang tanong ko
"Advance happy birthday?" Hindi nya sure na sinabi
Nginusuan ko lang sya staka sinuot ang sapatos.
"Looks good on you" sabi nya saka ako tinalikuran
Bumaling ako sa salamin at bagay nga ang suot ko. White nike shirt, nike cycling at black nike shoes. Bagay na bagay.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...