Chapter 27

4.6K 69 8
                                    


Dedicated to CyraMasa na naghihintay ng UD 😘

(ERIS)

Since that night na nag-aminan kami ng feelings. Jez and I never failed to say everyday that we love each other. Ang sarap sa pakiramdam na mahal na mahal ka ng taong mahal mo.

Araw-araw hindi kami nagsasawang iparamdam ang pagmamahal namin para sa isa't-isa.

Pitong buwan na kong buntis, sabi ng doctor sa center okay naman daw siya pero kailangan ko pa ding umiwas sa stress at mag-ingat dahil maselan ang pagbubuntis ko. Hindi na din pwede and action sa kama, pinagbawalan na ako. 

Wala si Jez ngayon, nasa isang resto, pumasok siyang taga hugas ng mga pinagkainan. Ayaw pa nga daw siyang tanggapin dahil menor de edad pa, pero pinilit daw niya kaya pumayag na din ang may-ari dahil kulang sila sa tao at dishwasher.

Sabado ngayon at nandito si Judy, hinihintay namin si Eros, sabi niya pupunta siya at may surprise daw siya para sa amin.

"Oh, pinagbalat na kita, kainin mo yan para makakuha naman ng kaunting vitamins si Baby" sabi ni Judy at inilapag sa harap ko ang mga prutas na dala nito kanina.

"WOW! Salamat Judy, ang laki-laki na ng utang na loob namin sayo, maraming salamat talaga" sabiko at hinawakan ang kamay niya.

Pinisil naman nito ang mag kamay ko. "Wala iyon, kaibigan kita eh, basta ninang ako niyang bulilit na nasa tiyan mo" sabi nito at nginitian ako

Nagkwekwentuhan lang kami, about sa studies niya, sa buhay namin ni Jez ngayon at kung ano-ano pang topic na pwede. Naikwento na nga din niya ang poging manliligaw daw niya. Hay naku!

Nakarinig kami ng katok, mukhang si Eros na iyon. Tumayo si Judy at binuksan ang pinto. Hindi ako tumingin sa pinto at kumain na lang ng prutas dahil si Eros lang naman iyon.

"PUTANG'NA KA TALAGANG BATA KA! KAHIHIYAN KA NA NGA SA PAMILYA DAHIL SA MGA KUMALAT NA PICTURES MONG NAGLALANDI TAPOS NGAYON BUNTIS KA!!" sigaw ng Mom ko na nasa may pinto kasama ni Eros.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Paano niya nalaman? sinabi ba ni Eros?

"MY GOD ERIS!! MATALINO KANG BATA PERO BAKIT? ANG TANGA-TANGA MO!! NAGPABUNTIS KA PA TALAGA!!" sabi ni Mom na napahawak sa sentido nito.

Nanahimik lang ako, nakatingin sa kanyang nagpupuyo sa galit. Ang sakit, ang sakit ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nagbaba na lang ako ng tingin, wala naman akong sasabihin.

"ANO NA LANG ANG SASABIHIN NG MGA NAKAKAKILALA SA AKIN AT SA DAD MO! HINDI MO TALAGA KAMI BINIGYAN NG KAHIHIYAN. ANG TANGA-TANGA MO TALAGA!"

"Mom! Tama na!" sabat naman ni Eros

Lumibot ang paningin ni Mom sa inuupahan namin. Kita sa mata niya ang pagkadigusto.

"ETO BA? HA!? ETONG BUHAY NA ITO ANG GUSTO MO MATAPOS MO KAMING IPAHIYA! SUMAGOT KANG HALIPAROT KA!!"

"OO MOM ANG TANGA-TANGA KO NA! MALANDI AKO!, KAHIHIYAN AKO!, PERO ALAM MO MOM HINDING-HINDI KO PAGSISISIHAN ANG MGA DESISYON KO, BAKIT? DAHIL MASAYO AKO KAHIT NAHIHIRAPAN KAMI, MAS MABUTI PA DITO KAYSA SA MANSYON NYO PERO HINDI NAMAN AKO KAILAN MAN NAGING MASAYA!! KAILANGAN LAGI AKONG SUMUNOD SA INYO!, KAILANGAN GANITO AKO, GANYAN, BAWAL MAGKAMALI!, ANG HIRAP-HIRAP MOM, SOBRANG NAHIHIRAPAN AKO PARA LANG MAABOT KO YUNG STANDARD NIYO!" umiiyak na akong nakatingin kay Mom, nakatingin ako sa mga mata nito habang inilalabas ko lahat ng sama ng loob ko.

