Chapter 7

8.8K 74 10
                                    

(JEZ)

Nag ka-kape kami ni Jonas dito sa kusina nila Rhian habang naghahanda ng umagahan ang mga katulong nila.

Alas 8 pa lang ng umaga at kaming dalawa pa lang ang gising. Mahimbing pa ang tulog ng iba.

Tamang simsim lang ako ng kape ng biglang nagsalita si Jonas.

"Gising pa ba kayo ni Eris ng mga alas tres, parang narinig ko kayo eh" Naibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa gulat sa tanong ni Jonas. Alam kong namutla ako sa tanong niya at kumabog ang dibdib ko. Shit! Nakita kaya niya kami? Patay kami pag may nakaalam.

Pinanatili ko ang normal kong mukha bago sumagot. Hindi ko ipinahala na sobrang kaba-kaba na ako.

"Huh? nakatulog na kami agad, alam mo naman pagod, baka nananaginip ka lang bro, nakainom ka pa kagabi" sabi ko lang at uminom ulit ng kape.

"Baka nga, haha" Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nag tanong ulit at pinabayaan na lang.

Maya-maya pa ay bumaba na sila maliban kay Eris, sabi nila susunod daw.

Wala pa sigurong dalawang minuto nakita ko na si Eris pababa ng hagdan. Ang ganda niya talaga, swerte magiging boyfriend nito.

"Morning guys, aaarrrggghhh!!! ang sakit ng ulo ko" sabi nito sabay upo sa tabi ko sa harap ng hapag kainan.

Nakita kong nakatitig si Judy kay Eris. Hindi ko na sana papansinin dahil handa na ang pagkain ng magtanong ito.

"Girl!, anong nangyari diyan sa leeg mo, bakit namumula?" tanong nito kay Eris, napatingin naman ako bigla sa leeg niya. Potek, nag-iwan nga pala ako ng chikinini at dahil nakasando lang siya kitang-kita yun.

Nakita ko ding namutla si Eris dahil sa tanong ni Judy at napahawak sa leeg niya.

(ERIS)

Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa tanong ni Judy. Alam kong namutla ako at ramdam na ramdam ko nag kabong ng dibdib ko.

Bigla kong hinawakan ang leeg ko at nag isip ng pwede idahilan. Bakit naman kasi hindi man lang akk humarap sa salamin bago bumama.

"Ahhh, ano, kagabi kasi, doon sa may pool may kumagat tapos nangati kaya kinamot ko kaya siguro namumula, wala ito, kagat lang hehe" Weeeww. Maniwala kayo please.

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba, bwiset, kasalanan ito ng manyak na Jezreel na yan eh.

"Makati pa ba? meron akong cream sa taas na pwedeng ipahid diyan, lagyan natin mamaya" Sabi naman ni Rhian.

Pwede ba yan sa buong katawan ko?, para mabawasan naman ang kakatihan ko. Hindi ako makapaniwala na nagpatira ako sa bahay ng kaibigan ko, nakakahiya kay Rhian at malala nasa iisang kwarto kami kasama ng mga kaibigan namin. Tsk. Ang libog mo tagala self. Ang rupok mo pa. Konting haplos lang sayo bubukaka ka na.

Tumingin ako kay Judy na parang hindi maniniwala sa dahilan ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi naman na siya nagsalita kaya napabuntong hininga ako.

Humarap ako sa kay Jez, alam kong kinakabahan din siya. Gago kasi, muntik na kami mahuli. Mataman ko siyang tinignan na nag sasabing "tang'na mo, kasalanan mo ito".
Nakita ko naman sa mata niya na humingi siya ng sorry. Sorry niya mukha niya, muntik na kaming mahuli.

"Kumain na tayo, para makapag gayak na at makauwi, gusto ko pa matulog" Sabi naman ni Lyn at naghikab pa ang gaga.

Natext ko na si Dad na makikisabay na lang ako kay Jez pauwi para hindi na ako ipasundo.

Nakasakay na kami, sa kotse nila Jez. Hindi ako nagsasalita, naiinis ako sa kanya, alam niyang ayaw na ayaw kong nag-iiwan siya ng chikinini dahil makikita ng mga tao at matagal matanggal.

"Babe" pabulong na sabi nito, para hindi kami marinig ng driver nila.
Hindi ko siya pinansin.

"Sorry na, hindi ko naman sinadya, nakalimutan ko sorry, nadala lang ako"
Shit! Napakalambing ng boses niya. Alam ko hindi magtatagal maaalis na ang inis ko lalo na kapag nilalambing niya ako.

Nang hindi ko pa din siya pinansin, naramdaman kong gumapang ang kanang kamay niya sa may legs ko.
Bigla ako napatingin sa driver at buti na lang focus ito sa daan.

Inalis ko ang kamay niya at inirapan siya. Ibinalik lang din niya ito.

"Ano ba!" Sabi ko at inalis ulit ang kamay niya sabay nguso sa driver nila.
Nginitiian lang ako ng manyak.

"Sorry na kase, huwag ka na mainis, ibibili kita ulit ng bagong concealer"

"Oo na bwisit, tigilan mo na ako, baka makita tayo, masasapak na talaga kita, muntik na tayo mabuking, dahil sa kalibugan mo"

Pabulong lang kaming nag uusap, minsan napapatingin na sa amin yung driver.

"Ginusto mo din namam ah, nasarapan ka din naman" Bulong nito na nag painit ng mukha ko. Bakit parang pati loob ng kotse mainit na?

Tumingin na lang ako sa labas para maitago ang mukha kong siguradong pulang-pula na.

Totoo naman, na ginusto ko din, at nasarapan din naman talaga ako.

Kailangan na talaga naming kontrolin ang init na nararamdaman namin sa katawan baka sa susunod, mahuli na talaga kami at mabunyag ang sikretong kailan man ay hindi dapat malaman ng ibang tao.

Humarap ako kay Jez, at pabulong na nagsalita. Tama lang para marinig niya.

"Kailangan natin mag-ingat, nagiging pabaya tayo." Seryosong sabi ko.

Tumango-tango naman si Jez
"Okay, promise, mag-iingat na tayo"

Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa bahay. Wala sila Dad at Mom may pinuntahan daw.

------

FB: ERISHA LLARENAS
FB PAGE: Sarang Babe WP
FB GROUP: Wattpad SarangBabe Official
Twitter: SarangBabe_WP









Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon