Chapter 35

4.8K 74 11
                                    

(ERIS)

Wala na siya, umalis na, iniwan na niya kami. Sabi niya hindi niya kami iiwan. Paano niya kami nagawang iwan lalo na sa lagay ng anak namin ngayon. Dahil sobra na siyang nahihirapan? Dahil pagod na pagod na siya? Nahihirapan din naman ako, pagod na pagod na din naman ako hindi man sa pisikal pero sa sobrang dami ng iniisip ko para na akong mababaliw.

Akala ko may isang tao, na kahit kailan hindi ako iiwan, isang tao na kahit kailan hindi ako sasaktan. Funny, iyong taong iyon na inaasahan ko basta na lang kaming iniwan.

Masakit, I feel betrayed by the person I thought would stay with me until the end. Hindi ko gusto itong namumuong galit sa puso ko pero hindi ko rin ito kayang baliwalain na lang. Nasasaktan ako eh.

Kahit masakit, kahit mahirap tatanggapin ko. Wala na siya, iniwan niya kami, simula ngayon kaming dalawa na lang, wala ng Jezreel sa buhay namin. Kami na lang ni Baby AJ mula ngayon.

Gather yourself Eris. Hindi pa katapusan ng mundo. Matalino ka diba? Pwes gamitin mo iyang utak mo. May anak kang umaasa sayo.

Pumasok ako ulit sa loob ng inuupahan namin at napatingin sa mga gamit ni Jez na naiwan. Nilapitan ko ang mga iyon, iniwan niya ang mga gamit na walang halaga. Napatingin ako sa drawer kung nasaan ang maga papeles namin. Binuksan ko iyon, naroon ng mga papeles ko, diploma, passport, trust funds.

Kinuha niya lahat maliban sa trust fund niya. Bakit mo pa iniwan?

Kinuha ko ang note na nakaipit doon.

I'll change the beneficiary of my trust fund. I will give it to AJ.

Putang'na mo! Hindi namin kailangan ng pera mo, ang kailangan ni AJ ay ama. Pero kung isang katulad mo lang din naman huwag na lang, kaya kong magpaka-ama sa kanya.

Unti-unti ay nababalot ng galit ang puso ko. Napapalitan ng galit ang sakit sa puso ko. Hindi ko kayang tanggapin na kaya niya kaming iwan. Nagpupuyo ako sa galit, malalalim ang hininga ko para mapakalma ko ang sarili ko.

Tumunog ang phone ko at nakita kong unregistered number ito pero sinagot ko pa din.

Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko bago nagsalita.

"H-hello, sino po sila?" tanong ko

"Hi, Is this Eris Llarenas?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Yes, ano pong kailangan niyo?" tanong ko ulit. Sino ba siya?

"This is David from HeartYou Foundation, someone contacted us about your son, can we meet in the hospital?" sabi nito.

Nang marinig ko ito, agad akong pumayag na makipag kita sa ospital, eto na yata yung sinasabi ni Jez.

Okay Eris, stop thinking about him, anak mo muna ang isipin mo.

Alas-tres na ng makapunta ako sa opital at kinausap ko pa si Ninang Alice na alas-kwatro na daw pupunta sa ospital.

Nagkita kami ni Sir David sa may Garden ng ospital para pag-usapan ang tungkol kay Baby. 

Ang sabi nito, wag na daw akong mag-alala dahil lahat ng gagastusin sa pagpapagamot kay Baby ay sila na ang bahala. Nakausap na din daw niya ang mga doctor na pwede ng operahan si Baby AJ mamaya dahil aayusin na daw ni Sir David ang bill habang nandito pa siya sa ospital.

Sobra-sobra ang pasalamat ko sa kanya dahil ang laki ng maitutulong ng foundation sa anak ko. Hindi ko napigilang umiyak ng sinabi ng doctor na mamayang alas-sais ang operasyion ni Baby. Sa wakas, sana gumaling na ang anak ko, hindi ko na siya kayang makita na nahihirapan.

Hindi muna umalis si Sir David dahil may kakausapin pa daw siyang kaibigan dito sa ospital at babalik daw siya mamaya bago ipasok sa operating room ang anak ko.

Dumating na si Niang Alice, hindi ko napigilan ang umiyak sa kanya dahil sa sitwasyon ko. Sinabi ko lahat ng nangyari sa akin hanggang sa pag-alis ni Jez kanina. Galit na galit si Ninang sa kanya. Sino ba naman hindi, paano niya kami nagawang iwan lalo na sa sitwasyon ng anak namin.

Hindi ko na kilala ang bestfriend ko. Hindi ko talaga inaahasan na kaya niya kaming iwan. 

Tinawagan ko na din si Eros, Judy at nandito din si Tita Jenny. Sinabi ni Judy na ipinaalam niya kila Jonas at Kiel ang tungkol sa operasyon ni Baby AJ at bibisita daw sila kapag okay na si Baby. Tinanong ko siya kung may balita kila Rhina, Abee at Lyn pero si Abee lang daw ang nakakausap niya dahil busy daw ang dalawa. Iba-iba na kasi sila ng school eh.

"Eris, pwede ka bang makausap, tayong dalawa lang" sabi ni Ninang. Nagtataka ako bakit hindi na lang niya sabihin ang sasabihin niya. Tumingin ito kila Judy at Tita Jenny na nag-uusap kaya naman kahit nagtataka ay sumama ako sa rooftop ng ospital.

Pagkarating namin doon, may nakita akong isang doctor. Nakatingin ito sa amin. Lumapit naman  kami sa kanya at niyakap nito si Ninag. Sino ba ito?

"Eris, this is my step-brother Ken, siya ang Director dito sa ospital" pakilala nito sa doctor.

"Hello po, Eris po" pakilala ko at kinamayan siya.



Sobra-sobra ang kaba ko ng mag-alas sais na. Kinakabahan ako para sa anak ko. Ang daming pumapasok sa isip ko na pweding mangyari sa kanya. Takot na takot ako. Mabuti na lang nandiyan sila Ninang para kapitan ko.

Inilabas sa NICU si Baby at tumigil saglit para mahawakan ko.

"Anak, kaya mo ito. Nandito lang si Mommy anak, hihintayin kita. I love you anak." Sabi ko rito at hinalikan ko siya sa noo.

"Doc, please po, gawin niyo po lahat para maging okay na ang anak ko"

Tumango naman si Doc. "Oo naman, the operation will take up to 2 to 4 hours."

Itinulak na ang kinalalagyan ni Baby papasok sa Operating Room. Hinatid ko na lang siya ng tingin.

Kaya mo iyan anak, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Ikaw na lang ang mayroon ako. 

Lahat kaming naghihintay sa labas ay kinakabahan para sa anak ko. Lahat kami ay taimtim na nagdadasal para sa kaligtasan niya.

Hindi pa mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin nila Ninang kanina. 

Makalipas ang 3 oras lumabas na ang doctor. Lahat kami lumapit sa kanya naghihintay sa sasabihin niya.

Napayuko ang doctor.

"We did our best but I'm so sorry, he didn't make it." Sabi ng doctor at tumalikod na para umalis.

Oh God!

Naguunahan ang mga luha na umagos mula sa mata ko. Niyakap ako ni Ninang, isinubsob ko ang mukha ko sa balikat nito. Rinig ko din ang iyak ng mga kasama kong naghihintay sa labas ng operating room.

Bigla akong nanghina then everything went black.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon