chapter 49

270 6 0
                                    

"Ate neng tanghali na!!!" Sigaw ni moreng

Kinapa ko ang cp ko pero napatayo lang ako dahil sa bubog na dumaplis na daliri ko.

"Owww" sabi ko

"Oh ate neng tanghali na papasok ka ba?" Biglang pasok ni moreng

Hinablot ko ang cp ko saka ko ito tinago sa likuran ko.

"Oo naman" malat kong sabi

"May sakit ka ba ate neng?, ang putla mo oh tapos ang tamlay mo pa" sabi ni moreng

"Ok lang ako" malat kong sabi

Lumapit si moreng sa akin saka ako kinapa sa noo at leeg.

"Sinungaling ka ate eh. Nilalagnat ka oh" sabi ni moreng

"Sinong nilalagnat?" Biglang sulpot ni empong

"Sinong may lagnat?" Sabat ni lola

"Wala po" malat ko pa ring sabi

"Nakuuu minamalat na si neneng" sabi ni empong

Lumapit si lola sa akin.

"May trankaso ka na" sabi ni lola

"Kaya ko po" pilit ko

"Maupo ka muna neng mabibinat ka nyan eh" sabi ni empong

"Huwag ka munang pumasok neng mataas ang lagnat mo eh" sabi ni lola

Sasagot na sana ako ng sumabat si empong.

"Wag ng makulet"sabat ni empong

Napatahimik ako at bumusangot.

"At ipaghahanda na kita ng lugaw para gumaan pakiramdam mo" sabi ni lola

"Ihahatid ko na po si moreng" paalam ni empong

Pinahiga ako ni lola sa kama ko at nilagyan ng basang bimpo sa noo. Ilang sandali lang ay nakatulog muli ako dahil sa sakit ng katawan ko. Bakit ba ako nilagnat eh hindi naman ako nagpapaulan saka wala namang ulan ah?.

"Neng gumising ka na diyan at kumain" gising ni lola

Agad akong bumangon para lunaks ang aking resistensya. Binigay sa akin ni lola ang niluto nyang lugaw.

"Mmm mukang masarap po lola at ang bango pa" malat kong sabi

"Hay nako neng kumain ka na lng at magpalakas" tinignan muli ako ni lola

"Lola tara na ho" sigaw ni empong

"Oh sigeh!" Sigaw ni lola

"Aalis na kami ni empong dito ka lang ha, anjan ang telepono kapag may kailangan ka tawagan mo lang si empong" sabi ni lola

"May cellphone po si empong?" Tanong ko

"Meron ding telepono sa pinagtratrabahuan nya kaya pwedeng pwede mo syang tawagan doon. Nagluto na rin ako ng tanghalian mo. Magpagaling ka ha" sabi ni lola

Tumango ako saka ngumiti. Umalis na sina lola at ako ang natira sa bahay. Kaya ko naman talaga eh pumasok na lang sana ako. Hay nakakainis sira pa yung cellphone ko ano ng gagawin ko ngayun?.

Matapos kong kumain ay dahan dahan akong tumayo, oo nga masakit ang katawa  ko may sakit talaga ako pero pano nangyare yon?, wala namang ulan kahapon ah. Dahan dahan akong naglakad para ilagay sa banggerahan ang aking pinagkainan.

Pagkakita ko sa relo ay 9:20 na pala. Ang bilis naman ng oras. Naupo ako sa sofa saka binuksan ang tv, ilang sandali lang ay nakatulog muli ako.

Crack*

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon