Nagising ako ng andun na sina empong.
"Oh gising ka na pala,kumain ka na muna" aya ni empong
Nilibot ko ang bahay pero wala na si elle. I'm sure nakauwi na sya. Hindi man lang nya ako ginising para magpaalam na aalis na sya.
"Umalis na si elle kanina pa" sabi ni empong
"Mga anong oras ?" Mahina kong tanong
"Nagtext kasi sya kay moreng na aalis na. Moreng anong oras umalis si elle?"
"Nagtext si kuya elle sakin ng mga 3:00" sabi ni moreng
"Ahhh sigeh" i said
Lumapit si lola sa akin saka ako kinapa sa noo at leeg.
"Ayan sinat na lang siguro bukas magaling ka na" ngiti ni lola
Inalalayan ako ni lola makatayo para pumuntang kusina upang kumain.
"Magaling ka na bukas" sabi ni empong
"Mmm" sagot ko
"Ate inalagaan ka ba ni kuya kanina?" Tinutukoy si elle
Sa pagkakaalala ko binilan nya ako ng fav kong foods nagbonding kami nagusap tapos natulog na ko.
"Mmm" sagot ko
"Yung lalagyan ka ng basang bimpo sa noo tapos lagi kang ichecheck tapos susubuan ka tapos kukumutan ka at higit sa lahat babantayan ka nyang matulog" kilig na sabi ni moreng
Basang bimpo?, ichecheck?, susubuan?, kukumutan?, at higit sa lahat babantayan?. Ammm nangyari ba yan kanina?.
"Ahh ehh haha oo" pilit kong tawa
Kinilig naman si lola at moreng.
"Hoy hanggang dun lang yon ha. Wag na wag kayong lalagpas sa guhit naku ipapauwi talaga kita sa maynila" banta ni empong
"Ano ka ba matatanda na sila alam na nila ang tama at hindi tama" sabat ni lola
"Oo nga ingit lang yan si kuya" tawa no moreng
"Wowwww o sige ako na walang jowa" suko ni empong
Matapos naming magkwentuhana ay saka kami nagsitulog.
"Pagaling ka neng ha" sabi ni lola
"Opo lola goodnight po" sabi ko
Sinara ang pinto.
Naisip ko yung mga nangyari kanina, ang daya naman nya umaalis ng walang paalam. Bigla ko tuloy sya namiss ng sobra. I miss his smell, his face, his hand and his voice. Naalala ko nung pinapatulog nya ako napakaganda talaga ng boses nya. Ilang sandali lang ay nakatulog na ako sa pagiisip.
Kinabukasan....
Nagising ako ng maaga, magaan na ang pakiramdam. Hindi na rin malala ang malat ko at kayang kaya ko ng tumakbo.
"Empong may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ko kay empong
Sabado ngayon at balak ko sanang bumili ng cp. Marami naman akong ipon sa card ko.
"Wala naman bakit?" Tanong nya
"Balak ko sanang pumunta sa bayan" sabi ko
"Wala kang training ngayon ate neng?" Sabat ni moreng
"Hindi muna ako pupunta" sabi ko
"Ano bang gagawin mo sa bayan?" Tanong ni empong
"May bibilin lang ako" sabi ko
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...