"ALAM MO BANG KAY JEZ KO NARAMDAMAN NA KAHIT MAGKAMALI AKO OKAY LANG, KAHIT MAY KULANG OKAY LANG! NA KAHIT HINDI AKO TOP SA MGA GINAGAWA KO OKAY LANG! SA BAHAY HINDI! SA INYO NI DADDY HINDI PWEDENG MAGKAMALI! NOONG NAGING SECOND PLACE AKO, INSTEAD OF ENCOURAGING ME TO DO BETTER NEXT TIME, ANONG NAKUHA KO SA INYO SERMON, PARA NAMANG BUMAGSAK NA AKO EH PANGALAWA PA NAMAN AKO! INSTEAD OF LETTING ME GROW ON MY OWN DINIDIKTAHAN NIYO AKO"

Nakatingin lang sa akin si Mom, walang ekpresyon ang mukha nito. Si Judy at Eros naman ay nakayuko lang.

Hindi ko pinigilan ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mata ko. Umiiyak ako sa harap ng ina ko, na ni minsan hindi ko ginawa simula ng magkaisip ko. Umiiyak ako sa kwarto, sa bisig ng taong mahal ko. Hindi ko itinago sa kanya kung gaano ako nasasaktan ngayon.

"Masaya na ako Mom, kahit hindi pa ako handing maging ina, gagawin ko naman lahat para sa anak ko, Hinding-hindi ako tutulad sayo, hindi-hindi ko kokontrolin ang anak ko para lang sa ibang tao" mahinahon kong sabi.

Nag-iwas ng tingin si Mom at huminga ng malalim bago ulit tumingin sa akin

"Alam mo bang kaya ako nagpumilit pumunta dito para pauwiin ka, pere ito ang tatambad sa akin. Kung masaya ka naman na pala, edi mabuti, wala na akong anak na babae!" sabi nito at agad na tumalikod at naglakad paalis ng bahay.

Muntik na akong matumba dahil nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang at nahawakana ko ni Eros at Judy. Kahit kaialan hindi ako sumagot kay Mom, hindi ako angtaas ng boses sa kanya pero dahil sa sobrang sama ng loob ko, nagawa ko.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng matinding sakit sa tiyan ko. Oh God ang baby ko. \

Please anak, be safe.

­"AAHHHHHHHH A-ANG SA-SAKIT!!!" napasigaw ako ng sumidli ulit ang sobrang sakit.

"T-tawagan ko si Jez!" sabi ni Judy at inilabas ang phone para tawagan si Jez.

"AAARRRRRRRGGGGGGHHHHH! SHIT!"

Mangiyak-ngiyak na ako dahil sa sakit at mas lalo akong naiyak ng may maramdaman ako umagos na likido sa mula sa pagkababae ko.

"OMG! OMG! OMG!, HOSPITAL! We need to bring her to the hospital" tarantang sabi ni Judy.

Agad naman nila akong binuhat.

"Hinga Eris, Relax lang, hingang malalim" Sabi nito at sinabayan akong huminga ng malalim.

Nang bigla ulit sumakit hindi ko kapigilang hablutin ang buhok ni Eros

"ARRAAAAYYY! Ate, m-masakit, huwag mo ako sabunutan!"

Namimilipit ako sa sakit at the same time kabang-kaba, hindi pa due ni Baby baka kung anong mangyari sa kanya.

Impit na sigaw lang ang ginawa ko habang papunta kami sa ospital. Mas malapit kasi ito kesa sa center, wala pang sampung minuto kung sasakay, pero sa nararamdaman ko ngayon parang napakalayo ng ospital at napakabagal ng oras dahil sa sobrang sakit.

Alam kong masakit ang manganak, nasubukan na naming manood noon sa school ng isang educational video pero hindi ko naman akalain na ganito kasakit.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa ospital. Hindi ko na kaya ang sakit.

Mabilis akong dinaluhan ng doktor at nurse at dinala sa emergency room.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon