Matapos ang mahaba habang klase ay panay pa rin ang pang aasar ni elle minsan nga ay pinipilit na nya akong sagutin sya pero pinagbabantaan ko lang
"Ano sasagutin mo na ba ako?, napakilala na kita sa mga relatives ko bilang girlfriend kaya wala ka ng magagawa dun" paliwanang nya
"Eh kung hindi kaya kita sagutin dyan" banta ko
"Ok you may go home" sabi ng guro
Nagempake na ako ng gamit ko habang sya ay nakangusong pinapanood ako
"Jella wala ka bang training ngayon, kailangan na kasi magpraktis next week na ang laro" sabi ni claire
"Ganun ba sigeh magbibihis lang ako" sagot ko
"Ok mauuna na ako sayo" ngiting sabi ni claire
"Magchecheering ka talaga?" Tanong ni elle
Nandito pa pala sya
"Oo"
"Diba ihahagis hagis yon tapos itataas taas yung paa?"
"Oo"
"Huwag ka ng sumali baka mabalian ka lang o kaya hindi ka nila saluhin saka baka manyakan ka lang nila ganda ganda pa naman ng hita mo" nguso nyang sabi
"Kailangan kong sumali dahil isa ako sa magiging leader nila isa pa ay sanay na akong hinahagis dahil ginagawa ko na yon nung nasa U.P pa ako and ikaw lang ang nangmamanyak" ngisi kong sabi
"Hoy hindi ako manyak!"
"Sussss eh pano mo nalaman na maganda yung legs ko?" Tanong ko
"Syempre akin yan ih staka ako lang dapat nakakakita nyan!" Pilit nya
"Hoy sino ka ba?" Hamon ko
"Mapapangasawa mo" sagot nya
Anebenemen
"Tumigil ka nga" sabi ko saka nilayasan sya
"Maglalaro lang kami nila lilo ng basketball. Ako maghahatid sayo pauwi" pahabol nyang sabi
"And a 1 and a 2 and a 3 and pak pak and itsya!" Sigaw ng Trainor
Ang sayaw namin ay pangbasic lang hindi katulad ng dati sa amin sa U.P na pammalakasan
"Ahhh jella meron ka bang alam pang steps?" Tanong ng bakla naming trainor
Tinuro ko sa kanya ang iba't ibang steps na tinuro sa amin noon ng nasa U.P pa ako hindi ko tinuro sa kanya ang mahihirap dahik hindi naman ganun kagagaling ang nfa kasama ko ngayon
"Ahhhh grave ang gaganda ng steps na naisip mo. Galing ba yan sa U.P?"
"Amm opo hindi po kasi namin mga sinayaw yan noon dahil puro magagabda at panghigh class lang ang pinipili nila. Ginagamit namin ang steps na yan kapag lalaban lang kami sa school pero hindi pang international" sagot ko
Napanganga naman ang trainor
"Ga-ganon ba sigeh, GO BACK TO YOUR POSITION!"
"Magpalit ka nga ng damit mo baka ubuhin ka pa pagnatuyo yang pawis mo" bigay ni elle ng shirt
Halos 2hrs ang praktis namin sa cheering at inabot pa kami ng gabi mamaster lang ang tinuro ko kung nasa U.P lang ako 10 mins master na agad nila ang step pero dito aabutin ka pa ng 3 oras.
"Hindi na uuwi na rin naman ako sa bahay" tanggi ko
"Kunin mo na" pilit nya
"Uuwi na nga sabi ako eh" pilit ko din
Bumusangot sya
"Kukunin mo o bibihisan kita?" tanong nya
umaatras ako.
"Pili ka" ngisi nya
Hinablot ko na agad ang damit saka nagmadaling maglakad papuntang cr. Shemay sobra ang kaba ko nun ahhh. Hayyyy iba talaga epekto sa babae tsk tsk tsk.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng cr. Natanaw ko naman syang naghihintay sa tabi ng puno kung saan may lilim nilingon ko ang paligid at puro babae ang nakatingin sa kanya. Hmm chickboy!
"Tara na!" Sabi ko ng makalapit ako
Kinuha nya ang gamit ko saka inakbayan
"Ayaw mo bang bihisan kita?" Ngising tanong nya.
Tinulak ko
"Manyak!" Sigaw ko
"May gagawin ka ba sa saturday?" Tanong nya habang nagdi-drive
"Hmmm baka may training ulit kami ni irish" sagot ko
"Wala yan!" Sabi nya
"Bakit ikaw ba si coach?" Tanong ko
"Tiwala ka lang, Wala yan" ngising sagot nya
May pinaplano siguro toh. May makamandag na ngisi ehh
"Hoy bat pala hindi mo nirereplyan mga text ko!" Sigaw nya
Text?, ahh baka yun yung unknown number na palaging nagtetext
"Anong text?, nih hindi mo pa nga nakukuha number ko tapos rereplyan kita?" Tanong ko
Ngumuso sya
"Bakit?, number mo ba yung unknown?" Ngisi ko
Dahil palagi na lang may nagtetext sakin pinababayaan ko lang
"Nevermind" nguso nya
"Bukas training tayo ha. Next week na yung laban" sabi nya
"Ok"
Mukang mahihirapan ako ngayung week ahhh.
"Mukang panay ang hatid sayo ni manuelle ahh" pangaasar ni empong
"Dapat lang" ngisi ko
"Nakuuu sinagot mo na ba?" Ngiting tanong ni lola
"Mmm malapit na la" ngiti ko din
"Yieeeee" silang lahat
Matapos kaming kumain ay nagsihiga na kami. Tinawagan ko ang nga friends ko at tamang tama ang panahon Dahil malakas ang cignal ng nga oras natoh.
" frennnnnnn!!" Tili ni erick
"Ghorlllll!!!!" Tili ko din
"Ano musta na dyan?" Tanong ni shane
"Ganun pa rin hectic ang sched parang life in manila ang pinagkaiba lang jan may demonyo dito may gwapo" sabi ko
"Ayyyyyy gwapo?, the who?" Maarteng sabi ni erick
"Edi yung manliligaw nya" sabat ni shane
"Ano na nga ba ulit name nun?, snail ba?, basta malapit sa snail" sabat ni mayi
"Gaga elle yung name nya. E.L.L.E, elle" sabi ko
"Ay boba wag ka na ngang sumabat!, soooo kayo na ba ni baby boy?" Tanong ni erick
"Hmmm hindi pa. Nasa getting to know each other pa lang label namin" kinikilig kong sabi
Buhat kasi nung unang beses nya akong hinatid at unang beses kaming nagbonfing ay unti unti na akong nahulog sa kanya isa pa ay gwapo at may dating ang muka nya kaya kahit unang kita mo pa lang sa kanya mafafall ka talaga.
"Oy latuh na lang ghorl pahakyat na si tetah!"maarteng Sabi ni erick at naputol na ang vc
Hayyy nakakamiss din talaga ang mga sleep over namin lalo na mga kagaguhang ginagawa namin. I miss them😟
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...