Pagkatapos namin kumain sa kubo ay nagpasundo na kami kay empong. Dinaanan namin ang mga naiwan naming gawin saka hinatid pauwi si rose.
"Oh kamusta naman pagligo nyo?" Tanong ni empong
"Nakuuu nagsalbabida kami papuntang ilog rizal" sagot ni molly
"Mmm masaya ba neng?" Tanong ni empong
"Ahh oo masaya" sagot ko agad
Kanina ko pa kasi iniisip yung manuelle na yun. Kaninan ko pa rin hinuhulaan kung anong lahi sya. Malamang maganda yung lahi nya kasi gwapo sya. (Hindi po sya aso ha)
Gabi na ng makauwi sa bahay ni lola mareng. Nagkwentuhan muna kami saka kumain pagkatapos kumain ay nagligpit saka natulog.
"Ineng!!!!!!!!" Sigaw ni empong sa akin kaya napabangon ako ng di oras.
"Ano ba!!, inaantok pa ko ehh!" Higa kong muli
"Sasama kang mamamalengke samin ni lola para malibot mo ang binubo" masayang sabi ni empong
"Pero nilibot na ko ni molly" pagiinarte ko
"Ate magagandang view lang yun hindj ang buong binubo" sabat ni molly
Talagang gusto nilang ilibot ako sa buong binubo ahh. Bumangon na ako saka nagpalit. Naghighwaist short ako saka nagcrop top tapos tsinelas na adidas ulit.
Umalis na kami agad ng natapos akong nagbihis. Jeep ni empong ang ginamit namin papuntang palengke.
"Halika neng sumama ka sa pamamalengke ko para mapakilala kita sa mga kumare ko" masayang sabi ni lolA
"La bibili lang kami ni molly ng canned foods" sabi ni empong
Tinanguan sya ni lola saka umalis. Dumeretso kami ni lola sa palaisdaan. Hindi naman ako nandidiri pero nagaalala ako sa stinelas ko kasi bagong bili ko lang toh galing sa ipon ko.
"Mare 1kl bangus nga" bili ni lola mareng
"Ay maree!!, oh 70 na lang sayo yan tutal suki naman kita" masayang sabi nung tindera saka bumaling sa akin
Tinanguan ko naman sya staka nginitian.
"Ahh apo ko din, pinsan nina empong" sagot ni lola
"Gandang dalaga naman nyan kumare!, swerte mo talaga sa pamilya mo at napakagandang pamilya" puri ng tindera
"Nakuuu nasa lahi lang yan" pagmamalaki ni lola
"Masasayang nga lang ang ganda nyan kung dito sya titira. Pang maynila ang ganda nya mare" sabi ng tindera
"Nakuu mas maganda nga na dito sya ng may maganda naman akong nakikita sa paningin ko. Sigeh mauuna na kami" sagot ni lola
Sunod namang pinuntahan namin ay tindahan ng manok, karne at huli ang mga gulay at prutas. Panay ang pakilala ni lola sa akin at panay din ang puri nila sa akin. Pagkatapos bilin ni lola lahat ng kailangan nya ay ainundo na kami ni empong.
"La diretso tayo sa bukid may naiwan ao dun kahapon" sabi ni kuya
"Abay sige kakamustahin ko sila tiyo mo" masayang sabi ni lola
Nagdrive si empong papuntang bukid na pinagtratrabahuan nya.
"Neng gusto mo ba sumama?" Tanong ni lola
"Dito na lang po ako" sabi ko dahil maputik papunta sa sinasabi ni empong
Bumaba sina lola,empong at molly papuntang kubo sa gitna ng bukid. Sa tingin ko ay malayo iyon pero mabilis ko itong mapupuntahan kung may sasakyan ka.
"Saglit lang kami" sabi ni empong
"Molly maiwan ka na kaya para mabantayan mo si neneng" sabi ni empong
"Isama nyo na yan baka igala lang ako dito" natatawa kong sabi
Sinama na nila si molly saka ako iniwan. Nangnakalayo layo sila ay nilabas ko ang cp ko at nag open ng messenger pero walang cignal kaya bumaba ako ng sasakyan at naghanap ng cignal.
Pataas taas ako ng cp at naghahanap ng cignal ng may bumunggo sa akin
Bang! (Napaupo ako sa putik)
"Bwiset!" Bulong ko sa sarili ko
Tumayo akong magisa saka pinulot ang cp ko ng mag isa. Bumaling ako sa lalaking nakabunggo sa akin pero nakatitig lang sya sa akin. Tinitigan ko din sya saka ko tinuro yung mga putik na natamo ko dahil sa pagbagsak ko pero tinignan nya lang din yon.
Bwiset
"Mister bulag po ba kayo?" Taray kong sabi
Pero binigyan nya lang ako ng nagtatakang tingin. Bwiset talaga!. Tinanggal ko ang mga putik sa paa at braso ko gamit ang kamay ko saka pinunas Sa damit ko. Wala eh no choice
"Hoy!, nabunggo mo ko oh, hindi mo po ba ako tutulungan?" Galit ng tanong ko
Imbis na sagutin nya ako ay nagcross arm sya staka sumandal sa punong katabi at pinanood ako sa kung anong pinagagagagawa ko.
"Pucha bingi ka ba?,o di sige magsorry ka na lng!" Galit kong sabi
Walang ayang imik at busy lang kakanood sa akin
"Hoy kupal ka sabi ko magsorry ka sa kin!" Sigaw ko na
"I accept" sagot nya ng seryoso
"Anong accept?!, ikaw ang magsosory!" Sigaw ko
"Nakatayo lang ako dito at ikaw yung bimunggo sa akin so ikaw ang may karapatang magsorry" sagot nya ay tinanggal ang eyeglasses na suot nya kanina pa.
Sinasabi ko na nga ba't namumukaan ko ito eh. Sya ying lalaking natutulog kahapon sa ilog. Ano na nga ba yung name nya ma--, man-- ahhh manuelle. Bwiset pala ang manuelle na yan grrrr.
"Ano?, eh ako na nga tong nahulog sa putik, hindi pa tinulingan tapos ako pa mah sala?!" Galit ko na talagang sabi
"Pero--"
"Shhh" pinigil ko ang sasabihin nya saka huminga ng malalim at padabog na sumakay sa jeep.
Iniwan ko na sya baka kasi kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Napagtanto ko na medyo malayo pala ang nalakad ko makapaghanap lang ng cignal pero isang napakasamang ugali ang nahanap ko. KAINIS!!!!
Pagsakay ko sa jeep ay nagpunas punas ako at naginhale exhale sakti naman na nakarating na sila lola
"Oh anong nangyare sayo?, bakit parang nagputik ka?" Natatawang aabi ni empong
Irap lang ang binagay ko sa kanya dahul ayaw kong ipaalam sa kanila ang nangyari sa akin. Panigurado akong aasarin lang ako araw araw nj empong pagnalaman nya yon.
Umuwi na kami saka kumain
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...