Chapter 30

4.9K 65 10
                                    

(ERIS)

Dalawang araw na simula ng manganak ako. Sobrang alaga ako ni Jez, kahit alam kong siya ay kailangan din ng pangangalaga. Minsan nakikita ko siyang tulala, kaya naman niyayakap ko siya at pinaparamdam na nandito lang ako lagi sa tabi niya. Sa pamamagitan ng yakap at halik, maiparamdam kong mahal na mahal ko siya.

Nakakatayo na din ako, pero hindi pa rin masyadong makagalaw dahil sumsakit ang tahi ko.

Pinaupo ako ni Jez sa wheelchair, pupunta kami sa NICU para tignan si Baby. Kahit makita lang sapat na dahil hindi pa namin siya pwedeng mahawakan. Sabi ng doctor kapag stable na si baby pwede naming gawin ang Kangaroo care, he will be put on my bare chest, ito yung skin-to-skin contact namin ni baby.

Excited kaming makita si Baby, nandito din si Judy at Eros. Hinihintay naming mahawi ang kurtina na tumatakip sa sa malaking salamin ng NICU.

Nang mahawi ang kurtina, sabay-saby kaming sumilip roon. Inilapit ng nurse ang incubator na kinalalagyan ni Baby.

Napaluha ako sa nakita ko, sobrang sayo ko dahil nakita ko na ang anak ko, pero at the same time sobra akong nasasaktan sa kalagayn niya. May kung ano-anong nakakabit sa katawan niya.

Oh God! He's so small and thin. He looks so fragile. Naaawa ako sa anak ko, napaka bata niya pa para mahirapan ng ganito.

Tuloy-tuloy lang ang buhos ng luha ko habang nakahawak sa salamin ng NICU, titig na titig ako sa anak ko. Gusto ko siyang mayakap at sabihin nandito lang ako para sa kanya.

Kinabig ako ni Jez payakap sa kanya. Alam kong naaawa din din siya sa anak namin. Tiningala ko siya at nakita kong nakatingin siya sa anak namin. Makikita sa mata nito ang saya, masaya rin ako, sobra, hindi ko lang maiwasang maawa at mag-aalala para sa anak namin. Nasasaktan ako sa kalagayan ni Baby AJ.

We named him Adelard Jertrude Llarenas Gallevo.

Inilabas ni Jez ang phone nito at kinuhanan si Baby AJ ng litrato, ganoon din ang ginawa ni Judy at Eros.

"Hello baby AJ, ako si ninag Judy mo, pinaka maganda mong ninang" sabi ni Judy at kumaway pa sa anak naming

"Ako naman si Tito Eros AJ, pinakagwapo mong Tito HAHAHA" sabi nito at sa tingin ko kinukuhanan niya ito ng video.

Makalipas ang sampung minuto, nagpaalam na kami kay Baby AJ bago isinara ng nurse ang kurtina, mamayang hapon ulit namin siya pwede tignan dahil may oras lang ang pagtingin sa mga baby.

Bumalik kami sa kwarto ko ng may mga ngiti sa mga labi. Masaya kami dahil sa pag dating ni Baby AJ, kahit naroon pa din ang pag-aalala.

Pumasok ang OB na nagpaanak sa akin at ang Pediatrician ni Baby.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong sa akin ng doctor

"Okay naman po, nakakatayo na po pero kumikirot po ang tahi ko pag gumagalaw ako eh"

"Madami pa bang dugo ang lumalabas sayo?" tanong ulit nito

"Konti na lang naman po Dok" sagot ko. Naksuot ako ng maternity napkin dahil my lumalabas pang dugo sa pwerta ko. Kahit pala CS ganito pa din.

"That's good. Basta inumin mo lang ang pain reliver at antibiotics na reseta ko sayo okay?"

Tumango naman ako. Pagkatapos magsalita ng OB, tumingin sa akin ang Pedia, hindi ko alam kung bakit kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Wala naman sanang masamang nangyayari sa anak.

"Nasa akin na ang newborn screening result ng Baby niyo. Dapat kahapon pa ito, pero may napansin ako kaya dinouble check namin. Okay naman sa ibang test maliban sa puso niya" nang marinig ko ang sinabi ng doctor binalot ng sobrang pag-aalala at takot ang buo kong katawan. Kaya naman napatingina ko kay Jez na natatakot din. Hinawakan nito ang kamay ko at bumaling ulit sa doctor.

"Noong nailabas namin mula sayo ang bata, mahina na ang tibog ng puso nito, at hirap din siyang huminga. We conducted Echocardiogram, ultrasound ito sa puso at nakita namin na may Congenital Heart Disease si baby, one of his valve is too narrow kaya nahihirapan ang dugo na dumaloy."

Hindi mag sink-in sa akin ang mga sinasabi ng doctor ang alam ko lang may problema sa puso si Baby.

"D-Doc bakit po ganun? Regular naman po ang check-up at take niya ng Viatamins" tanogn ni Jez

"Actually, we don't always know kung bakit nagkakaroon ng Congenital Heart disease ang baby. They tend to run in families. Sige update naming kayo sa lagay ni Baby at kung kailan niyo siya pwede mahawakan, medyo matatagalan lang dahil sa sitwasyon siya ngayon. Tinitignan na rin naming kung anong pwedeng maging treatment kay Baby para sa puso siya, pero usually it's surgery. Kung ooperahan man siya hindi agad-agad dahil premature ang baby at siguradong hindi niya kakayanin"

Umalis ang mga doktor na walang nagsasalita sa amin kundi puro tango na lang. Napahagulgol ako sa bisig ni Jez. Niyakap naman ako nito.

"Lord, bakit naman po, maawa naman po kayo sa anak namin. Nag mamakaawa po ako, huwag niyo pong pababayaan ang anak ko. Ako na lang Lord, kahit pahirapan mo ako, huwag lang ang anak ko. Ang bata-bata niya pa. Nag mamaka po ako Lord"

"Bakit naman anak iyong sakit pa ng Daddy mo ang nakuha mo, sige na pumapayag na akong maging manyak ka din katulad pero huwag naman ganyan anak. Kapit lang anak, nandito si Mommy, Daddy, ninang at tito mo para sayo. Hindi ka naming pababayaan anak"

Lahat kami nag-aalala para kay Baby AJ, kaya naman napag desisyunan naming pumunta sa chapel ng ospital para magdasal.

----

S.B. Notes

Oh pahabol si Chapter 30 HAHA

Comments and Votes!

ThankYouBabes

ah wav vyu

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon