(ERIS)
Kaninang umaga pa umalis si D papuntang Cebu. Nagluluto ako ngayon ng lunch habang si Lard ay nanunuod ng TV. Hinihintay namin ang pagdating ni Judy, dito siya maglu-lunch.
Nang makarating si Judy ay tuwang-tuwa na naman si Lard dahil sa mga binigay ng kanyang Ninang na damit. Nang matapos kaming kumain ay sumalampak na lang kami sa sala. Lard is playing habang kami ay nag kwe-kwentuhan.
"So, paano iyon kung hindi aabot si D sa flight niyo?" tanong nito
"Eh ayun, mahuhuli siya at tuloy kami ni Lard, hindi naman pwedeng mag-extend dahil may trabaho naman ako"
Tumango-tango lang ito. Kung ano-ano na lang ang pinag-usapan namin. Napag-usapan din namin sila Rhian, Lyn at Abee. Si Lyn isa nang sikat na model, iyong dalawa naman may sarili na ding trabaho at sabi ni Judy madalang na lang silang magkausap dahil mga busy.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan, it's a message from an unregistered number. Binuksan ko ito at halos panaawan ako ng ulirat dahil sa laman nito.
From: 09222222222
How could you do this to me?! I know my son is alive.
Iyan ang laman ng mensahe at alam ko kung kanino galing ito. Paano niya nalaman?
Alam kong galit na galit siya. Sino bang hindi magagalit? Itinago ko lang naman ang anak namin at pinaniwala ang lahat na namatay ito. Pero nang mga panahong iyon, iyon lang alam kong gawin para makatakas sa sakit, kaya wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.
"What's wrong Eris?" nag-aalalang tanong ni Judy.
Hindi pa ako nakakasagot ng makarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Judy dahil wala naman na akong inaasahang bisita.
Kumabog ang dibdib ko ng isiping baka si Jez ang nasa labas. Agad namuo ang malamig na pawis sa noo ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Sigurado akong galit siya base na din kung paano nito katukin ang pinto.
Dahil hindi ako tumayo para pag buksan ang pinto, si Lard ang tumayo para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.
Napatayo kami ni Judy ng makita si Jez sa may pinto, madilim ang mukha nito pero ng makita si Lard ay unti-unting lumambot ang ekspresyon.
Umupo ito para makapantay si Lard. I can see the pain, ang longing in his eyes. Titig na titig lang ito kay Lard na nakatayo sa may pintuan.
Bago pa nito mahawakan ang anak ko ay hinila ko na si Lard. Bakit ba siya nandito? Iniwan niya kami noon kaya wala na siyang karapatan. Isa pa, hindi naman alam ni Lard na si Jez ang ama niya.
Nag-igting panga nito dahil sa ginawa ko. Tumgin ito sa akin at huminga ng malalalim na parang pinapakalma nito ang sarili.
"Let's talk" mariing nitong sabi. Madilim na ulit ang mukha nito at halatang nagpipigil ng galit.
Mukhang wala naman na akong pagpipilian dahil nandito na siya at alam na niyang buhay ang anak namin. Mas maganda na ding mag-usap na kami para magkalinawan na.
Tinignan ko si Judy at agad namang nakuha ang gusto kong sabihin.
"Who is he Ninang?" tanong ni Lard.
"Lard, let's go outside, Ninang will buy you ice cream" sabi ni Judy at niyakad na si Lard paalis. Titig na titig si Jez kay Lard ng dumaan ito sa tapat niya. Nang makaalis ang dalawa ay agad naman itong pumasok at isinara ang pinto.
"FUCK! How coud you do this Eris?!! Buhay ang anak ko pero anim na taon akong nagluksa sa pag-aakalang wala na ito. Paano mo nagawa ito ha!!" sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETE
Ficção GeralWARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! R-18| SPG| Matured Content| Si Erisha Llarenas ay isang 16 years old na may malaking sikretong itinatago kasama ang kanyang bestfriend na si Jezreel Gallevo na 17 years old...