Chapter 39

4.8K 68 2
                                    

(ERIS)

Paalis na kami sa penthouse patungo sa bahay ng lola ni D. Kanina nag padeliver lang kami ng breakfast dahil wala pa kaming grocery. Doon kami kakain ng lunch sa bahay ng lola niya kasama ng parents niya. Na meet ko na ang mga magulang niya noon sa California, kapag bumibisita sila kay D. 

Nagpapasalamat ako at tanggap nila kami ng anak ko. Kahit alam nilang hindi kay D si Lard, tinuring pa rin nila itong apo. They are fond of my son.

Sumakay na kami sa kotse ni D. Siya na ang magmamaneho papunta sa bahay ng Lola Lita niya. Nasa front-seat ako at nasa backseat naman si Lard.

"Mommy, Grandie at Grandmie will be there right?" tanong ng anak ko. He is pertaining to D's parents.

"Yes Baby, they're waiting for us. Lard, when we get there I want you to behave okay?"

Tumango naman ang anak ko at bumaling kay D. Tinignan ni D si Lard through rear-view mirror.

"Daddy, is there any kids in Lolo Lita's house that I can play with?"

"Of course there is Baby, they will arrive tomorrow for Lola's birthday party" sagot naman ni D na agad ibinalik ang tingin sa daan

"Ohhh, is Lola going to have mascot on her birthday and party hats like mine on my last birthday" he innocently asked.

Natawa kami ni D dahil sa tanong niya.

"Baby, Lola won't have that, but there is a cake for sure" I answered

Nagpout namana ng anak ko na parang nag-iisip kung bakit ang birthday party ni Lola Lita ay walang mascot at party hat.

Nag makarating kami sa kanila, sinalubong kami ng parents ni D. I gave tita and tito a hug. Pero pagkatapos noon parang hindi na kami pinasin ni D dahil ang atensiyon ng magasawa ay nasa anak ko na.

Iginaya ni Tita Celine si Lard papapunta sa garden dahil naroon daw si Lola Lita. Nagpaiwan naman si D at ang Dad nito, dahil may paguusapan lang daw sandali.

"Diyos ko Apo!! Lard is that you?" nakangiting salubong ni Lola Lita sa anak ko. Inilahad nito ang mga braso para mayakap ang anak ko.

Tumakbo naman si Lard patungo kay Lola Lita at agad na yumakap at humalik sa matanda. Matanda na si Lola Lita pero malakas pa din. May tungkod na ito at purong puti na ang mga buhok.  

Nabaling naman ang tingin nito sa akin at masuyo akong nginitian. Lumapit ako at yumakap sa kanya.

"Ang ganda-ganda mo talaga apo, mabuti at pumayag kang umuwi dito at samahan si D" sabi nito hinawakan ang mga kamay ko.Ngiti na lang ang naisagot ko dito dahil nahihiya ako. 

Bumalik ang matanda sa pakikipag-usap sa anak ko. Kita kong masayang-masaya ito dahil sa wakas nagkita na din sila. Hindi nga matigil ang pagyakap at halik nito kay Lard, na gustong-gusto naman ng anak ko.

"Eris, pwede mo ba akong tulungan sa kusina, ihanda na natin ang mga niluto ko para makakain na tayo maya-maya" sabi ni Tita Celine. I know Tita knows what happen to me six years ago dahil nasa larangan siya ng media. Pero hindi na lang daw nila napagtuuanan ng pansin dahil sa nangyari kay Lola Lita at D.

"Sige po tara po" sabi ko at sabay na kaming naglakad papasok ng bahay.

Hindi ganoon kalaki ang bahay, pero sigurado akong may kaya sila D, hindi nga lang iyong sobrang yaman. May maliit na kumpanya ang Dad nito na malapit ng manahin ni D.

Mabalis natapos ang araw, puro lang kami kwentuhan, masaya ako dahil tanggap kami sa pamilya nila D. Sa pamilya ni Ninang at D ko naramdaman ang pagmamahal at kalinga ng pamilya.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon