Chapter 50 (LAST CHAPTER)

8K 113 43
                                    

(ERIS)

It's been three months. Wala na akong kahit anong narinig galing kay jez. He really leaves us alone.

Iyon naman ang tama, pero sa loob-loob ko hindi iyon ang gusto ko. I miss him so much.

Ngayon, malinaw na siya pa din, siya lang naman talaga. Ang naramdaman ko kay D ay attraction lang but I do love him as a friend.

Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pangungulila sa kanya. Sobrang emotional ko dahil na din siguro buntis ako.

Sa loob ng tatlong buwan, naramdaman ko ang sobra-sobrang pag-aalaga at pagmamahal galing kay D. Iniisip ko, ginagawa nya ito para sa amin pero bakit pakiramdamn ko mawawala na siya sa akin. Selfish na kung selfish pero hindi ko na kakayanin kung ang isang importanteng tao sa buhay ko ay mawawala pa.

Nag-eempake na ako ng gamit namin dahil babalik na kami ng Pinas. Nag resign na din ako sa trabaho.

Uuwi kami dahil nandoon sila Mom. I wanted to be with them, marami na kaming nasayang na taon, oras na para makasama sila. I have my go signal from my OB kaya safe akong mag travel via air.

Sa totoo lang hindi ako ang may ideya nito kundi si D. He suddenly wanted us to go back. Noong una nagdududa ako pero nag ipaliwanag niya nga na ang dahilan ay para makasama na kami ng mga pamilya namin.

Hindi ako natatakot na makita ni Jez dahil ang balita sa akin ni Judy, bumalik na daw ito ng New Zealand. He just doesn't know kung permanente na ito doon o hindi, pero dahil sa mga nangyari malaki ang posibiladad na doon na nga siya manirahan.

When we came back. Agad na nag arranged si Dad ng vacation para sa amin.

We wen to a private Island na pag-aari ng kaibigan ni Dad. Napakaganda ng resthouse at malaki iyon. Mayroong apat na resthouse na magkakalayo dito at ang isa ang tutuluyan namin.

Lahat ng kailangan namin para sa tatlong araw ay nandito na. May stock na ang ref. na ang sabi ni Dad ay ipinahanda ng kaibigan nito.

On our first day here in the island, nag luch kami sa tabi ng dagat.

Nagluto si Mom ng adobong manok na paborito namin ni Lard. Nagulat din ako dahil may 5 box ng donut sa ref. at isang tray ng pugo. Hindi na nawala ang ngiti ko simula ng makita ko ang mga iyon.

"Mommy, let's swim, com'on" aya ng anak ko.

Sobra itong excited dahil dalawang beses pa lang itong nakakaligo sa dagat mostly kasi sa pool lang.

I am wearing a one piece, kahit gustohin kong mag two piece eh huwag na lang dahil makikita ang tahi ko. Kaya ko pa naman mag suot ng one piece dahil hindi pa ako mukhang nakalunok ng pakwan kaya okay pa.

"Let's go Lard, let mommy eat her donuts, it looks like your baby sister inside is hungry" turan nito kay Lard.

Napataas din ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Baby sister? I slowly smile because of the thought of having a baby girl. Oh Lord please let me have a baby girl!

Tumakbo na ang dalawa patungo sa dagat ngunit huminto rin at hanggang sa dalampasigan lang. Pinanood ko silang nagpapahabol sa hampas ng alon habang humahalakhak.

Masaya na akong nakikitang masaya ang anak ko. Kaya kong magsakripisyo kung ang ngiting nasa labi nito ang kapalit habang kasama ang itinuturing nitong ama.

Nang tumigil ang dalawa sa pagpapahabol sa mga alon. Nakita kong pumulot ng isang sanga na naligaw si D at ginamit iyon upang ipang sulat sa pinong buhangin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila at isinusulat sa buhangin pero maya't-maya ay titingin ang dalawa sa akin at ngingiti.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon