chapter 8

394 6 0
                                    

"Apoooo!" Sigaw ni lola mareng habang binababa ang gamit ko

"LOLa " bati ko ng nakalapit na sya sa akin

"Nakuuu napakagandang dalaga" saka ako pinudpod ng halik ni lola

"La tama na nga yan" bawal ni empong

Si empong ay apo rin ni lola na pinsan kong lalaki. Si empong ang kasama nya dahil ang ibang apo ni lola mareng ay nasa maynila rin.

"Kamusta ms.beautiful" pangaasar ni empong

"Tumigil ka nga dyan baka gusto ng sapak" panghahamon ko

Dati kasi ay lagi nya akong inaasar kahit umiiyak ako ay inaasar pa rin nya ako kaya bwiset na bwiset ako sa kanya pero pagnagseryoso yan daig pa nyan yung tatay ko.

"Oh ino asaan ang kapatid mo?" Tanong ni lola mareng kay tito

"Nagkaemergency daw ho sa pamilya nya" sagot ni tito

"Ganun ba o sigeh kumain muna kaya pagkatapks ay magpahinga na" sabi ni lola

"Nakuuu kailangan ko na hong umuwi may trabaho pa ako bukas saka uuwi din ho kami ng pamilya ko sa batanes bukas" sabi ni tit

"Abay sige magiingat ka ha. Huwag kang matutulog sa byahe" pagpapaalala ni lola saka hinalikan ni lola sa pisngi si tito at umalis na

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang napakagabdang bahay, medyo luma na sya pero maganda pa rin. Punong puno ng bulaklak ang paligid nito sa labas staka napakaaliwalas naman sa loob. Mukang friendly sa nature si lola. May aircon naman sa loob pero hindi gumagana dahil malamig naman ang panahon

"Ineng!!!!" Sigaw sa akin ni molly

Si molly ay kapatid ni empong napinakaclose kong pinsan.

"Moreng!!!!"sigaw ko pabalik saka kami nagyakapab habang tumatalon pa

"Ano bayan kailangan may patili!, ang ingay ingay!" Sigaw  ni empong

"Ang bitter mo!" Sigaw ni molly pabalik

"Huy Kamusta ka na grabe lumaki ka na sawakas" sabi ko

"Hay nako dapat nga ikaw ang kinakamusta ko jan kasi tignan mo ang sexy mo na tapos mas gumanda ka pa" tili ulit naming dalawa

"HOYY!!" sigaw ni empong

"Hay nakk itigil nyo na iyan kumain na tayo sigurado akong namiss nitong babaeng ito ang luto ng lola mareng nya" malambing na sabi ni lola

"Nakuu sige po magbibihis lang po ako" sabi ko

"Hoy empong san mo dinala gamit ko?" Pabulong kong tanobg kay empong

"edi sa dati mong kwarto" sagot nya

"Ok,thanks" sabi ko sabay kindat

Pumasok ako sa kwarto ko at nagulat sa nakita. Grabe walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ay ganun pa rin nung bumalik ako. Pati higaan ko ganun pa rin ang size.

Tumalon papuntang kama.

"This is the new beginning" sabi kk sa sarili ko.

Nagwash na ako saka nagbihis

"Ate ganda bukas ililibot kita dito sa binubo" sabi ni molly

"Tamang tama dahil napakaganda dito" sabi ni lola

"Tapos bukas tuturuan din kitang magsaing" sabat ni empong

Ayun binatukan ni lola sutil kasi hahaha

"Bakit anong masama dun?" Sabi ni empong habang hinihimas ang binatukan ni lola

"Hoy empong pandesal marunong po ako magsaing,magluto at maglinis kaya wag mo na akong turuan" sabi ko

"Wehhh?" Sabj nya

"Sira ka talaga"hampas ko sa kanya

"Tapusin nyo na ang pagkain para makapagpahibga na itong si neneng" sabi ni lola

"Sya nga pala ija bukas na ang enrolan ng grade 11 dito" sabi ni lola

"Ahh oo ate sumabay ka na sakin" sabat ni molly

"Nihh nagaaral ka ba?" Nangaasar na tanong ni empong

"Kuya gusto mo bigwasan kita?" Hamon ni molly

"Hay nako pagpasensyahan mo na ang dalaqang ito. Ganyan sila maglambingan hahaha" natatawang sabi ni lola

"Staka ate dapat habang maaga ay makapagenrol tayo para magandang section ang mapunta sa atin" aabi nya

"Ha?, eh grade 11 na ako, subjects na ang pupuntahan ko hindi section" naguguluhan kong sabi

"Hahaha niloloko ka lang nyan, gusto lang magenroll nyan para makasama bukas yung crush nya" tatawa tawang sabi ni empong
.

"Kuya!!!!"sigaw ni molly

Hindi naman kami matigil ni lola sa pagtawa dahil nakakatawa naman taga magaway ang dalawabg to para silang mga bata.

"Itigil nyo na nga yan at masakit na ang tiyan ko. Oh bukas ihatid mo sila empong ha" sabi ni lola

"Ay oo nga pala neng dito sa amin kapag grade 11 ka na ay dapat mageentrance exam ka muna" sabi nj empong

"Yan pa kuya?, eh easy na kay ate neng yan, syempre 1st honor sa isang university. wow lang as in wowww" sabi ni molly

"Inggit ka naman palibhasa puro crush kasi inaatupag" sabat ni empon

"Hayyy LOLA OH SI KUYA" sumbong ni molly

"Nakuuu magtigil na para makapagpahinga na si neneng"

"Maagang gumising bukas para maagang makalibot" pangaasar ni empong sa akin

"Hoyyyy---"

"O bakit hindi ka late nagigising?" Banta ni empong

"Hayyy kumakain ka na nga, andami mong alam!" Natatawang sabi ko

Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na kami saka ako nahiga

"Very good beginning, ang saya" sabi ko sa sarili ko saka pumikit at natulog

Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon