Wednesday na ngayon pero wala pa rin si elle. Dinalaw ko si empong kanina sa kwarto nya at sa tingin ko medyo ok na sya. Hinatod kami ng jkwa ni moreng papuntang school. Mukang nakalimutan na atang itext ako ni elle. Nakakapanibago naman sya. Nilagay ko na lang sa bag ko ang cp ko saka walang ganang pumuntang classroom.
"Goodmorning class" panimula ng una naming guro
"Amm sorry mam im late" biglang sulpot ni elle
Napaayos naman ako ng upo ng makita sya. Ay hindi hayaan mo sya diba nagtatampo ako?, 2 days syang wala tapos ang explain lang nya family business. Hmmm. Pinanood ko lang syang maupo saka ko nilipat ang paningin kay mam.
"Ok may sasabihin lang ako sa inyong announcement" sabi ni mam
"Hi" bulong nya
Hindi ko sya pinansin. Che!
"About oir intrums, may mga biggest visitors tayong dadating kaya kailangan talaga nating paghandaan" pagpapatuloy ni mam
"Hala sino kaya yon?"
"Yieee nakakaexcite naman"
"Sana pogi"
Angal ng mga classmates ko
"Manahimik nga kayo, i just wanna say that ang natitirang 3 days ay gagawin naming pagsasama sama which means na ang 3 days natin ay free time pero magtutulong tulong,mageensayo at maglilinis para sa intrums natin maliwanag ba?" Tanong ni mam
"Galit ka?" Biglang tanong ni elle
"Yes" sabay sabay naming sabi
"Ay no" pahina ng pahina kong sabi. Bat kasi sumabay si elle sa tanong ni mam hayyyyyyy
"Hmmm, i miss you" bulong nya
Che!
"And to our players and our cheerers goodluck to you all galingan nyo, so lets go to our new topic for today" sabi ni mam
"Wala bang i miss you too?" Tanong ni elle
Heto nanaman po sya, nagsisimula na mangasar at manginis. Kung pwede lang talagang lumipat ginawa ko na. Dumaan pa ang ilang subs namin na nangiinis pa rin si elle, ewan ko hobby na ata nya yun.
"Ok you may take your recess" sabi ni mam
Tumayo na ako saka pumuntang canteen
"Hindi mo ba ako hihintayin?" Habol na tanong ni elle
Bala ka jan!
"Oyyy jella" tawag ni emerson
Lumapit ako sa kanila
"Wala pa rin si elle?" Tanong ni lilo
Tumingin ako sa likod ko pero wala sya. Hindi ba nya ako sinundan?
"Nakuu hayaan mo na yung bakla na yun, maupo ka na jan at may paguusapan tayo" sabi ni irish
Wala nanaman sya?, palagi na lang syang wala. Wait, napakadrama ko naman hayyy nako whats happening to me?. Ganito siguro feel ng mga magjowa madadrama.
"So yung soccer natin gaganapin na after ng intrums kaya more practice ang gagawin natin" sabi ni irish
Tumango ako sinisilip pa rin yung hall kung dadating si elle. Bat ko pa kasi sya iniwan hayyyyy.
"Kamusta pala si empong?" Tanong ni irish
"Ok naman" sabi ko
"Alam mo si empong kasi the best player dito kaso nga lang nung umalis yung isa ni lang kasama hindi na sila naglaro pa. Sabi nga nila 1 for all, all for 1" kwento ni emerson
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...