Hindi na ako ginising pa ni empong dahil nasanay na akong maagang nagigising
"Oh himala ata itong neneng na toh mukang maagang nagising" pangaasar ni lola
Naalala ko na hindi nga pala ako nakatulog hayyyy.
"Syempre naman la, rinding rindi na po kasi ako sa boses nyang si empong" pangaasar ko
"Abaaa ayaw mo na ngayon ang boses ko ha" sabi nya habang hinahabol ako
Nagpaikot ikot kami sa lamesa habang nagsisisihan
"Ang ingay nyo naman" sabat ni molly na bagong bihis lang
"Abaaa halika nga dito" sugod ni empong kay molly
Napatakbo din ng di oras si molly. Ganito kasaya kila lola hindi katulad dun sa maynila umaga pa lang bubungangaan ka na
"Hay nako tumigil na nga kayo at kumain na tayo" hinihingal na sabi ni lola dahil sa pagtawa
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na kami ni empong. Medyo goodmood ako ngayon ahhh sana hanggang mamaya goodmood ako
"Masaya ka ata ngayon ah" pangaasar ni manuelle
Nasa 1st sub kami at nakikinig ako ng kausapin nya ako
"Ang hiiiiilig mo talaga mangeelam" iiling iling ko bang sabi
"Ms. Trinidad" tawag ni mam
Napalakas ata ang sinabi ko. Bumaling ako kay manuelle na ngayon ay tawang tawa sa nangyayari
"Dahil maganda ka at matangkad ay gusto ka nila isali sa cheering squad and about naman sa table tennis mo ay makakasama mo si manuelle" sabi ni mam
Si manuelle?, the heck?. Hayyyyy napakamalas ko naman. Bumaling ulit ako sa kanya at nakita kong nakangisi sya
Anak ng!
"Mamaya lang ay sasamahan ka ni claire makapuntang cheering, ngayon lang ulit kasi kami nakaencounter ng napakagandang babae" nagmamalaking sabi ni mam
Nginitian ko na lang si mam. Lumipas pa ang ilang sub namin na panay ang pangiinis sakin ni manuelle at natigil lang ng sunduin ako ni ivan upang magrecess
"Kamusta araw mo jella?" Masayang sabi ni ivan
"Ok naman" sagot ni manuelle
Bumaling lang kaming dalawa sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay sa sobrang kasutilan
"Ako kasi sobrang hirap. Mahirap pala ang math. Di kaya ng utak ko" sabi ni ivan
"Di ka tinatanong" sabat ni manuelle
Binigyan ko sya ng nagbabantang tingin dahil nangiinis nanaman ang kumag
"Hindi naman, madali lang ang math kapag pinagaaralan staka wala namang madali sa buhay" sabi ko
"Meron kaya" Sabat nanaman ni manuelle
"Hoy elle ako ang kausap nya hindi ikaw" naiiritang sabi ni ivan
"Oh ivan nanjan ka pala" kamusta ni manuelle saka bumaling kina irish ng makarating sa canteen
Binigyan lang namin sya ng walang pakeelam na muka. Sira ang ulo eh.
_ _
_ (muka namin ni ivan)"Hoy may player na ba kayo sa soccer?" Bungad ni irish pagkadating namin
"Mmm samin meron ng isa" sagot ni ivan
"Sainyo elle?" Tanong nya
"Wala na si empong kaya wala na tayong biggest player" sagot ni manuelle saka bumaling sa akin
Bumaling din ang mga kasama namin dahil sa pagtitig ni manuelle sa akin. Hayyyy sira ulo talaga!!!!!
"B-bakit?" Tanong ko
"Diba pinsan mo si empong?" Sabat ni emerson
"Oo" naguguluhan kong sabi
"Tama!!!!" Sigaw ni irish
"Mahal wag kang magscandalo" bulong ni emerson kau irish
"Ikaw ang bubuhay ulit sa school natin" matapang na sabi ni irish
"Bat namatay ba tong school?" Sabat ni elle
Tinitigan lang namin sya.
"Bakit?" Tanong nya
Hayyy nakainom kaya toh ng gamot?
"Bro ok ka lang ba?" Tanong ni emerson kay elle saka bumaling sa akin
"Simula kasi ng mawala si empong at umalis si molly sa soccer ay humina ang school natin" sabi ni emerson
"Soccer kasi ang ipinagmamalaki ng binubo kaya soccer ang biggest play of all time" pagmamalaki ni lilo
"Bakit si molly?" Tanong ko
"Mas gusto na kasi nya ang volleyball kaya sa tingin ko volleyball ang kukunin nyang sports" sabi ni irish
"So naglalaro ka ba ng soccer?" Tanong ni ivan
"Dati tinuruan ako ni empong pero matagal na yun" sabi ko
Nanghinayang naman ang mga muka nila
"Pero naglalaro din ako ng soccer sa u.p kapag kulang sila ng player" duktong ko
"Sa u.p may larong soccer?" Tanong ni lilo
"Mmm tuwing foundation nga lang hindi kasi uso sa maynila ang soccer saka hindi kami magagaling sa soccer kaya hindi ginagawang claraa" sabi ko
"Tama!!!!!" Sigaw ni irish
"Ano ba yan mahal nakakabingi ka"sabi ni emerson
"Tumabi ka nga, completo na ang grupo natin sawakas. Jella sabado bukas punta ka sa bahay namin magtratraining tayo ng soccer!" Masayang sabi ni irish
"Ang swerte naman ng pamilya nyo. Sporty na nga magaganda pa" sabat ni ivan
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na muli kami. Panay ulit ang asar ni manuelle sa akin kahit maglunch or recess.
"Ok pwede na kayong umuwi" paalam ng guro
Nagsialisan na ang iba kong mga kaklase para sa paghahanda ng training nila habang ako ay chill lang sa pagliligpit ng gamit
"Hatid ulit kita" biglang sulpot ni manielle sa gilid ko
"No thanks" agad kong sabi
"Choosy pa ihahatid na nga" pagpipilit nya
"Sabi nang ay-----"
"Jella tara na pumunta sa cheering squad baka hinihintay na nila tayo" sabi ni claire
Oo nga pala nasali ako ng cheering squad
Bumaling ako kay manuelle na nakahalukipkip na ngayon. Diinilaan ko sya. Bala sya sa life nya kanina pa nya Ko inaasar.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...