chapter 29

304 5 0
                                    

"Ang bagal mo naman" sigaw ni elle

"Kung sinabi mo kasing aakyat tayo ng bundok edi sana napaghandaan ko!" Sigawko din

Sinundo nya ako bandang 3pm ng hapon. Pambahay lang ang suot ko dahil wala naman syang sinabing engrade ang pupuntahan kaya mema kuha na lang sa cabinet ko plus badtrip pa ako dahil hindi pa rin ako kinakausap ni empong buhat nung umalis kami

"Meron bang surprise na sinasabi?" Makabuluhang tanong nya

Inirapan ko

"Meron bang manliligaw na iniiwan lang kung saan saan yung nililigawan?" Makabuluhang tanong ko din

Sinimangutan nya ako saka sya lumapit sa akin at binuhat ako.

"HOY!, Ibaba mo nga ako!" Sabi ko

Nginisian nya lang ako

"Sabi ng-----"

"Shhh ang ingay mo" pigil nya sa akin

Nagpatuloy na kami sa pagakyat. Ang kanang kamay nya ay buhat buhat ako at ang isa namang hawak nya ay gulok para sa mga sangang nakaharang sa dadaanan namin.

Ilang lakad ang ginawa nya ng hindi ko nakikita ang pagod sa kanyang muka. Immortal ba to?

"Wag ka ngang malikot humawak ka lang sa balikat ko" pagsusungit nya

"Para ka talagang babae" niliitan ko sya ng mata saka yumakap sa kanyang balikat.

Ilang sandali lang ay nakaakyat agad kami sa tuktok. Bumungad sa amin ang nakakamatay na view. Sobrang ganda at kitang kita mo ang buong binubo lalo na ang makaagaw pansin na ilog. Sa tingin ko iyon ang ilog ng Llanera papuntang rizal. Sobrang refreshing din ng hangin at sobrang ganda ng view

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ni elle

Hindi ko sya mabalingan dahil agaw pansin talaga ang view. Naglakad ako papalapit sa peak at nakita ko ang maraming hikers din katulad namin. Medyo nahiya naman ako dahil sila mukang mga naghi-hiking ako mukang maggagala.

"Magaayos lang ako ng tent natin wag kang lalayo ha" sabi ni

Tumango ako at bumaling muli sa mga tao, sa tingin ko mga magjo-jowa tong mga toh, panay ang tawanan nila by pairs eh. 6 sila at pag kasama pa kami ay 8 na kaming nandito sa peak.

"Hi, come!" Bati ng babae

Ngumiti ako at sinamahan sila.

"Im ailene" bati ng tumawag sakin

"Hi, jella" sabi ko

"You look new here" sabat ng lalaking katabi nya

"Ahh yeah" sabi ko

"By the this is my boyfriend rod and thats my friend. Nandito kami for some relaxing weekend" sabi nya

"Your right, its really relaxing" sabi ko

"Hey boyfriend mo ba yun?" Sulpot ng kaibigan nya

"No, not yet" bulong ko

"Oww really, alam mo ba na dito ko sinagot yung boyfriend ko and im really sure pagnakita mo na ang sunset sasagutin mo na sya at magpapasalamat ka dahil nakilala mo sya" sabi nya

"Hahaha that's your story kylie wag mong ibigay sa kanya, may buhay sya you know?" Iling ni ailene

Sinamaan lang sya ng tingin

"Guys lets go na its 5:47, baka hindi pa natin maabutan ang sunset" sabi ni ailene

"Sama kayo?" Tanong nung kylie

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon