Chapter 20

5.3K 66 2
                                    

(JEZ)

Kinakabahan ako habang pauwi ng bahay. Mukhang hindi lang si Eris ang mawawalan ng bahay at pamilya.

Pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin. Masamang tingin agad ang iginawad ni Mom at Dad sa akin.

Tumayo si Dad at sinuntok ako. Tang'na ilang beses ba akong masusuntok ngayong araw.

"PUTANG'NA MONG BATA KA! SINIRA MONG PANGALAN NG PAMILYA NATIN!"

He punches me again and again and again. Nakahiga na ako sahig habang dumudugo ang ilong, putok ang labi at kanang kilay ko.

"WALA KA TALAGANG KWENTA! MABUTI PA ANG KUYA MO! BAKIT KASI HINDI KA GUMAYA SA KANYA! SANA HINDI NA KITA NAGING ANAK, WALA KANG KWENTA, PROBLEMA PA ANG DALA MO PUTANG'NA KA!" sabi nito at sinipa pa ako.

It fvcking hurts to hear those words from my own father. All I did was to please them yet all my efforts are not enough.

Lumapit si Eris sa akin. Oh God! She's crying again. I can take every punch and kick but not seeing her cry. Niyakap niya ako at iniharang ang sarili sa akin.

"ISA KA PA! UMALIS KA DIYAN ERIS! AKALA KO MATINO KANG BABAE, SOBRA KA PA NAMAN IPAGMAYABANG NG NANAY MO NASA LOOB DIN PALA ANG KULO MO!" sabi ni Mom kay Eris.

"Umalis ka diyan Eris" Dad said pero hindi siya umalis.

"Tama na po Tito, please po" sabi nito nang nakatingin kay Dad habang puno ng luha ang mga mata. Hindi ko alam pero mas masakit ang nararamdman ko sa dibidb ko kaysa sa mga suntok na natamo mula kay Dad.

Tumalikod si Dad at humunga ng malalim

"You are a disgrace to me, to our family! I raise you but what? You ruin what I've been taking care of" sabi nito, ramdam ko ang galit sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"Family? really Dad? Kailan pa ako naging parte ng tinatawag mong pamilya? Hindi ko nga maramdaman ng may magulang ako eh. Ang meron ako AMO! Amo na nagsasabi na dapat ganito, ganyan. Binibigay ko naman lahat ng kaya ko tapos lagi niyo lang akong ikinukumpara kay kuya. Hindi nyo makita lahat ng effort ko. Puro si kuya na lang lagi! Siya lang naman ang anak niyo!" sabi ko. Hindi ko na kaya pang pigilan, punong-puno na ako. Kailangan ko nang ilabas ng hinanakit ko.

Tumingin ako kay Mom at Dad pero wala man lang silang reaksyon sa sinabi ko.

"YOU! UNGRATEFUL BASTARD! GET OUT OF MY HOUSE! I DON'T WANT TO FVCKING SEE YOU AGAIN. ISA NA LANG ANG ANAK KO. LUMAYAS KA NA SA BUHAY NAMIN. PROBLEMA LANG ANG DALA MO! AND BRING THAT GIRL WITH YOU!"

Putang'na, parehas nga kami ni Eris. Mas lalong lumakas ang iyak ni Eris ng marinig ang sinabi ni Dad. I look at Mom but she just looks away. How can they be this cruel? Anak nila ako diba? Parang wala lang akong kwenta dahil sa isang pagkakamali ko na nakasira sa kanila. Sabay silang umalis ay naiwan kaming dalawa ni Eris.

Pinilit kong tumayo at yumakap kay Eris. Parehas kaming kumukuha ng lakas mula sa isa't-isa.

"Tama na, we can get through with this. Kunin na natin mga gamit natin" sabi ko at hinila siya sa punta sa kwarto ko para kunin ang mga gamit namin para makaalis na kami.

Tinawagan ko sila Jonas at Kiel para makituloy muna sana kaso hindi pumayag mga pamilya nila. Mabuti na lang at pumayag ang Nanay ni Judy. Sobrang bait talaga ni Tita. Kaya eto kami ngayon bitbit ang mga maleta namin at nakasakay sa taxi papunta kila Judy.

"Look at me Eris" tumingin naman ito sa akin, namumula at namamaga ang mga mata nito kakaiyak.

"Paano na tayo?" tanong nito, sa totoo lang hindi ko din alam, pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Sa akin lang umaasa ngayon si Eris.

"Akong bahala, hindi kita iiwan, dalawa tayo dito. Kaya natin" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Nang dumating kami sa bahay nila Judy ay silalubong kami nito kasama ang kanyang nanay.

"Pasok kayo, ipaghahanda ko kayo ng meryenda" sabi ni tita at umalis na patungong kusina.

Sa guess room kami pinatuloy ni Judy. Ito muna daw ang magiging kwarto namin. Pagkatapos naming mag meryenda pumasok na kami sa kwarto para makapag pahinga. We're too tired because of everything that happen since this morning. Napakabilis ng mga panyayari, ngayon itinakwil na kami ng sarili naming pamilya. Nakikituloy sa kaibigan dahil walang mapuntahan. Tsk.

"Pahinga ka na" sabi ko kay Eris at naupo sa kama. Siya naman ay humiga na.

"Yakapin mo ako please" sabi nito na agad ko namang ginawa.

Nakahiga kami sa kama habang magkayakap at walang nagsasalita. Parehas kaming nag-iisip kung ano nang gagawin namin. Kung ano ng mangyayari sa amin ngayong wala na kami sa poder ng mga magulang namin.

Hindi ko alam kung ano magiging buhay namin. Teenager pa rin lang naman kami. Umaasa kami sa binibigay ng mga magulang namin. We have money but until when?

"Saan na tayo pupunta? Hindi naman tayo pwede magtagal dito kila Judy" sabi ni Eris, mababanaag ang pag-aalala sa boses nito.

I don't even know kung ano ang isasagot sa tanong niya kaya naman hinalikan ko na lang siya sa ulo at lalong niyakap ng mahigpit.

Nakatulog na si Eris, at ako naman mulat pa pa din mag aalas-kwatro na ng hapon. Nakatitig lang ako sa mukha ni Eris nang makarinig ako ng katok. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Judy na may hawak na mga toga.

"Oh, toga niyo ni Eris, nasasainyo na kung aattend pa kayo ng graduation bukas. Pero sa tinign ko Jez mas mabuti na huwag na lang. Maiinit pa kayo sa chismis eh, baka kung ano-ano lang ang marinig niyo" sabi ni Judy at ngumiti ng tipid.

"Tatanungin ko pa si Eris kung gusto niyang pumunta, Maraming salamat nga pala Judy, don't worry hindi naman kami magtatagal dito, hahanap na ako bukas ng matitirahan namin"

"Ano ka ba, wala iyon. Kaibigan ko kayo eh. Tutulong din ako sa inyo makahanap ng matitirahan"

"Salamat talaga" sabi ko pa ulit. Kung hindi kami tinulungan ngayon hindi ko na alam kung saan kami pupulutin ni Eris. Sigurado naman kasing walang tatanggap sa aming mga kamag-anak namin. Takot lang nila kay Dad.

"oh sige ipapatawag ko na lang kayo kapag handa na ang hapunan" sabi nito at umalis na

Ipinatong ko ang dalawang toga at program sa ibabaw ng cabinet at bumalik sa kama para humiga. Niyakap ko ang natutulog na si Eris. I need energy.

I promise Eris, hindi kita iiwan. Dalawa tayong haharap sa problema natin. Gagawin ko lahat maprotektahan ka lang.



(ERIS)

Graduation ngayon. Alas-siyete na at alas-otso ang umpisa ng program. Nakaupo kami ni Jez sa kama at pinag-iisipan kung aattend ba kami o ipakukuha na lang naming kay Judy ang mga diploma namin. Kung sakali mang hindi kami aattend, walang valedictorian at salutatorian ang batch namin.

"Let's go" sabi ko at tumayo na para maghanda.

"Are you sure? Baka mas mabuti na nga siguro huwag na tayo umattend" sabi naman ni Jez. I know parehas lang kaming nag-aalala sa magiging reaksyon ng mga makakakita sa amin. Malaki ang pangamba sa kaloob-looban ko na baka kung anong mangyari.

"Validictorian ka, dapat nandoon ka" sabi ko at dumeretso nasa banyo maligo. 

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon