chapter 15

321 5 0
                                    

Nagaantay ako sa labas ng school dahil wala pa si empong, si molly naman ay nagagala.

"Hmmm table tennis?" Bigalang sulpot ni manuelle

"At least hindi muse" ngisi ko

"Hmmmm" sagot nyA

"Ano bang problema mo ha!" Tanong ko

"Anong problema mo ?" Taning din nya

"Ako unang nagtanong kaya sagutin mo" panghahamon ko

"Ako naman pangalawa kaya sagutin mo din" sagot nya

Hayyyy pilosopo talaga tong manuelle na toh nakakainis!!!. Inirapan ko lang sya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Naiirita kong tanong

"Kung anong ginagawa mo" sagot nya

"May sundo ka?" Natatawa kong tanong

Tinitigan nya ako ng seryoso saka ngumisi

"Oo katulad mo nagaantay ng sundo" sagot nya saka ngumisi

tootot!! (Tinog ng cp ko)

Kinuha ko ang phone ko saka inopen ang message

Empong

Neng hindi kita masusundo ngayon mamaya pa ako makakauwi. Hayaan ml na si moreng sa barkada nya ihahatid sya ng mga nun ikaw lang iniintindi ko. Umuwi ka na ha

Bumuntong hininga ako

Ok  
   
  -me

"Hindi ka na susunduin?" Tanong nya

"Ano bang pake mo!" Naiirita kong tanong saka sya iniwan

Wala akong makitang masasakyan dahil palubog na ang araw at no choice ako kung hindi maglakad papunta sa kabilang sakayan. Dalawang kanto pa muna bago ko marating iyon.

"San ka pupunta" tanong nya saka ako sinabayan sa paglalakad

"Wag mo nga ako sundan!" Sabi ko

"San ka nga kasi pupunta?" Pumilit nya

"None of your business kaya iwan mo na ako" pagtataray ko

"Ok" sagot nya at sinabayan ako

Huminto ako at tinitigan sya. Huminto din sya at tinitigan nya ako.

Beep!! Beep!!! Busina ng motorsiklo

Napatingin ako sa motorsiklong papunta na sa akin

Boggg!!!

Nasubsob ako kay manuelle dahil sa lakas ng hila nya. Nagpagulong gulong kami hanggang makapunta kami sa gilid ng kalsada.

"Ok ka lang?" Nagaalala nyang tanong ng nakahinto na kami sa gilid ng kalsada

Natauhan naman ako ng nilagay nya ang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga ko

"Oo" sagot ko saka tumayo at nagpagpag

"Sa susunod kasi wag kang hihinto sa gitna ng kalsada" bilin nya

"Bat mo kasi ako sinusundan" sagot ko

"San ka ba kasi pupunta? " tanong nya

Napansin ko naman na may dugo sa siko nya mukang nagasgasan dahil sa pagbagsak namin. Sya kasi ang unang bumagsak maligtas lang ako

"May sugat ka" sabi ko

Tinignan naman nya yung siko nya saka bumaling sa akin

"Wag mo tong alalahanin, alalahanin mo ang sarili mo" seryoso nyang sabi

"O-ok naman ako" sagot ko

"Eh bat namumula yang ilong mo?" Tanong nya

"Eh pano bumagsak ako sayo tapos tumama yung ilong ko kaya mamumula talaga toh" sisi ko sa kanya

"Sinalo kita" ngisi nya

Sira ulo talaga. Bumabanat pa!. Bumaling muli ako sa sugat nya.

"Tara na" pagtataray ko

Binigyan naman nya ako ng nagtatanong na muka

"Sa bahay gagamutin ko yang sugat mo" pagtataray kong muli

"Tss" sabi lang nya saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa tree house malapit amin

Nagpahila naman ako. Malambot ang kamay nya at ang bango nya. Masmatangkad sya sakin. 5'6 ang height ko sa tingin ko mga 5'8 or 5'9 sya.

"San mo ba ako dadalin!" Tanong ko kahit alam ko naman kung saan na. Halata naman kasi dahil isang daan lang ang punta namin

Hinila nya ako pataas sa tree house meron namang jagdan dun kaya halos madapa dapa na ako ng hilahin nya ako pataas.

Pagkarating namin sa taas ay kitang kita ko ang napaka gandang view.  Binitawan nya ang kamay ko saka naupo sa gilid. Ako naan ay manghang mangha sa nakikita.

"Maupo ka" yaya nya

Naupo naman ako malayo sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga nya saka sya tumayo ay umupo sa tabi ko.
Kinuha nya ang bag nya at naglabas ng 1st aid saka hinubad ang uniform.

"Hoy ano ba yang ginagawa mo?"tanong kami

Kami lang kasing dalawa dito tapos maghuhubad sya

"I dont bite" nakangisi nyang sabi

Hinampas ko na. Sira ulo eh. Dumukot sya sa kanyang bulsa ng sigarilyo ay nagsindi

"Gamutin mo na ako" sabi nya saka nanigarilyo

"Masama yan sa kalusugan" sabi ko saka kinuha ang 1st aid saka ginamot ang galos nya

"Pampawala ko to ng problemA" sagot nya

Huminga naman ako ng malalim dahil kung ako ang may problema umiinom ako ng alak pero hindi naninigarilyo

"Sorry" sabi ko

Bumaling sya sa akin at binigyan nya ako ng nagtanong na tingin.

"Were quits" sagot nya saka nagbuga ng usok

Umubo naman ako dahil papunta sa akin ang usok. Hinampas ko ulit!. Narinig ko naman na natawa sya pero saglit lang.

Tumitig ako sa kanya. Matanhos ang ilong nya, maganda ang mata, maputi at mapapansin mo talaga na half american talaga sya

"Stop starring" sabi nya at bumuga muli ng usok syempre sakin nanaman napunta

Umubo ulit ako at pinaghahampas sya pero sya ay tuwang tuwa sa nangyayari bwiset.

"Tigilan mo nga yan. Mamamatay ako sa ginagawa mo eh" sigaw ko

"Oa" sagot nya

Inirapan ko lang sya saka bumaling sa magandang view

"Tapos mo na ba akong gamutin?" Tanong nya

"Oo gasgas lang naman yang sugat mo" sagot ko



Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon