chapter 45

284 2 0
                                    

Dumaan ang mga araw na hindi kami nagkikita ni elle sa sobrang busy nya kulang na lang magtrabaho na lang sya kaysa magaral pero para naman sa future nya to kaya iniintindi ko sya kahit ilang araw na kaming hindi nag kikita.

Hanggang sa natapos ang 1 week na nasa manila sya at ako naman ay nagaaral. Naalala ko na ngayung week gaganapin ang ball. Nasa drawer ko pa rin ang invitation at gabi gabi ko itong tinitignan dahil sa araw na yun kami magkikita.

*Tooot toooot*

Unknown:

              May pinadala ako jan na isusuot mo para sa wednesday. Btw nakauwi ka na ba?, sinong naghatid sayo?. Im sorry napakabusy talaga ngayung week. Love you.

Panay calls and text lang ang ginagawa namin ni elle kung minsan nga text lang dahil sa sobrang busy nya pero lagi kong inaalala na para sa future namin yon.

To elle:
 

      Yes po nakauwi na ako. Hindi ko pa natatanggap yung pinadala mo pero siguro maya maya andito na rin yon. Ok lang love para sa future natin yang ginagawa mo diba?, btw don't skeep meals ok?

Send.

"Ate jella may naghahanap sayo!" Sigaw ni moreng

Bumangon na ako saka lumabas.

"Kayo po ba si ms. Jenella trinidad?" Tanong nung lalaki

"Opo" sabi ko

Binigay nya sa akin ang isang magarang kahon.

"Paki pirmahan na lang po mam, galing po kay sir manuelle" sabi nung lalaki

"Ahhh ok" sabi ko saka binalik ang ballpen at papel. Pagkatapos ay umalis

"Wow ate ano yan?" Tanong ni moreng

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang red gown. Ang ganda.

"Oy ate may sulat oh" bigay ni moreng
      

Kinuha ko iyon.

My dearest love ako pumili nyan kaya alam kong magugustuhan ko. Im so excited to see you on red dress

                            -love elle

Napangiti ako dahil sa ksweetan nya.

"Nakuu kasalan na ba ate jella?" Tanong ni moreng

"Hoy anong kasal magtigil nga kayo. Para saan yan?" Sabat ni empong

"May gaganapin na ball sa wednesday at invited ako" ngiti kong sabi

"Nakuuu ngayon ko lang makikita si neneng na maggown" ngisi ni lola

"Sigurado ako la muka yang prinsesa, syempre mana satin" yabang ni empong

Pinasok ko na sa kwarto ang gown. Saka nilabas iyon sa kahon. It's beautiful Gauze shoulder long simple gown at sakto ang kalakihan nya. Hindi ko tuloy maramdaman ang excitement. Monday pa lang excited na ako dahil gustong guto ko na sya makita.

Lumipas ang 2 araw wednesday na!!!!!. Nagtext sa akin si elle kagabi na susunduin daw ako ng driver nila ng mga 5pm dahil gaganapin daw ang ball ng mga 8pm. Dalawang beses akong naligo ngayung araw.

"Oh ayan tapos na" sabi ni moreng

Si moreng ang makeup artist ko dahil hindi ako marunong magmake ng pangbonggahan. Natuto daw kasi si koreng sa mga kaibigan nya magnake up kaya ayun magaling na sa pagkolorete.

"Eto ate jella ang gawin mong lipstick" bugay ni koreng sa maroon na lipstick

"Ayoko yan magmumuka akong contrabida, yun na lang!" Turo ko sa lipgloss nya

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon