chapter 25

324 6 0
                                    

"Alam mo ba nakauwi na si angel galing America"

"Talaga?"

"Nakooo excited na akong makita sya"

"Hayyy sa wakas malalAos na rin yang jella na yan pagdating ni angel"

"Ang sama mo"

"Inagaw kasi nya si elle satin"

Rinig kong bulungan nila pagkapasok ko ng school. Mga inggit lang kayo dahil ako may elle kayo wala.pumasok na ako sa classroom namin. Pero panay parin ang bulungan nila tungkol sa akin yung iba naman ay tungkol sa angel.

"Good morning misis ko" bati ni elle ng makaupo sa tabi ko

"Hoy hindi pa kita sinasagot kaya imposibleng maging misis mo pa ako" ngisi ko

Nginusuan nya ako

"Edi gagawin ko lahat maging misis lang kita" pagtatanggol nya

May nafeel naman akong kuryente sa katawan ko kaya hindi ko matitigan si elle sa mata.

"Bat dika makasagot kinikilig ka?" Pangaasar nya

Dumating ang ang 1st sub namin na inaasar nya ako hanggang magrecess kami. Nanibago ako dahil hindi ako sinundo ni ivan ngayon. Himala

Panay ang tili ng mga babaeng nadadaanan namin pero kapag tinitignan nila kung sino kasama nya agad ding bumubusangot

"Hi guys" bati ni lilo

"Hi"bati ni elle

Nginitian ko lang sila

"Hoy ano tong nababalitaan ko ha"panimula ni irish

Nakita kong kumuha si elle ng upuan at nilipit ito sa tabi ko. Palipat lipat ang tingin nilang lahat sa aming dalawa

"Seryoso ka elle?" Tanong ni irish

Kinindatan lang ni elle si irish

"Yuck kadiri ka talaga" sabi ni irish

"So sinagot mo na yang kumag na yan?" Tanong ni lilo sa akin at lumapit pa

Tinulak ni elle si lilo

"Hoy huwag mo ngang ipressure yung nililigawan ko mamaya sagutin ako nyan ih. Saka lumayo layo ka baka masapak kita"  sabi ni elle

"Ito talaga niligawan lang si jella yumabang na" ngisi ni lilo

"Mayabang na talaga yan kadiri pa" sabat ni irish saka sila nagtawanan

"Oh emerson san punta mo?" Tanong ni lilo ng makita namin si emerson na magisang naglalakad

"Ano bang ginagawa sa canteen?" Iritadong tano nya

"Isa pa tong mayabang, patulan mo nga irish" sigaw ni lilo

Nakita ko namang bumuntong hininga si irish at hindi makatingin si emerson sa kanya. Nagaway siguro.

"Ahhhhh kaya pala nagyayabang kasi nagaway" pangaasar ni lilo

"Nakuuu nagawayyyy" asar din ni elle saka nakipagapir kay lilo

Tinitigan ko ng masama si elle. Nakikisama sa away is bad.

Mukang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin dahil nanahimik ito at tumigil kakatawa

"Ayyy  may mag-aawayyyyyy" asar ni lilo saka humagulgol ng tawa

Ngumuso si elle saka dumukot sa kinakain ko. Nginitian ko sya kaya nangiti na din.

Pumasok na kami  saka  nagstart ang ilan pang mga subs

"By the way kamusta ang cheering squad natin?" Tanong ni mam

"Ok naman po mam may praktis po ulit namaya" sagot ni Claire

Bumaling si mam sakin

"Is ms. Trinidad doing great?" Tanong ni mam

"Ammm ok naman po nalaman po kasi namin na nagchecheering din sya sa u.p kaya hindi na namin bigigyan ng effort si jella because she's very talented" ngiting sagot nya

"That's good, how about our table tennis players, diba kayong dalawa yon?" Tanong ni mam sa amin

"Yes po mam" sabay naming sabi

"Yieeeeee" sigawan ng nga classmate namin

"Stop that ang I-ingay nyo!" bawal ni mam

"Kasali ka din sa soccer di ba?" Tanong ni mam sakin

"Opo"sagot ko

"Mukang mahihirapan ka ngaon sa sched mo ah" alala ni mam

"sanay na po ako actually mas marami pa po ang schedule ko sa manila kaysa dito" ngiti kong sabi

"Btw ang mananalo sa table tennis ay magkaklaraa and im sure ilalaban kayo sa manila kaya elle alam kong mananalo kana agad dito" sagot ni mam

"Sure po mam" sagot ni elle saka bumaling sa akin at kinindatan ako

"Yieeeee" nagsimula nanaman ng ingay ang nga kaklase ko

Hayyy totoo nga ang sabi ni irish nakakadiri sya

"Hayy nako you may take your lunch" sabi ni mam

"Kain tayo sa labas" ya ya ni elle

"Huh?, pero 40 mins lang ang lunch natin" sagot ko

"May kotse naman ako saka hindi naman traffic dito" pilit nya

"Pano sila irish" sabi ko

"Hayaan mo sila" sabi nya

Sumama ako sa kanya. Medyo malayo ang pinuntahan naming karinderya pero mukang masarap naman ang pagkain dito sa dami ng tao

"Mang elias!" Bati ni elle

"Oh lenard ikaw pala yan ijo oh anong sayo?" Tanong nung mang elias

"Dalawa hong sisig bahog, 30 pesos" sabi ni elle

Nagtaka si mang elias ngunit nawala din kalaunan ng makita ako

"Mukang gumagwapo na itong alaga  ko ahh" pangaasar ni mang elias

"Abay syempre naman po. Dadag points sa nililigawan"ngising sabi ni elle

"Oh eto maupo na kayo" bigay ni mangelias

Naupo nakami at nilapag sa akin ni elle ang isang platong puno ng kanin at may toppings na sisig saka sunod na binigay ang sabaw

"Bahog?" Tanong ko. Hindi pa kasi ako nakakakain sa any carinderia puro mcdo/jollibee or restaurants lang ang kinakainan namin

"Walang ganito sa inyo noh?, bahog ang tawag sa mga toppings na ulam tapos sa ilalim ang kanin minsan nga ay may pansit pa" explain nya sa akin

Kumain na kami at masarap nga ang pagkain dito kahit ang sabaw ay masarap din. Binilisan naming kumain dahil 5mins ang byahe tapos 40 mins lang ang lunch namin.

Medyo nahihiya akong kumain dahil panay ang lingon ng mga dumadaan sa amin ni elle yung iba pa nga ay nagugulat kapag nakikita nila kung sino ang kasama ko. Lumingon ako kay elle pero paraang wala syang napapansin dahil panay ang subo nya ng pagkain kaya hindi ko na rin sila pinansin.

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon