Chapter 32

4.4K 67 5
                                    


(JEZ)

Pagod na pagod na ako, inaantok na din ako.

Nandito ako ngayon sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Alas-dos na ng madaling araw at alas-tres ang labas ko. May dadating na angkat ng mga gulay mamaya sa palengke sabi ni Mang Kaloy kaya diretso palengke ako.

Alam kong kahit anong trabaho ko bago ang opersyon ni Baby hindi namin kakayanin ang bayarin. Kung humingi na kaya ako ng tulong kay Dad? Tutulungan kaya nya ako?

"Hoy! Tawag ka sa table 3, huwag kang tumunganga diyan!" nagulat ako sa pagsigaw sa akin ng manager.

"Pasenysa na po" sabi ko at naglakad na papunta sa table 3.



Katatapos ko lang kuhanin ang sahod galing kay Mang Kaloy ng naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Nagulat ako sa natanggap kong mensahe.

From: Dad

Let's meet at a restaurant near the company. 12. Lunch. I have important matter to discuss.

Ano naman kaya ang kailangan niya. Matapos niya akong itakwil at palayasin ngayon makikipagkita siya? Papansinin na niya ako dahil wala na si Kuya? Kahit ayaw kong siyang makita, napagdesiyunan ko pa ding pumunta.

Hindi na ko pumasok as dishwasher ngayon, dumiretso na ako sa restaurant na sinasabi ni Dad. Miss ko na din si Baby kaya dadalawin ko siya mamaya.

Bago ako pumasok, napansin kong nakatingin sa akin ang mga tao, ilan sa mga ito ay nagtratrabaho sa company namin. Sino ba naman hindi mapapatingin ang pangit ng damit ko may butas pa, madumi din dahil sa pagbubuhat ko kanina, pawisan pa ako at madumi ang paa dahil nakatsinelas lang naman ako.

Muntik pa akong hindi papasukin dahil itsura ko. Nag-text na lang ako kay Dad na nasa labas ako at ayaw papasukin kaya pinasundo niya ako sa isang bodyguard niya. Nasa isang VIP Room siya, kaya doon ako iginaya ng bodyguard niya.

Pagbukas ko ng pinto agad itong napatingin sa akin. Hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang sa paa ko. Nakita ko ang disgusto sa mata nito dahil sa itsura ko. Naikuyom ko lang ang kamay ko ay umupo sa upuaan sa harap nito. May mga pagkain na din sa lamesa.

"Anong kailangan mo?" tanong ko agad, ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko nang umalis agad dito.

"Kumain muna tayo" sabi nito at nag-umpisa ng kumain pero hindi ko ginalaw kahit anong pagkain. Wala akong karapatang kumain ng masasarap na pagkain, hindi ko masikmura dahil pera ni Dad ang ginastos at higit sa lahat hindi ko masikmura ang kumain ng pang marangyang pagkain ngayong ang mag-ina ko nahihirapan.

"Bakit hindi ka kumakain, ayaw mo ba? Anong gusto mo ipapaluto natin sa chef?" sabi nito nang mapansing hindi ako gumalaw para kumain.

"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo, para makaalis na ako may trabaho ba ako"

Binitawan nito ang kutsara at tinidor at mataman akong tinignan.

"I got you investigated. I found out that you got your bestfriend pregnant, sigurado ka bang sa iyo iyon?"

"Anak ko iyon!" madiin kong sabi. Sigurado akong akin si Baby AJ.

Tumango-tango ito at saka uminom ng tubig bago nagsalita ulit.

"Balita ko din premature ang bata at nasa NICU, kaya ba ganyan ang itsura mo, kakatrabaho?" tanong nito

"Eh ano ngayon, kaya kong magtrabaho para sa mag-ina ko"

"Nalaman ko din na may sakit sa puso ang bata, kagaya ng sayo noong bata ka pa, kailangan niya ng operasyon as soon as possible diba at kailangan niyo ng malaking pera. Malaki ang nagastos namin sayo noon at dinala ka pa namin sa America" sabi nito at tinitigan ako sa mata. Hindi ako nagsalita at hinintay ng lang ang susunod niyang sasabihin.

"What I wanto to say is, dahil ikaw na lang ang anak ko gus---"

"Hindi mo na ako anak, baka nakakalimutan mong itinakwil mo na ako, ayaw mo na akong makita diba kaya nga nagulat ako dahil gusto mo akong makausap huh!" sabi ko na may panguuyam.

Hindi naman ito nakapagsalita at nag iwas ng tingin. Tumikhim muna ito bago nagsalita ulit.

"What I'm saying is ikaw na lang ang tagapagmana ko, I want you to leave for New Zealand, mag-aral ka doon, magsimula ka ulit, iwan mo kung anong meron ka rito!" matigas na turan nito.

Ano daw? Iwan kung anong mayroon ako dito? Iwan ang pamilya ko? Putang'na hindi ko kaya!

Napatayo ako dahil sa galit, dahil sa mga pinagsasabi niya.

"FVCK!! Sino ka para diktahan ako, para sabihin sa pagmumuka ko na iwan ko ang pamilya ko, tang'na nagsayang lang pala ako ng oras sa pagpunta dito" sabi ko at nagsimula ng maglakad palabas ng VIP Room. Bago pa ako makalabas nagsalita siyang ulit.

"Kapalit nito, ako ang magpapagamot sa anak mo, sasagutin ko lahat ng gastusin at pangangailangan niya. I will get the best heart surgeon in the country"

Napatigil ako dahil sa mga sinabi.

"Come on sit down, pag-usap natin-----para sa anak mo" sabi nito, nasa mukha nito na sigurado siyang papayag ako sa gusto niya. 

"Hindi namin kailangan ng pera mo! gagawa ako ng paraan para sa anak ko!" sabi ko ng hindi lumingon. 

Bago pa ako makalabas ng VIP Room, tumunog ang phone ko at nakita kong si Eris iyon. Bakit siya tumatawag? May nangyari ba? Hindi siya tatawag ng ganitong oras dahil ang alam niya ay may trabaho ako kaya naman agad-agad ko itong sinagot.

"Eris, bakit ka tumatawag may problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

"J-Jez, si Baby, yung anak n-natin" Bigla akong kinabahan ng sobra, naramdaman ko ding nanlalamig na ang mga kamay ko. oh God! she's crying again.

"Tell me! Anong nangyari kay baby?!" natatarantang tanong ko. 

Lord! please sana naman walang nangyaring masama sa anak ko.

"h-hindi maganda ang l-lagay niya, Jez kailangan na daw niyang maoperahan ASAP, pero hindi nila g-gagawin dahil kailangan pa daw mabayaran ang 50% ng fee, a-anong gagawin natin, wala tayong pera! paano yung anak natin!" sabi nito. Humahagulgol na ito sa kabilang linya. 

Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko bago humarap sa ama kong nakikinig sa usapan namin ni Eris.

"Huwag ka nang umiyak, magiging maayos din si Baby, gagawan ko ng paraan" sabi ko at ibinaba na nag tawag. 

Umupo ako ulit sa upuan kaharap ng kay Dad. 



Para sa anak ko. 

Patawarin mo ako mahal ko, gagawin ko ito para sa anak natin.


-----

S.B. Notes

Bukas ulit ang katuloy.

Need na mag rest ng inyong manunulat.

Comments and Votes.

Thank You Babes <3

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon