chapter 27

296 4 2
                                    

Naging hectic ang week na ito dahil sa mga training ko. Minsan pagkatapos ng cheering namin susunod naman ang training namin sa table tennis, isang beses nya lang ako pinapalaro saka kami kakain Minsan nga ay hindi nya na ako pinagtratraining dahil sa sobrang dami kong ginagawa

"Wala kayong training sa soccer bukas  diba?" Tanong ni elle

"Meron pero ako wala kasi training ang mga ginagawa ko this week" nakanguso kong sabi

"That's good" ngiti nya

May something sa ngiti nya ngayon parang ngiting may binabalak

"Bakit?" Tanong ko

"Kasi may pupuntahan tayo bukas" ngiting asong sabi nya

Binatukan ko

"Aray!" Angal nya habang hinihimas ang binatok ko

"Sinasabi ko na nga ba't may balak ka ihh. Ikaw nagsabi kay irish na hindi ako pagtrainingin bukas noh?" Tanong ko

"Hoy!, walang sinabi si irish diba edi hindi! "

Kinurot ko

"Ahhh oo , oo , oo na nga pinakiusapan ko sya para maso-solo kita bukas" inda nya ng sakit

"Sinosolo mo na nga ako kapag may training tayo ng table tennis eh!"

"Hoy!, hindi kaya,  laging sumusulpot si tita tapos yung mga maid. Minsan nga nakikitulog at kain ka pa!" Angal nya

"Teka nga, nagrereklamo ka ba?"

Ngumuso

"Mahal kita" ngiting sabi nya saka hininto ang sasakyan

"In your dreams" sabi ko saka bumaba sa sasakyan

Nakita ko naman na bumusangot sya hahaha muka talaga syang babae kaya napagkakamalang beshy eh. Tsk tsk tsk

Nagflying kiss ako sa kanya ng nakaalis na

"Ate neng!" Sigaw ni moreng mula sa loob ng bahay

Lumingon ako sa kanya at nakita ko sa loob ng gate ang isang pamilyar na kotse. Pumasok agad ako sa loob ng bahay para makumpirma kung sakanya talaga ang kotseng nasa garahe

"Anak!" Ngiting bati ni papa

Nginitian ko lang sya. Ayaw kong ipaalam kila lola na may hindi kami pagiintindihan ni papa

"Kamusta?" Yakap ni papa sakin

"Ok lang po" pekeng ngiting sabi ko

Mukang napansin ni lola mareng na iba ang asta ko kay papa pati na rin si kuya empong

"Ahhh kumain ka muna hulyo" sabi ni lola

"Mmm o sige ho mukang masarap ho ang niluto ninyo, tara anak namiss kitang kasama kumain" masayang sabi ni papa

"Tapos na po akong kumain papa" sagot ko

"Ha?, ang aga mo namang kumain" nagtatakang tanong ni papa

"Masarap po kasi ang pagkain dito sa binubo" matamlay na sagot ko

"Ahhh ehh hulyo nakahanda na ang pagkain kumain na tayo" sabat ni lola

Hayyy buti na lang talaga mga tao dito nakikisama at hindi pa manhid sarap kasama.

Hinila ako ni empong palabas.

"Nagaway ba kayo ng papa mo?" Tanong ni empong

"Wala kana dun" matamlay kong sabi

"Hoy bawal sa bahay ang bastos!" Giit bi empong

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon