chapter 16

326 7 0
                                    

"Why did you say your italian?" Pagiiba nya ng tanong

"Sabi ni papa half italian si mama" sagot ko

"Daming lahi ahhh"pangaasar nya

"Hindi ako aso" nakanguso kong sabi

Tumigil sya sa paninigarilyo at pinagmasdan ako

"May dumi ba sa muka ko?" Tanong ko

Mukang natauhan naman sya sa sinabi ko dahil agad syang bumaling sa view at nanigarilyo muli

"Your american not italian" sabi nya

"Hindi kita kaano ano kaya wala kang alam" sagot ko

"Yeah like hindi mo kilala mother mo, strict parents mo pero suwail ka, matalino,sporty and more" ngising sabi nya

"Pano mo?----, stalker ka noh?" Pangaasar ko

Tinitigan nya naman ako at nginisian

"Your cute when you get angry" sabi nya saka tumayo na dahil naubos na ang sigarilyo nya

Tumayo na din ako at sinundan sya. Napansin ko na 6 pm na pala kailangan ko ng umuwi.

"Even when you get sad" pahabol nyang sabi saka ako tinalikuran

"Hoy uuwi ka na?" Tanong ko sa kanya saka ko sya hinabol

"Ihahatid kita" sagot nya saka agad na huminto at humarap sa akin

Dahil nga sa hinahabol ko sya ay hindi ko naagapan ang paghinto't pagharap nya kaya nasubsob nanaman ako sa kanya pero sya ay naagapan nya ako dahil salo-salo nya ako

"Hilig mo nang sumusubsob sa akin ha" ngisi nya

Nakatitig ako sa napakagwapo nyang muka

"Nananatsing ka na ha" ngisi nya

Natauhan naman ako at agad na inayos ang tayo. Hindi ko sya matitigan ng diretso ngayon dahil hiyang hiya ako sa mga ginagawa ko

"Hi-hindi ahh baka ikaw, tignan mo kasama mo ko"  nagmamalaki kong sabi

"Hmmmm" pangaasar nya

"Umuwi na nga tayo!" Sabi ko

"Ihahatid kita!" Pahabol nyang sabi

Naglakad ako hanggang makalabas sa tree house ng may humintong puting kotse sa harapan ko. Napaisip ako na puti yung kotse tapos walang katao tao tapos malayo pa si manuelle sa akin. BAKA DUKUTIN AKO.  Tumakbo ako papunta kay manuelle

"Problema mo?" Tanong nya sa akin

Nagtago kasi ako sa likod nya

"Ma-may puying kotse kasi dun" hinihingal kong sabi

"Oh ano naman kung may kotse?" Tanong nya

Binatukan ko sya

"Aray!" Angal nya

"Alangan dudukutin ka!" Agad kong sabi 

tinawanan nya lang ako

"Hello!, puting car is like puting van!"pagtatanggol ko

Pinagmasdan nya lang ako saka diretsong Naglakad.

"Hoy baka dukutin ka" bulong kong sabi

"Pang bata lang yon" sabi nya saka ako inakbayan

Lumayo ako pero masyado syang malakas

"Ano bang ginagawa ko?!" Naiirita ko ng sabi

Napatigil ako ng ilapit nya ang muka nya sa akin at binulungan ako

"That's my car" bulong nya

Napahinto ako pero patuloy pa rin sa paglalakad dahil sa akbay nya kaya nasasabayan ko sya. Nagpabaling baling ako sa kotse staka sakanya. RT???

"Get in" sabi nya ng buksan ang pinto ng kotse

Tinitigan ko lang sya dahil hindi ako makapaniwala. Nagmuka akong tangang tumatakbo papunta sa kanya tapos kotse nya pala toh?

"I said get in" bulong nya ulit sa tenga ko saka suminghot sa buhok ko

Sumakay na ako agad dahil sa kamanyakan nyang ginagawa. Nananatsing na toh ahhh. Pumasok na din sya sa loob at tumabi sa akin

"Saan po tayo sir?" Tanong ng driver

Medyo dumusog naman ako palayo sa kanya pero pinigilan nya lang ako dahil sa akbay nya

"Subukan mo" lumapit sya sa akin at bumulong muli

Medyo nakaliti naman ako sa ginawa nya kaya nahampas ko sya. Kainis nilalandi ata ako neto ahhh

"kila lola mareng manong" ngising sabi ni manuelle

Tiniganan ko sya ng nagtatanong na tingin dahil kilala nila si lola mareng. Tinanggal ko din ang akbay nya sa akin dahil sobra sobra na ang pananatsing nya.

Huminto na kami sa tapat ng bahay ni lola

"Salamat " sabi ko

Tinanguan lang ako ng driver nya

"Bango mo" pahabol nyang sabi

Pinakyuhan ko naman sya. Mukang lumalala ang kamanyakan ng taong yun

"Neng!!!!!, san ka ng galing??" Nagaalalang sabi ni lola

"Hay nako naman neneng tawag ako ng tawag sayo" sabat ni empong

Tinignan ko ang phone ko at napakadami ngang tawag

"Sorry sinilent ko kasi" nahihiya kong sabi

"Hay nako kuya, lola wag kayong magalala si kuya manuelle ang naghatid sa kanya" sabat ni moreng na kadadating lang din

"Hinatid ka ni elle?" Tanong ni empong

Tumango naman ako

"Hayyy buti na lang at hinatid ka nya nakuuu aatakihin ako sayo eh" sabi ni lola

"Hehehe sorry po ulet" sabi ko

"Buti at may nakasabay ka ganitong oras at maswerte ka at si elle ang nakasabay mo" pagaalala ni empong

"At ikaw naman bata ka umaabot ka na ng gabing umuuwi ha!" Baling nila kay moreng

Nagwash na ako pagkatapos ay kumain at nagkwenruhan saka nagligpit at natulog.

Totoot! Totoot! (Tunog ng cp ko)

Unknown:

   Sleep well

Tinitigan ko lang ang nagtext dahil hindi ko kilala kung sino hanggang sa pinabayaan ko na lang iyon at nagdesiciong matulog na lang.

Akala ko makakatulog na agad ako dahil sa pagod kaso gising ang kaluluwa ko at nakapikit naman ang mata ko. Hindi ko talaga matanggal sa isip ko yubg kumag na yun. Hayyyyy nakakainis. Bakit kasi ang gwapo nya bwiset. Kinuha ko ang phone ko pero lowbat na iyon kaya bumangon na lang ako at kumuha ang aklat para basahin.

"Manuel L. Quezon is a filipino statesman,soldier and politician who served as president of the common wealth of the philippines"

Paulit ulit kong sinasabi upang mamemorize ng aking utak at ito na rin ang last na mememorizine ko dahil natapos ko na ang iba.

Manuel is...

Manuel  is...

Manuel is...

"Is so handsome" bigla kong sabi

Fuck!?

Bakit ba bigla bigla na lang syang pumapasok sa isip ko? Kainis!!!!. Pati ba naman sa pagrereview ko naaalala kita?

"BAKIT BA KASI KAPANGALAN MO SYA!" sigaw ko sa picture ni Manuel L. Quezon sa libro

Nahiga na muli ako at nagdasal na lang na makatulog na at hindi na muli syang maalala.





Hide My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon