(JUDY)
Isa na akong fashion designer ngayon. I have my own clothing line.
Nakarig ako ng katok mula sa opisina ko. Napahilot ako sa sintido dahil alam kong si Jez na naman yan. Isang linggo na yan pabalik-balik sito simula ng dumating siya galing ibang bansa.
"Pasok" sabi ko at pinagsalikop ang mga kamay ko.
Ang laki ng pinagbago niya simula ng umalis siya. Puberty hits him hard. Lalong na depina ang gwapo nitong mukha pero hindi magbabago na wala pa rin siyang kwenta at napakalaking gago.
Naupo siya sa upuan kaharap ng table ko.
"Kung nandito ka para tanungin ulit ako kung nasaan si Eris, sinasabi ko na sa iyo hindi ko alam." sabi ko na may pagkairita. Sana naman makaramdam na siya na nabwi-bwisit na ako kapapabalik-balik niya dito.
"Hindi ako naniniwala sa iyo" mariin nitong sabi.
Ayaw kong mag sinungaling, pero nangako ako kay Eris na hindi ko ipagsasabi kahit kanino lalo na sa gagong ito. Kung wala na lang kay Eris ang ginawa niya pwes sa akin hindi, galit na galit pa rin ako sa kanya.
"Lets get this straight Jez, bakit mo pa hinahanapa ng taong iniwan mo na? Bakit hindi mo na lang siya hayaan kung nasaan man siya ngayon? Huwag mo nang guluhin ang buhay nya" hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses dahil sa galit at frustration ko.
"Tumigil ka na please, hayaan mo na yung tao" pagmamakaawa ko sa kanya. Kahit lumuhod ako sa harap niya huwag niya lang ulit guluhin si Eris. Hindi ko na ulit hahayaan masaktana ng kaibigan ko dahil sa kanya.
"So alam mo kung nasaan siya?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Napabuntong hininga ako.
"Sige, sabihin na nating alam ko nga kung nasaan siya, anong gagawin mo? Guguluhin mo siya? Masaya na siya ngayon Jez, kaya nagmamakaawa ako tumigil ka na! move on with your life dahil si Eris naka moved on na, masaya na siya ngayon kahit wala ka!" mariing sabi ko. Gusto kong ipag siksikan sa kokote niya na dapat hayaan na lang niya si Eris.
Nakita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Well dapat lang, siya naman ang may kagagawan niyan sa sarili niya.
Hindi ito nakapagsalita at bumuntong hininga na lang.
"Please!, tama na, umalis ka na, dahil hindi rin ako magsasalita"
Tumango ito at tipid na ngumiti bago tumayo para umalis.
Napabuntong hininga ako at ibinalik sa trabaho ang isip ko.
(ERIS)
Sumalubong sa balat ko ang init. Nasa Pilipinas na nga ako.
"Mommy, its too hot!" reklamo ng anak ko. Napangiti ako dahil naka pout na naman ito.
"Come here" sabi ko aat pinunasan ang pawis nito. Wala pa kaming sampung minuto simula ng makalabas kami sa airport.
"Ayan na ang sasakyan, lets go" sabi naman ni Daniel at tumigil ang isang sasakyan sa harapan namin.
Lumabas ang driver at kinuha ang mga maleta namin at inilagay sa compartment ng sasakyan. Inalalayan naman kami ni Daniel papasok sa sasakyan.
"Daddy, Im hungry" sabi ni Lard at hawak pa ang tiyan nito.
"Okay, lets have lunch first, Kuya Ronnie sa malapit na Jollibee tayo" sani ni D, alam talaga niya ang mga gusto ni Lard.
BINABASA MO ANG
Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETE
General FictionWARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! R-18| SPG| Matured Content| Si Erisha Llarenas ay isang 16 years old na may malaking sikretong itinatago kasama ang kanyang bestfriend na si Jezreel Gallevo na 17 years old...