Special Chapter 2

6.7K 106 37
                                    

Last special chapter na po ito ng SS1: Bestfriend. Maraming maraming salamat po sa suporta. 

Inuna ko na ito para tuloy-tuloy na yung sa Secret Series 2: Witless Mistake. 

I love you Babes


(ERIS)

"Bye Mom! bye Dad! Take Care! I love you!" sabi ni Lard habang kumakaway.

Ngayon ang alis namin papuntang Paris para sa honeymoon namin. Maiiwan muna si Lard sa mga Lolo at Lola niya. 

Bumalik na sila Dad sa dati naming bahay para mag kapit-bahay na daw sila ng kanilang mga balae at para na din lagi silang mag bo-bonding kasama si Lard.

Sumakay na kami ng kotse, halos ayaw ko na ngang umalis dahil ayaw kong iwan si Lard. This is the first time na malalayo ako sa anak ko. Naiiyak na nga ako eh, sobrang emotional ko na naman.

"Babe, isama na lang natin si Lard" sabi ko habang nakatanaw pa sa likod ng sasakyan kung saan nakatayo ang mga magulang namin kasama ang anak namin.

"Baby, he'll be fine. Aalagaan yan ng mga parents natin. Sobrang spoiled na nga eh" sabi nito at niyakap ako.

"Alam ko naman iyon pero kasi ...hindi ako sanay na nahihiwalay sa akin si Lard, this is the first time" sabi ko at hindi ko na nga napigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.

"Ssshhh, magiging okay siya doon. Enjoy-in na lang natin ang honeymoon natin, may utang ka pa sa akin, tinulugan mo ako kagabi" sabi nito.

Pinunas ko ang mga luha at nag pacute sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang makatulog agad eh. Napagod lang talaga ako kahapon.

"Kailangan mong bumawi Baby, hindi tayo lalabas ng hotel room sa unang araw natin sa Paris" sabi nito at ikinainit ng mukha at ikinangiti ko. Well, gusto ko yoorrnn.


Namangha ako sa hotel room namin dahil isa itong presidential suit. Lumapit ako sa may floor to ceiling na glass wall, kitang-kita ang city lights.

Napangiti ako nang yumakap mula sa likod ko si Jez. Isinubsob nito ang mukha sa leeg ko at pinaulanan ng mu-munting halik na nagpatawa sa akin.

"Pahinga na muna tayo after kumain, nagpadala na ako dito ng pagkain"

Humarap ako dito at ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Tinitigan ko ito sa mata. Looking at him looking at me with so much love showing in his eyes is enough to make me lost my mind. Sobrang saya ang nararamdaman ko.

"I love you" sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at makikita sa kanyang mga mata ang sobrang kagalakan.

"Mahal na mahal din kita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka ulit sa buhay ko. Mamahalin kita, ang pamilya natin hanggang sa huli kong hininga" he said and kiss me.

It was gently kiss with so much love. I kiss him back, putting my love into it so he can feel it.

Napamulat ako ng mata ng putulin na nito ang halik. I want to kiss him more.

"We better stop Baby, baka kung saan pa tayo mapunta, kailangan mo munang magpahinga, baka kung mapaano si Baby" sakto namang tumunong ang doorbell, iyong pakain na siguro iyon.

After we ate our dinner, nag shower na ako para makapag pahinga na. Kahit gusto naming sulitin ang unang gabi ng aming honeymoon ay hindi ko na kaya dahil pagod ako at inaantok na.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon