Chapter 19

5.3K 66 2
                                    

** Gusto ko sana kayo paiyakin kaso mukhang failed HAHAHAHAH. Lutang ako eh!**

Enjoy Babes ^_~

(Eris)

I will be forever sorry to my family for the wrong things that I've done. Alam kong mali na may nangyayari sa amin ng bestfriend ko dahil mga bata pa kami at higit sa lahat wala naman kaming relasyon.

Ngayon kinakaharap na naming ang consequence ng pagkakamali namin pero kaihit kailan hindi ko pagsisisihan ang kamaliang nagawa ko. Isa ito sa nagpapasaya sa akin. Sa kanlungan ng isa't-isa namin nahanap ang kalinga na hindi maibigay ng mga taong nakapaligid sa amin. Ginamit namin ang isa't-isa para kahit papaano matakasan ang standard ng mga taong gusto kaming maging perpekto.

Ang sakit! Sobrang sakit. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa puso. Sarili kong mga magulang kaya akong saktan at ipagtabuyan dahil sa isang pagkakamali. Isang malaking pagkakamali, siguro nga dapat lang sa akin ito. Naiintindihan ko naman sila, isa talagang akong kahihiyan sa iniingatan nilang reputasyon at pangalan.

Wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang, nandiyan na eh. Kahit ayaw kong umalis, sa kabilang parte ng isip ko mabuti na din siguro ito, makakawala na ako. Buong buhay ko pakiramdam ko nakakulong ako. Ngayon, makakalaya na ako sa kamay ng mga magulang ko, sa pamantayan nila na dapat maabot ko. Ayaw ko ng mabuhay ng sunod-sunuran sa mga gusto nila.

Alam kong bata pa ako, pero nandiyan naman ang bestfriend ko. Nangako siyang hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. Alam kong tutuparin niya iyon.

Kakayanin ko, naming dalawa.

Nabalik ako mula sa pag-iisip ng yakapin ako ng Jez.

Nandito kami ngayon sa bahay nila na katabi lang ng bahay namin. Dala ako ang maleta ko laman ng mga gamit ko, pati na din yung traveling bag na inihanda namin. Nasa tago itong parte ng walk-in closet ko kaya hindi nakikita ng mga katulong pag naglilinis sila sa kwarto ko, akala ko hindi namin kailan man magagamit ito, pero heto ako ngayon bitbit ito. Sabi niya dito muna ako, hanggat hindi ko pa alam ang gagawin ko. Saka na ako mag-iisip pagkatapos ng graduation.

"Gumayak na tayo, pupunta pa tayo sa school para kuhanin iyong toga at program natin" sabi ni Jez at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin bago ako pinakawalan.

---

Sabay kaming kaming naglalakad ni Jez papunta sa auditorium pero nakayuko ang ulo ko. Nakakahiya, namamaga kasi ang mga mata ko. Kahit kalian wala pang nakakakita sa akin na kaklase o kaibigan na umiyak. Ako yung taong laging compose, mahinahon, parang walang problema kundi pag-aaral lang.

"Why are they staring at us?" rinig kong tanong ni Jez kaya naman napatingin ako sa kanya at inilibot ang paningin sa paligid.

Nagbubulungan sila habang nakatingin sa amin.

Dahil siguro sa itsura ko. Both of my cheeks and eyes are swollen dahil sa sampal ni Dad at pag-iyak ko, pero bakit bigla akong kinabahan?

Nakita ko si Judy na tumatakbo palapit sa amin. Nasa mukha niya ang pag-aalala.

"Sumama kayo sa akin" sab into at hinila na kami ni Jez.

"Why? Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang kinakaladkad pa din kami ni Judy.

Nakarating kami sa isa sa mga room. Humarap itosa amin at nagsalita.

"They know" sabi nito at napabuntong hininga.

"w-hat? They know what?" tanong naman ni Jez.

"Usapan kayong dalawa kanina pa. May lumabas na article tungkol sa inyo. Kalat na kalat sa social media. You have pictures guys, you were kissing and some are naked." sabi ni Judy at inilabas ang phone at iniabot sa amin. Kinuha ko iyon at tinignan.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon