Chapter 23

4.9K 73 2
                                    

(ERIS)

Dalawang linggo matapos akong makalabas ng ospital. Nakikitira pa din kami dito kila Judy. Nakakahiya na nga eh, dahil kahit gusto naming tumulong ni Jez sa mga gawaing bahay ay ayaw kaming payagan ni Tita Jenny.

Nandito ako ngayon sa kwarto binabasa ang binigay ni Tita na booklet about sa pregnancy. Si Jez naman ay may pinuntahan, may aayusin lang daw pero hindi naman sinabi kung saan. Sinabi lang nito na baka hapon o gabi na siya makauwi at maghahanap na din daw siya ng malilipatan namin.

Wala akong magawa, dahil pinagbawalan ako si JEz na magbukas ng social media accounts, pero nabanggit ni Judy kanina sa akin na wala na ang kumakalat na mga pictures namin, sigurado akong nagbayad ang mga pamilya namin para i-turn down ang mga iyon dahil nakasisira sa pangalan nila.

Sinamantala ko naman itong sandali para mag-isip. Napakarami naming dapat isipin katulad nalang kung saan kami titira? paano naming bubuhayin itong baby? Paano na ang pag-aaral namin? Marami, marami pang dapat isipin pero iniiwasan ko na lang para kay baby, bawal akong ma stress.

Ang kailangan kong gawin ay tanggapin na nandito na kami sa sitwasyon na ito. Magiging magulang na kami. May resposibilidad na kaming kailangan gampanan.

Isa pa sa iniisip ko si Jez, nitong nakaraang linggo simula ng lumabas ako sa ospital mukha siyang stress na stress, minsan nakikita ko siyang tulala, pero kapag tinatanong ko naman kung anong problema ngingiti lang naman ito at yayakap sa akin. Mas naging sweet pa ito lalo sa akin, naging maalaga, hindi naman sa hindi ko gusto, sa totoo lang gustong-gusto ko nga, pero nagtataka lang ako. Siguro dahil buntis ako kaya ganun.

Katatapos lang naming maghapunan pero wala pa din di Jez. Tinawagan ko kanina pero sabi niya pauwi na din siya kaya hinihintay ko na lang bago matulog. Hindi na ako sanay matulog pag hindi ko sya katabi.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Jez na mukhang pagod na pagod. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo pagkatapos ang tiyan ko naman.

"Kumusta? Kamusta ang baby namin?" tanong nito at hinaplos nito ang tiyan ko.

"Saan ka galing?" tanong ko, nag-iwas ito ng tingin at naglakad papuntang banyo.

"Naghanap ako ng lilipatan natin, maliit lang siyang kwarto, mayroon na doong maliit na kusina at sala, sakto lang naman sa ating dalawa. Hahanap na lang ulit tayo ng mas malaki kapag lumabas na si Baby, shower lang ako" sabi nito at pumasok na sa banyo

Bakit parang pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa kin bestfriend?

(JEZ)

Pagkapasok ko sa banyo, nanghina ako at napasandal sa ding-ding. Pagod na pagod ako ngayong araw isama pa ang stress dahil sa sobrang daming kailangan isipin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong hindi magiging madali, pero hindi ko naman inaasahan na ganito kahirap. Nahihiya na din ako kila Judy at Tita, narinig kong dadating na ang Tatay ni Judy galing Zamboanga. Kaya naman naghanap na akong malilipatan namin.

Hindi ko pa masabi kay Eris ang problema dahil baka ma stress lang siya.

Sa totoo lang paubos na ang hawak kong pera. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pantustos sa mag-ina ko.

Simula ng ma-ospital siya, ang 15k na nasa wallet ko ay unti-unti ng naubos. Mula sa hospital bill, sa mga vitamins, gamot at gatas na kailangan ni Eris doon napunta ang pera. Sinubukan ko noong bayaran ang hospital bill gamit ang Credit Card ko pero hindi gumana, pina-freez ni Dad ang bank account ko. Mabuti na lang bago mangyari lahat ng ito nai-widraw ko ang mothly allowance ko na 15k na pinanggastos nga namin. Mabuti na lang at libre ang tirahan at pagkain dito kila Judy.

Isang libo na lang ang natira, nag-punta ako kanina kila Kiel at kahit nahihiya, nanghiram ako ng pera niya. Nakahiram naman ako ng 5k, iyon naman ang ginamit ko para makapag deposit sa uupahan naming kwarto. Oras na lumipat kami, maghahanap na ako ng trabho, kailangan kong kumita ng pera, para mabuhay ko ang mag-ina ko. Kakayanin ko, sa akin sila umaasa, hindi lang sila isang resposibilidad, magiging pamilya ko sila.

Bago ako lumabas ng banyo, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Halata ang pagod sa itsura ko, medyo nangangayayat na din ako. Nagpunta rin ako kila Jonas para manghiram ng pera na gagastusin habang naghahanap pa ako ng trabaho, nilakad ko lang mula sa bahay nila Jonas hanggang sa sakayan ng jeep dahil nagtitipid ako, hindi ako sanay sa ganito, usually may sundo o kaya naman nag ta-taxi ako. Mabuti na lang at pinakain ako kila Jonas bago umuwi, dahil ang huling kain ko ay nang umalis ako dito sa bahay ni Judy kaninag umaga.

Malalim at malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas ng banyo na may malawak na ngiti sa mga labi.

(ERIS)

Nakangiti siya, pero ang sinsabi ng mata niya ay kabaliktaran ng ipinapakita sa akin ng mga labi niya.

Humiga ito sa tabi ko at yumakap sa akin, isinunsob ang mga mukha sa leeg ko. Bukas nga pala ang schedule ko ng check-up, sabi ni Doc bumalik after 2 weeks.

"Ahhh Jez" ipapaalala ko pala sa kanya.

"ummmm?"

"Bukas nga pala yung schedule ng check-up ni Baby, pinapaalala ko lang baka nakalimutan mo eh" sabi ko at naramdamn kong natigilan ito bago nagpakawala ng malalamin ng paghinga. Hindi ito nagsalita, pero sumiksik lang lang ito sa akin.

"Jez, anong problema? Alam ko meron, sabihin mo sa akin, dalawa tayo dito, dapat nagtutulungan tayo" sabi ko at ikilulong ang mga mukha niya sa palad ko.

Nagpakawala ito ulit ng buntong hininga bago nangsalita.

"W-wala na tayong pera, nang hiram ako kanina kay Kiel at Jonas para sa pambayad at advance sa titirahan natin, tapos nakalimutan kong check-up mo pa bukas. I'm sorry Baby, promise gagawan ko ng paraan, maghahanap ako ng trabaho, akong bahala sa inyo" sabi nito at niyakap ako.

Bakit ba hindi ko naisip na mag kakaproblema kami sa pera. Mas malaki pa ngayon ang gastos namin dahil buntis ako. Kailangan nga namin ng pera.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko at tinignan siya sa mga mata. Pumikit ito umupo, kaya naman bumangon din ako at umupo.

"Hindi ko na sinabi dahil baka pag-nalaman mo mastress ka pa. Pina-freez ni Dad ang bank Account ko, yung naiwang cash sa wallet ko naubos na, kaya nanghiram ako kila Kiel at Jonas, pinapahiraman ako ni Judy, pero tinanggihan ko na, nakakahiya na kasi eh, nakikituloy na nga tayo dito" sabi nito at naisuklay ang mga daliri sa buhok nito.

"Tiwala lang makakahanap tayo ng paraan, kaya natin ito diba? basta dalawa tayo, para sa magiging anak natin"

"Oo naman kakayanin natin"

"May trust fund tayo diba? Malaking halaga iyon, pwede natin iyong gamitin para magsimula" sabi ko nang bigla kong maalala ang trust fund na iniwan ng lolo at lola ko.

"Chineck ko na iyon, pero Eris, hindi mo iyon magagalaw hanggat hindi ka pa 18 at iyong akin ay kapag nag 20 years old ako, kaya ang option natin ngayon ay magtrabaho ako" bigla nalaglag ang balikat ko ng marinig ang sinabi niya. Oo nga pala, magagalaw ko lang iyon pag nasa tamang edad na ako.

Kitang-kita ang stress, frustration at at takot sa kanya. Naawa ako sakanya, naaawa ako sa aming dalawa. Parehas kaming takot sa mga bukas pa na kakaharapin namin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I kiss him on the lips at ease the burden on his shoulder. I wish I could take even just a little of it. He kissed me back with the same intensity that made us both moan. 

----

S.B. Notes

Muntik na machugi si chapter 23 HAHA buti na lang uso ang restore HAHA

Please votes and comment. Thanks BABES

FB: ERISHA LLARENAS
FB PAGE: Sarang Babe WP
FB GROUP: Wattpad SarangBabe Official
Twitter: SarangBabe_WP

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon