Day 2 na ng intrums namin at ngayon naman gaganapin ang laban ng mga cheerleader at ngayon din gaganapin ang basketball dahil natapos na ang tabletennis at volleyball kahapon, ngayun din itutuloy ang board games win to win at lose to lose.
Nagtext si elle sa akin kaninang umaga na hindi nya daw ako mahahatid dahil nasa manila parin sya.
"Hoy!"panggugulat ni irish
"Ay pisteng yawa ka!" Gulat ko
"Anong pisteng yawa ka?" Tanong nya
"Ha?, ahhh wala, wala yon" palusot ko
"Asan si elle?" Tanong ni irish
"Ahh unusual nasa business" sabi ko
"Nanaman?" Sabi nya
Tumango ako
"Hay nako wag mo nga intindihin yun. Tara na lang manood may guest daw na dumating para magjudge" ngisi ni irish
"Saan?" Tanong ko
"Sa cheerleading daw" sabi nya
Naglakad na kami papuntang gym at napakadaming babaeng nagsisigawan.
"Ahhh ang gwapo mo!"
"Omg ahhhhh!"
Sigawan sa gym
"May party ba?" Sigaw ni irish sa tenga ko
"Ha?" Paglilinaw ko
"Ang ingay nila!" Sigaw nyang muli
"Sobra!" Sigaw ko
"Ok students manahimik kayo ang iingay nyo!" Sabi ng announcer
Nagtawanan ang mga students
"Thank you mr. Manabat. Oh tapos na yung showdown punta naman tayo sa cheerleders!!!!!!" Hataw ng announcer
"Ahhhhhh" hiyawan muli nila
"Mr. Manabat?" Tanong ni irish
Sinenyasan ko lang sya ng hindi ko alam.
"Tara muna kumain!" Sigaw ni irish sakin
Sumama ako sa kanya hanggang canteen.
"Sorry ha hindi pa kasi ako kimakain" ihip nya sa luto nang noodles
"Ok lang , samahan na rin kita kumain medyo nagugutom na rin ako" sabi ko
Kumakain kami ni irish ng may magchismisan sa paligid namin.
"Nabalitaan mo na ba na nanalo daw yung pinsan ni empong sa table tennis" sabi ng isang babae
"Oo ang sabi pa nga nila dinaya daw nya si kristen. Akalain mo si kristen mamatalo?, eh wala pang nakakatalo sa kanya dito sa binubo" sabi ng pangalawang babae
Nagkatinginan kami ni irishat akma na sanang tatayo si irish ng pihilan ko sya.
"Hoy ang gwapo nung guest natin grabe" chismis ulit nila
"Oo nga ang sabi nila taga maynila daw" sabi ng unang babae
"Pagkatalaga taga maynila kagwagwapo" kilig na sabi ng pangalawang babae
"Hoy may mga gwapo din dito noh. Si nathan si lenard si empong etch." Sabi ng unang babae
"Hay ewan ko sayo. Tara na nga panoorin natin magsulat yung pogingjudge" kilig na sabi nila
Nagpipigil kami ng tawa dahil sa sinabi nila hahahaha. Pinanood namin sila hanggang sa pagalis nila ng biglang natisod yung unang babae hahahaha. Naubo si irish at nasamid naman ako. Napatingin yubg dalawang babaeng nagchichismisan kanina dahil sa ingay na nagawa namin. Naisarado namin ang mga bunganga namin nang bumaling sa amin ang dalawang babae.
BINABASA MO ANG
Hide My Heart
RomanceIm an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng high expectations kaya pati buhay ko kontrolado, akala ko habang buhay na akong ganito pero nung makila...