"Ate neng!" Bungad ni moreng ng makauwi
"Bakit?" Gulat ko
"Kanina ka pa hinahanap ni kuya elle sakin. Hindi mo daw sinasagot mga text tapos tawag nya" kwento ni moreng
"Ok ako na magsasabi sa kanya" sabi ko na lang
Dumeretso na ako sa kwarto para ayusin ang cp ko.
"Wow ate naka iphone x ka" mangha ni moreng
"Badtrip nga eh" sabi ko
"Bakit?" Tanong ni moreng
"Ahhh pwede wag mong sabihin kina empong?" Pagmamakaawa ko sa kanya
"Ano ba yun ate?"
"Kasi dapat iphone 5 lang bibilin ko worth of 6000 pero 3000 lang dala kong pera and the rest nasa card ko na" kwento ko
"Oh pano naging iphone x yan kung iphone 5 pala?" Pagtataka nya
"Yun na nga akala nung mga tindera bogus ako tapos bigla na lang sumulpot si carl ang masaklap pa umakting kami na magjowa at mayaman kaya ayun ending iphone x ang binili plus give the change" hilamos ko sa muka
"Ahhh parang yung sa mga movies, yung mga lifesaver. Tutulungan ka nila tapos sila yung pahihiyain mo. Akala ko sa mga movies lang yun meron din pala sa true life. Alam mo ate sila yung mga taong nagkakatuluyan" kilig na sabi ni moreng
"Ano ka ba moreng may jowa na ako kung ano ano sinasabi mo" sabi ko
"Ay sorry ate. San ka pala kukuha ng pera?" Tanong nya
"Yun nga yung pinoproblema ko eh, may alam ka ba na pwedeng pasukan?" Tanong ko
"Marami pero kapag isang katulad mo na maganda, sexy , makinis at maputi, wag na ate baka pagsisihan mo lang
Napapikit ako.
"Mmm pero may isa akong naiisip" sabi nya
"Ano?" Interesado kong sabi
"Try mo kay kuya elle panigurado sagot agat yang problema mo"
Napabusangot ako. Ayoko nga sobra sobra na binibigay nya sa akin mamaya isipin ng mga tao golddigger ako.
"Alam mo tumulong ka na lang dun" sabi ko
"Hayyyy ayaw pa din" sabi nya saka lumabas
Ugh ang hirap magdecide!. Should i tell elle?. Ay oo nga pala itetext ko pa si elle baka nagaalala na yun.
Inopen ko ang 2nd hand iphone x ko at nilagay doon ang sim card. Ng nailagay ko na ang ang simcard agad kong hinanap ang pangalang unknown at dinial ito.
Cring cring*
Walang sumagot. Dinial kong muli ang phone. Sana tumagal ang cignal.
Cring cring*
Baka nagwowork sya. Papatayin ko na sana ang call ng sagutun ang tawag ko.
"Hello?" Paniniguro ko
"Who's this" Babae ang sumagot
"Ammm ikaw sino?" Pagdududa ko
"Omg ang dami na talagang bitch sa mundo noh? At sa dinami dami pang lalaki talagang sa lenard ko pa?" Pagtataray ng babae
Napahinto ako sa pagsagot at siniguro kung number ba talaga ni elle ito or wrong number ang natawagan ko pero mali ako number nya talaga ito at ang sabi pa ng babae is LENARD KO PA. seryoso sya?.
"Amm sorry pero pwede pakausap kay elle" agad kong sabi
"What?!, you know your face is so kapal, hindi mo ba naiintindihan mga sinasabi ko sayo ha?,bingi ka ba or just stupid?" Giit ng babae
Mukang nakikilala ko na kung sino tong kausap ko
"Excuse me ha si elle ang gusto kong kausapin hindi ikaw kaya wag mo kong kausapin and don't call me bingi or stupid kasi ikaw ang bingi at stupid kakasabi ko pa lang na si elle ang gusto kong kausapin pero kinausap mo ako, now tell me who's stupid?"
Bitch!
"Hinahamon mo ba akong bitch ka ha!,well ako ang girlfriend nya for you to know" maarte nyang sambit
"Ano naman kung girlfriend ka nya?, pake ko?, anong connect?, hindi ka naman kasali sa paguusapan namin kaya wag mong ipagyabang yang mga nonsense mong sinasabi" sagot ko
"What the hell?!" Galit nya
"Oh na offend ka naman napaghahalataan ka tuloy na fake, fake kindness, fake girlfriend, fake friend and fake face" sabi ko saka sya pinatayan ng cellphone
Bwiset!
Bibaba ko ang phone ko at binalik sa box ng padabog.
"Kaya pala ang aga mong umaalis kasi may pinupuntahan ka!" Galit kong sabi sa sarili
"Hindi mo na ako kailangang tawagan dahi may girlfriend ka na!"
"Grabe ka pinapiharam mo pa talaga sa babaeng yon yung phone mo"
"Grrrrrr" hinaging ko ang box
Ay shet may cp pala sa loob!. Pinulot ko iyon saka hinagis sa drawer.
"Ate neng sinong kausap mo jan?!" Tanong ni moreng mula sa labas
"Ahhh ehh yung ano----, nagmememorize ako ng script!" Sigaw ko
"Ahhh ate neng may lugaw dito kumain ka na lang kung gusto mo" tawag ni moreng
"Ahh hindi na busog pa ako" sagot ko
"Masarap itong lugaw!" Si lola na ang nagsabi
"Bukas ko na lang po kakainin, masarap sa agahan!" I said
"Oh sigeh matutulog ka na ba?" Tanong ni lola
"Opo pagod po ako ngayon" sigaw ko
"Goodnight ate!" Sigaw ni moreng
Walang good sa night!.
"Egeh night din!" Sigaw ko
Pinatay ko na ang ilaw saka nahiga.
Bwiset!, bwiset!, bwiset!, bwiset. Subukan mo lang umuwi dito hahagisan talaga kita ng tsinelas!, nakuuuu anak ka talaga ng elle!!!!!!.
Dumaan ang lingong nasa kwarto lang ako. Lumalabas ako kapag kakain na at kapag may iuutos sa akin. Inayos ko din ang phone ko at dinelete ang number elle. Bahala sya sa buhay nya!.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...