chapter 10

373 7 0
                                    

"Oh ate ang bilis mo naman po, wala na po kayong exam?" Tanong ni rose

"Ha?, hindi tapos ko na" nakangiti kong sabi

"Huh?!, ang bilis nyo naman po" gulat na sabi nya

"Hahaha easy na lang kasi sakin yan, nasan na ba si moreng?" Tanong ko

"Pinuntahan po yung jowa nya" sagot ni rose

"Ha?, may jowa na yun?" Tanong ko

"Opo ate sikat po kasi yang ai molly saka si kuya empong kaya maraming humahanga sa kanila" sagot nya

"Hahaha ang galing naman. Pano sila naging sikat?" Natatawa kong tanong

"Si kuya empong po ay maganda ang katawan at gwapo higit sa lahat ay gentle man kaya kinagigiliwan ng mga babae, si moreng naman ay sporty kaya peymus" nagmamalaking sagot ni rose

Totoo namang gwapo at macho si empong dahil dating coach ko sya sa badminton si moreng naman ay maganda at nasa pamilya naman namin ang pagiging sporty

"Ahhh hahaha akalain mo yun naging sikat pa yung magkapatid" sabi ko

"Oh tamang tama tapos na pala si ate jella, arat na!" Sulpot ni moreng

"Para!" Sigaw nilang dalawa ni rose

Sumakay na kami nasa loob kami ni moreng at nasa labas naman si rose

"Sa ilog ng Llanera po" sabi ni moreng

Habang papunta kami sa ilog ay nadadaanan namin ang magagandang breathetaking view. Napakaganda ng binubo, tahimik at sakto ang panahon. Nasisiguro kong full of piece ang binubo dahil napakaganda ng umpisa ko dito, sana maganda din hanggang huli.

"Iyan ang bundok 123" sabi ni moreng

"Madaming bundok saan jan?" Tanong ko

"Iyong pinakamalaki, ang susunod naman ay 456, ang susunod naman sa malaki ay mt.789" sagot nya

Hahaha corny. Wala na ba silang maisip at numero ang ipinangalan nila pero ang ganda ng mga bundok dito. Nakakamangha

"Iyan ang sikat na bundok dito" sabi nya

"Marami pa bang bundok dito?" Tanong ko

"Oo pero hindi sila kilala" sabi nya

Pagkatapos ng mga bundok ay may nakita akong DE VERA, halos sinakop ng pangalan na iyon ang isang gate papuntang ilog.

"Iyan ang pagaari ng mga de vera kilalang kilala sila dito dahil napakadami nilang pagaari sa binubo" sabi ni moreng

Tinitigan ko ang gate na iyon. Haggang sa nakalampas na kami at natanaw ko ang napakagandang ilog.

"Iuan ang ilog ng Llanera, umaabot yan hanggang rizal kaya iniingatan iyan ng buong lungsod ng binubo" paliwanang ni moreng

"Ang Llanera ba at rizal ay parte ng binubo" tanong ko

"Oo" sagot nya

Bumaba na kami saka nagbayad sa driver

"Bago?" Tanong ng driver

"Opo pinsan ko" sagot ni moreng

"Tss magaganda't gwapo talaga ang angkan ninyo" nakangiting sabi ng driver

"Salamat kuya' sabi ni moreng

Napatitig ako sa ilog dahil sa napakaganda at maaliwalas nitong tubig, malinis at walang kalat ang makikita mo dito.

"Arat na!!!!" Sabi ni moreng saka ako hinila

Nagpahila naman ako kay moreng. Huminto sila sa tapat ng ilog saka tumalon

"Halika na ate!, marunong ka naman sigurong lumangoy" sabi ni moreng

Ayon sa akin mukang malalim ang ilog dahil lumulutan si moreng.

"Wala akong dalang damit!" Sigaw ko

"Kami din naman" sigaw sa akin ni rose

hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinubad ko ang jacket at tsinas ko at iniwan sa stinelas nila moreng, tumalon na ako agad. Naka sando bra lang ako at ripped short na lumalangoy sa ilog.

"Alam mo ate napakasexy mo talaga kaya tignan mo yung mga lalaki sa taas oh nakatitig sayo!" Nagiinarteng sabi ni moreng

"Tara kumuha ng salbabida at pumuntang rizal!" Yaya ni rose

"Sigeh!" Sagot naman ni moreng

Umahon kami at nagrenta ng salbabida. Nahihiya ako sa soot ko dahil parang pinagnanasahan ako ng mga taong nakatitig sa akin. Nakakainis na ha.

"Ate hawakan mo lang ang salbabida ko para hindi tayo maghiwalay" sabi ni moreng

Sumakay na kami ng salbabida at kumapit sa salbabida ni moreng. Sumabay kami sa agos ng tubig. Jabang umaagos kami ay nakikita mo ang iba't ibang tanawin dito. Meron bulubundukin, kalsada at marami pang iba.

Tumagal pa ang pagagos ng tubig at nasa view lang ang paningin ko hanggang makarating kami sa maraming kabataan na nagsililiguan.

Bumaba sila moreng ng salbabida kaya bumaba din ako. Umahon kami at nagpunta sa isang kubo sa tingin ko ito ay cottage.

"Witwiw" pito ng mga kabataang naliligo sa ilog.

"Molly!" Sigaw ng babaeng kasama ng mga kabataan

"Oh arish naliligo din pala kayo!" Sigaw ni moreng saka lumapit sa kanila.

Sumunod kami ni rose sa kanya. Nakita ko ang mga kabataan na nakatitig sa akin. May isang lalaki akong nakita na pamilyar sa akin. 4 silang lalaki at 2 babae.

"Sino yang kasama mo?" Tanong yung irish

"Ahh pinsan ko si ate jellA, ate si Irish classmate ko saka mga kaibigan nya yung kasama nya" pakilala ni moreng

"Hello" bati ko

"Bago?" Tanong nya kay moreng

"Oo galing maynila" sagot ni moreng

"Hi miss, lilo nga pala" pakilala nung katabi ng irish

"Hi byutipul" pakilala nung lalaking kakaahon lang sa ilog

"Hi we meet again" naalala ko na sya yung ivan

Nginitian ko silang lahat. Bumaling ako sa isang lalaki na nagsusunbating ata dahil natutulog sa isang tabi

"Tss wag mo syang pansinin sya si manuelle" pakilala ni irish

"Yung babae namang umaaligid sa kanya ay si kc" pakilala muli nya

"Mmm" sabi ko

"Mauuna na kami" sabi ni moreng

"Sigeh see you sa pasukan" sabi nung irish.

Umalis na kami at tumambay sa kubo. Hindi maalis ng paninhin ko ang lalaking natutulog. Gwapo sya at may abs isa pa ay muka syang may lahi. Parang mixed blood ganun.

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon